k a b a n a t a # 5

342 17 0
                                    

Kinaumagahan, tunog ng mga maiingay na tambutso ang nakapag gising saakin.

Agad akong bumangon at kinusot ang mata ko. Pinasadahan ko ang paligid. Oo nga pala. Nakalimutan ko, wala nga pala ako sa Manila ngayon.

Usually, unang ginagawa ko ay maligo. Pero ngayon iba yata ang una kong gagawin nung makita ko ang balkonahe. Sumisilip ang araw doon, kaya naakit akong pumunta dun.

Binuksan ko ang double door ng balkonahe at tumambad agad saakin ang napakagandang tanawin sa labas. Umihip ang simoy ng hangin at agad kong yinakap ang aking sarile.

Tinignan ko ang kulay asul na dagat sa unahan. Hindi ko to masyadong nakita kagabi ngunit ngayong may araw na, kitang-kita ko na ang asul na alon na humahampas sa bawat bato sa gilid. Hindi ko alam na malapit lang pala talaga sa mansyon nila ang dagat.

All the scenery outside of my veranda is all beautiful but not until I saw what's banging with it. It is always has a flaw.

There, sa unang palapag, nakita ko ang nag uusokang mga motorbike. Apat na motorbike ang nakita ko at napagtanto kong ang unang nakaparadang motorbike na kulay itim na may halong pula ay kay Serge.

May mga lalake rin na hindi ko kilala na nagkakatuwaan. Ang aga nilang nandyan. May mga lampara at mga maraming bote ng mga inumin. Sa hindi kalayuan na kubo ay may nakita akong dalawang babae. Animo'y lasing ang mga ito. They look tired.

Dito ba sila nagpalipas ng gabi? Kaya pala may narinig akong maingay nung hating gabi. Akala ko panaginip ko lang iyon.

Kita dito galing sa balkonahe ang paglabas ni Serge sa bukana ng isang maliit na warehouse dala-dala ang isang toolbox. Nilapag niya iyon sa gilid ng kanyang motorbike. Napansin ko rin na may kinuha siyang dalawang tuwalya at ibinigay niya yun sa dalawang babae.

Bago pa siya pumunta sa mga lalake sa unahan ay pinasadahan niyang tinignan ang balkonahe. Nahanap niya ang mga mata ko at walang hiyang tinignan ako.

Luminga ako at itinuon nalang ang pansin sa mga bulaklak na nasa hardin. Hindi nagtagal ang mga titig niya sakin dahil nahiya akong bumalik sa kwarto.

What's with his stare? How can he stare at me like that? Hindi ba siya nahihiya na naiilang ako?

Umiling lamang ako at nagmadali akong pumunta ng bathroom at naligo.

Pagkatapos kong maligo ay hindi ko na nagawang mag problema sa mga maleta kong ibinilin kay lolo kagabi dahil nung pumasok ako ng walk-in closet ay naabutan ko ang isa sa mga kasambahay na inaasikaso ang mga bagahe ko.

Tumingin siya sakin at agad lumayo ng kaunti sa mga maleta.

"Ah maam, inayos ko lang po ang mga gamit niyo" aniya.

Umiling ako "No it's okay" ngiti kong sabi.

"Si Lolo Antonio ba ang nagpunta sa mansyon para ibigay sakin neto?" Tanong ko sakanya.

"Hindi ako sigurado maam eh kung pumunta ba siya dito. Yung lalake kasi sa talyer malapit sa Alopez ang nag bigay neto" paliwanag niya. It must be Romualdo.

Tumango lang ako.

"Ah maam" sabi niya sabay kuha ng kung ano sa bulsa niya.

"Pinapabigay din to nung lalake, sabi niya pinapabigay daw yan ng lolo mo" sabay lahad niya ng isang phone.

Tinignan ko to. Sa unang tingin palang alam kong akin to. Kinuha ba to ni lolo Antonio sa kwarto ko? Bakit?

Inilagay ko ang phone ko malapit sa higaan. Ayokong buksan yun kasi panigurado, pina-ulanan na ako ng text ng ate ko.

Gugma Sama Sa Rosas (A Love Like Roses)Where stories live. Discover now