June 7, 2006
Dear Diary,
Second day ng school ayos naman. wala namang kahihiyan na nangyari sakin pwera sa pakulo nila Monic at Jasmine na kung sino una naming makakasalubong na kakulay ng damit namin iyun daw yung soulmate ko.
Naka purple si Monic at gwapo namang yung una nyang nakasalubong na nakapurple din. Hindi nga lang kami sure kung lalake ba yon o ano. haha
Si Jasmine naman nakablack kaya for sure emo ang nakasalubong niya. Inirapan panga sya nung guy na muka namang emongoloid. hahaha
Nakastripe akong pink kanina. after 57years may nakasalubong naman nako na kapareho ng suot ko. Kaso hindi nga lang namin kaschool. Sa kabilang private school siya nagaaral. at kilala ko siya. Si Luke na kachurchmate namin. Alam ko mas ahead siya sakin ng 1 year. Gwapo si Luke. Sa totoo lang nga crush ko siya e. Gitarista kase siya sa church namin at dancer naman ako. Kaso masungit siya e feeling ko lang. diko pa kasi siya nakakausap kahit kailan.
Kinulit kulit ako nila Monic na si Luke daw yung soulmate ko. Soulmate? totoo ba yun? Tsaka ang usapan naman sa school. e sa labas na ng school namin siya nakita e. So ibig sabihin wala akong soulmate. hahaha
Okay enough with the soulmate thingy. Second day palang may soulmate na agad agad?! Hahahha. Aral muna dapat diba Diary? sumagot ka! Hahahahha :) Goodnight.
YOU ARE READING
Throwback
Teen FictionHi. Natatandaan mo paba ko? Ako yung babaeng sinayang yung pagmamahal mo NOON, na sobrang nagsisisi na NGAYON. Naniniwala kaba sa "Soulmate"? Totoo kayang bago kapa ipanganak sa mundo e mayron na talagang taong nakalaan para sayo? E naniniwala kab...
