First Love Never Dies

20 0 0
                                        

"Gaga. May jowa kana bakit iniisip mo padin siya?"

"Hindi ko alam monic. Lagi siyang pumapasok sa isip ko kahit ayaw ko."

"Haynako girl. Move on din pag may time. It's been 8 years, haler?! May naiinlove naba ng 13 years old? Grabe ka ha."

"Oo naman. He's my first love."

"I know. Pero sino bang may kasalanan? De ngayon nagsisisi ka dyan. Hayaan mo na yun. Andyan naman si ever loving mong boylet e. hihi"

"Oo na ho."

"Tsaka may girlfriend narin yung tao ano kaba. Siguro namimiss mo lang siya kaya akala mo inlove ka parin sa kanya."

"Hindi ko talaga alam. Alam kong mahal ko si France, pero feeling ko kase

"Ano Aless? Feeling mo ano?"

"Wala. Nevermind."

"Sabi mo e. Tara tapos na yung break akyat na tayo. "

"Go ahead susunod nalang ako."

"Okay dont be late. una nako ha?"

Ano bang gagawin ko? May boyfriend ako pero di ko parin nakakalimutan yung first love ko nung 1st year high school ako.

Sabi nila puppy love lang daw yun. E bakit hindi siya mawala sa isip ko? Ang buhay talaga parang life. Hay.

Okay na naman ako e. Tapos na kong magaral, may magandang trabaho, mabait at gwapong boyfriend. Hindi ko nga alam bakit parang ginugulo ko pa yung buhay ko.

By the way. I'm Aless. I'm 22. Sa tinagal tagal ko na sa mundong ibabaw ngayon ko palang napatunayan yung kasabihang "Nasa huli ang pagsisisi."

Sana pwede akong makabalik sa nakaraan. Ang dami kong bagay na pinagsisisihan na hindi ko nagawa, na nagawa ko at sinayang ko.

Tama naduwag ako. Ang dami kasing
"What if's" sa isip ko. Hayyy

Pauwi nako galing sa trabaho at naglalakad lakad. Hindi ako masusundo ni France kasi overtime siya ngayon.

Mas pinili kong maglakad-lakad. Nakakamiss din kase. Masyado na pala akong naging busy sa trabaho ni wala akong oras para maglakad-lakad man lang.

*screech*

"Hoy tanda pwede ba kung gusto mong magpakamatay hwag mo akong idamay!"

Dinig kong sigaw ng isang driver ng magandang kotse sa matandang babae na muntik ng masagasaan.

"Nako lola okay lang po ba kayo?" nagaalala kong tanong kay lola. Nanginginig kasi siya sa takot tsaka hindi siya pinansin ng ibang naglalakad.

"Nako apo maayos ako. hindi ko laang napansin iyong paparating na sasakyan at medyo malabo na areng mga mata ko sa katandaan."

"Gusto niyo po bang tumawid? Tulungan ko napo kayo."

"Salamat apo sa pagtulong sa akin. Napakabait mo."

"Wala po yon lola. Saan po ba kayo papunta gusto nyo po ba na ihatid ko na kayo?"

"Nako hindi na at nakakaabala nako sa iyo."

"Hindi po pauwi narin naman po ako naglalakad lakad lang po."

"Osiya kung mapilit ka e."

Naglakad na kami ni lola ayaw niya kasing sumakay malapit lang daw naman yung bahay niya.

"Apo mukang may malalim kang iniisip. kanina pa kasi kita tinatanong hindi ka nasagot. Ano ba iyon?"

"Pasensya napo lola pagod lang ho ako pasensya na kayo. Ano po ba yung tinatanong niyo?" Nakakahiya naman kay lola kanina pa pala siya nagsasalita hindi ko napansin. Nakakainis kasi yung isip ko kahit pilitin kong wag siyang maisip naiisip ko padin.

"Tungkol ba sa pagibig yan apo?"

"Nako hindi po lola sa trabaho lang po."

"Alam mo hindi ka magaling magsinungaling. Pwede mo namang ikwento makikinig ako."

Dahil mapilit si lola nakwento ko nadin sa kanya kung ano yung bumabagabag sa isipan ko. Nakakahiya man sinabi ko na rin. Kaylangan ko din kasi ng taong masasabihan.

"Ganun ba. Kung may hihilingin kabang isang bagay ano yung hihilingin mo? pero bago mo sabihin pagisipan mo muna ng mabuti. May mga bagay kase tayo minsan na hinihilingin na akala mo para sa atin pero hindi naman pala."

May point si lola. Siguro kung may isang bagay akong hihilingin ngayon...

"Gusto ko po sanang bumalik sa nakaraan para maitama ko yung mga maling bagay na nagawa ko tsaka sinayang ko."

"Sigurado kaba dyan apo?"

"Opo."

"Osiya dine na laang ako. Salamat sa paghatid mo. Lagi mo lang tatandaan, ang lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan, hindi man natin malaman sa ngayon, balang araw maiintindihan din natin. Bukas paggising mo-

*kringgggggg...*

"Nako lola sandali lang po. Hello? France ikaw pala. Bukas? Okay sige see you! *call ended* Lola saan po ba bahay nyo? Lola?

O.o?

San na nagpunta si lola bigla namang nawala.

"Baka umuwi na. Taxi!"

Nandito nako sa condo ko at humilata agad ako sa kama pagdating ko. Nakakapagod na araw.

Bigla kong nakita yung diary na pinagsusulatan ko dati nung highschool ako. Buhay pa pala to pero halatang luma na. Binuksan ko yung isang page at binasa ko. Si Luke yung nagsulat nito.

August 16, 2006

Dear soulmate,

Sobrang thankful ako kay Lord for you coming into my life. You may not be perfect for other but you're definitely perfect for me. I love you so much!

P.S: Yan ha tulad ng request mo. Pupunuin natin tong diary mo ng happy memories natin.

Always,
Luke :)

-------------------------------------------
Di ko napansin na may tumutulo na palang luha sa mga mata ko. Bakit ganon? Bakit masakit pa din? Dapat nakamove on nako e.

Those thoughts made me wanna reminisce all the memories that we had. Sinimulan kong basahin yung diary simula sa unang sinulat ko.

*flashback ..... *

To be continued po ang flashback sa next chapters. Baka lang maguluhan kayo. Flashbacks po ni Aless lahat ng susunod na ilang chapter.

ThrowbackWhere stories live. Discover now