Chapter 3

30.5K 1.1K 143
                                    

Short note: Hi, thank you po sa mga nagtiyagang magbasa. I know the type of my plot is actually mainstream, pero please give me a chance...susubukan kong basagin ang mga expectations niyo. Anyway, dahil sa inyo mas lalo akong sinisipag. Iniisip ko tuloy na mag double update today. Hehe. I will be happier if you vote for this chapter. For any feedback...comment section is always open. 😍 Lovelots!

Chelsie Madrigal

"Grabe, hindi ko matanggap na bakla pala si Super!"

"Super Mylabs, tumatanggap ako ng bakla."

"Welcome to the club, Sissy Super."

"I can't imagine him with that guy."

"5 years niya na tayong niloloko? Dapat una palang sinabi na niyang gay siya."

Kahit saan ako magpunta ay kung anu-anong mga opinyon ang naririnig ko tungkol sa isyu na idinulot ko kay Super. Lagi namang ganito. Karamihan kasi sa mga tao ay hobby nang mag-ubos ng oras sa mga tsismis na hindi naman sila direktang naaapektuhan. Good thing, kasi hindi ako sasahod kung wala silang interes.

Huwag niyong isipin na demonyita ako, kasi napapaisip pa rin naman ako kung tama bang ikasaya ko ang kasiraan ng iba. Kaya lang, hindi niyo ako mapipigilang sumaya kung malaki-laki ang incentives ko sa mga pagkakataong nakatsamba ako ng jackpot story. And to be fair naman ha, sa katunayan, labas ako sa patutunguhan niya. Hindi ko kasalanan na itinago ni Super sa tao 'yung pagkatao niya.

Hindi ko kasalanan at wala akong dapat pagsisihan. I am just a bringer of chissums(chismis) in this world. Panes. Hindi niyo na kailangang pilitin ako na maniwalang mali ang ginawa ko kasi bali-baliktarin man natin ang mundo, wala naman na ring magagawa ang ganda ko. As if naman na mababago ko pa ang lahat?

So what I just need to do, ay enjoy-in na lang ang mga rewards. Gustong-gusto ko ang nangyayari. Nasisikmura ko. Sanay na akong sumira ng karera ng mga celebrity e. Then again, ngayon lang ako nakasakto ng medyo ganito kalalang sitwasyon. Napapakanta pa ko sa isip ko ng Bakit ngayon ka lang ni Ogie Alcasid with matching whistle at high notes na mala-Morisette Amon ang atake.

Birit na birit. Indeed. Well, hindi ko naman sinasadya iyon, kasi hindi naman talaga si Super ang target ko. Malay ko ba kung itinadhanang pagpalain ako ng mga oozing souls of blessed paparazzis. Char.

Marahan akong kumuha ng number sa gilid ng counter. Number ten ako at apat na numero pa ang kailangan kong hintayin. Medyo marami-rami ang tao rito sa Money remittance center, malas lang kasi naghahabol din ako ng oras.

Papunta na dapat ako sa trabaho pero nakisuyo si ate Cheska na kunin ko muna 'yong padala ng tatay ng anak niya. Usual routine naman na namin ito. Dati pa ay madalas sa 'kin ipinapangalan ni ate ang sustento ng ama ng mga pamangkin ko. Ayaw niya kasing ipaalam kina Miwan na may koneksyon pa siya sa tatay ng anak niya. Tinatago niya rin pati ang pangalan nito—Reynal Sandoval. Iyon daw ang name ng naka-live-in niya. Malaking sikreto namin ni ate iyon. Pero ang pinagtatakha ko ay hindi si Reynal Sandoval ang laging nagpapadala. Sabi niya kasi, iba raw ang inuutusang magpadala no'ng kupal na iyon.

Kung hindi rin siraulo, wala na ngang itinulong sa pagpapalaki ng mga anak niya, hindi pa ine-effortan ang pagsusustento! Napakawalang-kwenta! Erase negativity na nga! Ayoko nang isipin siya!

Agad akong naupo sa waiting area para hintaying tawagin ang number ko. Ngunit sa kalagitnaan ng paghihintay, habang binabasa ang ilan sa mga twitter posts sa trending na #SuperIsGay ay may tumawag sa 'king unknown number. At first I was hesitant to answer the call, kasi siyempre baka mamaya scam pala. Yet, I still decided to pick it up.

Chasing Stars (Completed)Where stories live. Discover now