"Aba't nag-iimprove ka na Miss Carreon ah!" sigaw niya habang nakasunod sa akin.

"Can I come inside?"

Inakbayan niya ako at giniya papasok sa loob.

Black and white ang theme ng kuwarto niya. Masyadong malinis at organisado ang loob. Ang isang malaking shelf ay punong-puno ng mga libro. Ang isa naman na shelf ay puno ng mga iba't-ibang collections na dinosaurs figure.

"You love dinosaurs?" tanong ko kahit obvious na obvious naman.

Tumikhim siya at iniwas ang tingin sa akin. "I'm not a kid. I just like them." tila nahihiya niyang saad.

Tumawa ako at muling inilibot ang tingin sa kuwarto. Natigilan ako nang makita ang pin board na nasa taas ng study table niya. There are pictures of us. Iyong mga larawan sa Davao noong sinagot ko siya. Merong tulog ako at pati sa school ay meron din akong kuha. Hindi ganoon karami ang kuha naming dalawa dahil hindi ko hilig ang pagpipicture kaya naman halos puro solo shots ang meron ako.

Mukhang ngayon niya lang ito pinaglalagay kaya natagalan siya.

"Wow. Stalker ba kita?"

"I'm your boyfriend."

Natawa ako at nilingon siya. Namumula ang pisngi niya. Mukhang nahiya sa pagkakabisto ko sa mga larawan ko.

"Hindi ka ba nahihiya na makita 'to nila Tita Sky?" paglapit ko sa kanya at tila wala sa loob na napahiga ako sa kama niya.

"Why would I be embarrass? You're my girlfriend..." saad niya sabay tabi sa akin.

Napatingin ako kay Leighton nang tuluyan siyang mahiga at ilagay ang ulo ko sa braso niya. This is not the first time na nagtabi kami sa higaan.

Pero bahay nila ito at baka bigla na lang sumulpot ang mga kapatid niya or worse parents niya.

Sa naisip ay bumangon ako nang mabilis pero nawalan ako ng balanse kaya halos pumatong ako kay Leighton.

Nakita ko ang paglunok niya at bago pa ako makapagsalita ay umangat siya para pagtagpuin ang labi naming dalawa pero bago pa matuloy ang paghalik niya sa akin ay may sumigaw sa likod namin.

"Oh my gosh!"

Nagmamadali akong kumawala kay Leighton at hinarap ang nakangising si Claudi na ang kamay ay nakatakip sa isa sa kambal. Pero ang isa ay nagtatakbo habang sumisigaw.

"Mommy, I saw Kuya kissing Ate Alishhhh!"

Natakpan ko ang mukha ko sa kahihiyan. Hinding-hindi na ako papasok sa kuwarto ni Leighton kailanman!

KINABUKASAN ay naglalakad kami sa hallway ni Leighton. Ihahatid niya ako sa room ko na palagi niyang ginagawa kahit na sinasaway ko siya. I'm used to attention. Pero hindi ko naman gustong pati siya madamay sa mga taong walang ginawa kung hindi pag-chismisan ang buhay ng ibang tao.

Nang magpasukan ay tila isa kaming celebrity na naging laman ng usapan sa University nang kumalat ang balitang girlfriend ako ni Leighton.

"Dad talked to me,"

"About what?" tanong ko habang ang atensyon ko ay nasa cellphone ko at binabasa ang lecture sa isa kong subject.

"He's asking me to join him on his business trip in London."

Binaba ko ang cellphone ko at nilingon siya. "Kailan naman?"

"At the end of the month. That's one week from now. Gusto niyang habang maaga pa lang ay maintindihan ko na ang tungkol sa negosyo. Is it okay if I go?"

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Bakit naman hindi?"

"Kasi maiiwan kita. Do you want to go with us?"

Natawa ako sa sinabi niya. "Leighton, you're my boyfriend. I appreciate everything you're doing for me. You're always by my side. Lagi mo akong pinapasaya. Pero hindi mo dapat ako ituring bilang mundo mo. May mga bagay na dapat kang unahin. Hindi mo nga dapat ako tanungin kung dapat kang sumama kay Tito Cloud...Hindi ko 'yon dapat pakialaman kasi tungkulin mo 'yon bilang anak."

"I'm sorry. I just really don't want to leave you. Even if it's only a week...just thinking that I can't see you makes it hard for me to leave."

Tinapik ko ang pisngi niya. "Silly. We have technology."

"Pero iba pa rin ang kasama ka."

Ngumiti ako. "Kahit matagalan ka pa sa pagbalik. Mananatili ako sa lugar na pinag-iwanan mo sa akin."

"Hindi ka aalis?"

Umiling ako. "I'll never leave you. Promise."

Hindi ko dapat 'to sinasabi dahil walang kasiguruhan na matutupad ko ang pangakong 'yon. Pero hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko.

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko kahit na inaalis ko 'yon dahil nakakaagaw na kami ng atensyon ay mas lalo niya lang hinigpitan ang kapit sa akin.

Papasok na sana ako sa room nang makarating kami nang hilahin niya ako at halikan sa noo.

"Leighton!" nagulat kong pagsaway sa kanya.

Tumawa lang siya at umalis na. Huminga ako nang malalim at pumasok sa loob kahit na ang tingin ng halos lahat ay nasa akin.

Saktong pag-upo ko ay tumunog ang cellphone ko. Hinugot ko iyon pero napakunot ang noo ko nang makitang hindi nakarehistro ang numero sa cellphone ko.

Hindi ko alam kung bakit tila may kabang lumukob sa akin. Hindi ko magawang sagutin hanggang sa tuluyan na iyong nawala. Dumating na ang Professor kaya sinilent ko ang phone ko at nilagay sa bag.

Iniisip ko kung sino ang tumatawag dahil pili lang ang nakakaalam ng numero ko.

Don't think too much Alice, wala lang iyon...

TBC

Don't forget to click vote :) I'll appreciate your votes and comments. Share your thoughts below! Keep safe everyone.

#FallingRelentlesslyWP







Falling Relentlessly (COMPLETED)Where stories live. Discover now