CHAPTER 12- ASHELL

Magsimula sa umpisa
                                    

I, on the other hand, took a deep breath. This man rarely speaks, but why does his few words have such a strong impact on me? It's as if every word he utters tickles my heart.

Weird but true.

"Okay, Ash, I get what you're saying. But remember, the camp and the clan need me too. I'm up for missions, whether they're big or risky. Just know that every time I leave for a mission, I'll be back. I'm coming back for you and my family. Keep that in mind."

Gumuhit sa mukha niya ang ibat-ibang emosyon. Nakita ko ulit ang kinang sa mga magaganda niyang mata. Ngumiti ako sa kanya.

"Opss! Ang serious naman yata ng atmosphere niyo rito? Anong pinag-uusapan niyo ,ah?" biglang singit ni Gab.

"Baka kasal... este kasalo, coke mismo. Parang gusto kong uminom ng coke," segunda naman ni Crystal.

"Hmmm, mas bet ko pa rin 'yong Enervon inumin. Let's spread happiness!"

Kinuha ko naman ang tea na nasa harapan ko at inimon, sakit nila sa panga.

"Ay? Bakit iyon pa, baklang Silang? Try mo Biogesic for kids bagay sa 'yo."

Bigla na lang akong nasamid. Natapon ko pa ang iniinom ko. Agad naman na tumayo si Ash at inalalayan akong tumayo.

Nanginginit ang mukha ko na tiningnan ko nang masama si Crystal.

"Hala? Bakit, Marci? Wala naman akong sinabing masama, ah? Inaasar ko lang si Gab sa Bioge..."

"Cut it off! God! Mga haduf!" asik ko na talaga. Naagaw na namin ang atensiyon ng lahat.

"Weird mo naman, Del Pilar, ah? Bioges..."

"Gabriella Silang!"

Naitikom naman ng haduf kong kapatid ang bibig niya at mukhang pareho sila ni Crystal na nasindak sa akin. Hindi rin nila maintindihan kung bakit gano'n ang naging reaction ko.

"Halika na nga. Sabi kasing makipag-asaran ka na lang sa akin, tigas ng bungo!" saad ni Jinro sabay higit sa kanya papalabas ng DH.

"Ell, calm down okay? Ano ba kasing masama sa Bioge..."

"Nyawa ka!" Sinikmuraan ko na talaga siya dahil sa sobrang inis.

Siya naman talaga ang dahilan kung bakit may isyu ako sa punyaterang Biogesic na iyan. My God!

Kung pinagaling lang kasi ako ng gamot na iyon eh di sana... Sana... Sana walang nangyari sa amin!

Besides, sounds like biogesex kasi Marciella kaya na ang pink ng utak mo.

Zsss! Kailangan ipagdiinan, ah? Kailangan?

"Napaka-brutal mo talaga. S-sakit niyon, ah?" reklamo niya. Namalayan ko na lang na kami na lang pala ang nandito bukod sa naka-duty ditong agents.

Ang mga kasamahan naming PA ay nagsilabasan na. Natakot siguro na madamay sila sa badtrip ko.

"Bahala ka diyan! 'Wag na 'wag mong babanggitin ang salitang 'yon..."

"Alin? Biogesic?"

Mabilis ang pagkakasabi niya niyon, naningkit ang mata ko at akmang susuntukin na talaga siya pero nahuli niya agad ang dalawang kamay ko.

"Labas na tayo rito. Doon sa flat mo na ako awayin at baka maisyuhan tayo rito, eh," paalala niya pa at hawak ang kamay ko na hinigit niya ako papalabas ng DH.

Nahuli pa naming lihim na nakamasid sa amin ang mga haduf na PA na nasa benches lang na dinadaanan din namin.

"Mga chismosang kapit-bahay!" sigaw ni Ash. Nagsihagalpakan naman ang nakarinig.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon