Chapter 4

24.7K 910 233
                                    

AUTHOR'S NOTE: I want to know your thoughts...comment section is always open :) Enjoy and please don't forget to vote! 😍

Chelsie Madrigal

Unti-unti kong iminulat ang mata ko. I feel myself lying on a soft mattress. Shet, naalala ko na naman yung panaginip ko...parang bangungot.
Sandali pa akong nag-unat at saka ko inilibot ang paningin ko sa aking kwarto.

Hindi ko na inisip kung mapapaos ako sa sobrang lakas ng sigaw ko. May malaking salamin sa harapan ko na pinapalibutan ng ilaw. May mga nagkalat na damit at ibang costumes sa paligid. Shet! The mattress where I am lying—Sofa lang pala. Shuta! Saint Bernard, St.Matthew, St.Papa? Hays! Basta mga Santo, i-save niyo po ako... please. Sana panaginip lang po ang lahat.

Paikot-ikot akong nagpanic. Hinanap ko pa ang nawawala kong sapatos at wagi naman akong makita ito sa ilalim ng babasaging center table. Mabilis ko 'yong isinuot. Bakit ba ako nagpapanic?

Huminto muna ako sandali at pinagmasdan ang paligid. Kalma, girl. Kalma. Inalala ko ang mga bagay na huli kong ginawa. Tama. Iniwan ako ng manager ni Super dito sa backstage habang on-going 'yung conference. Teka, tapos na 'yung conference! Iniwan ba nila ko dito?

Agad akong napapiglas sa kinauupuan ko. Sinilip ang mayroon sa labas ng stage at tanging janitor na lamang na nililinis ang iniwang kalat ng mga tao ang nandoon.

So...nakatulog lang pala ako, tapos panaginip lang iyon? Mabuti naman.
Akala ko sira na ang buhay ko, hindi talaga ko pinapabayaan ni Lord! Thank you po!

"Yes, yes, yes! Yes, yes, yes..." parang tangang kanta ko na kung ano-ano lang naman ang tono. Ang mahalaga, masaya ako. Sinigurado ko pang hindi napatingin si kuyang janitor bago ako muling sumayaw sa saliw ng random chant ko. Feel na feel ko pa ang aking sarili bago ako napahinto nang dahil walang anu-ano'y bumukas ang pintuan.

Iniluwa nito si Super na sinundan ng Manager niya at isang lalaki na hindi ako gaanong pamilyar sa mukha. Siguro non-showbiz? Nagkatitigan pa kami ng singkit na mga mata ni Super. Ilang segundo rin iyon bago tuluyang sumuko ako at iniiwas ko na lamang ang aking tingin. Papaanong hindi iiwas? Biglaan siyang kumindat na sinabayan pa ng ngisi. Baliw na paminta!

"Sakto pala ang balik namin dahil gising ka na, Ms. Madrigal," bigkas nung Manager.

Ngumiti lamang ako nang bahagya sa kanila. Naupo si Super sa couch, sinandal niya pa ang ulo niya at pumikit. Parang stress na stress siya.

Umupo naman sa upuan sa harap ng salamin ang kasama nilang lalaki. Ang sama ng tingin niya sa akin. Para siyang Super the second. Katulad na katulad siya ni Super maliban sa moreno nitong mga balat. Matangkad, gwapo. Ewan ko lang kung bakla rin. Charot!

Parang kakainin niya nga ako sa tingin niya e. Manang-mana sa kaibigan. Pero kahit maganda 'ko at gwapo siya, hindi ako magpapakain basta-basta no'!

Wala na akong sinayang na oras at sinimulan ko nang magsalita para pag-usapan 'yung negotiation keme nila. Kinuha ko ang phone ko at ni-play ang kabuuang video. Iniharap ko ito sa kanila.

"Hindi sila naniwala sa picture, but still mayroon ako nito," matapang na bigkas ko.

Nagpakawala ng isang malakas na tawa ang matandang manager ni Super! Halos masamid pa siya dahil ayaw niyang tumigil.

"Huwag niyo kaming kasuhan para hindi makalabas ito," pagbabanta ko.

Muling tumayo si Super na mukhang lalapit sa'kin. Nakangisi siya na parang demonyo. Tumingin pa ako sa dalawang kasama niya.

"H-h-hoy! Mga sir, ano ginagawa ng alaga niyo?" kinakabahang bigkas ko habang unti-unting umaatras mula sa papaabanteng binata.

Na-corner ako ni Super sa pagitan ng mga braso niya. Nakasandal ako sa pader habang iniiwas ang mukha ko sa mukha niyang papalapit sa akin. Hindi ko na makita kung anong reaksyon ng dalawa sa gilid. Ang tanging concern ko ngayon ay ang pagiging weird ng isang 'to at maaaring pagkawala ng pagkababae ko! Huhu.

Chasing Stars (Completed)Where stories live. Discover now