Chapter 8

149K 5K 476
                                    


Chapter 8

"Gusto mong dumiretso 'tong kamao ko sa mukha mo? Sabihin mo lang." seryoso kong ani.

Ngumiti siya at hinawakan ang kamao ko.

"Ikaw talaga 'di na mabiro." sabay baba n'ya ng kamay ko.

Nang makarating na kami sa school ay bumaba rin siya. May meeting ngayon ang school at lahat ng estudyante ng SU ay dapat na umattend ngayon sa All Girls Saint University. Maging ang mga boys ay nandito rin kaya galak na galak lahat ng mga students sa araw na ito.

"Dude! Mabuti naman at pumunta ka!" Nagsilapitan lahat ang mga lalaki patungo sa amin. Si Hero naman ay lumapit rin sa kanila.

Naagaw pa ng tingin ko ang mga babaeng nagtatago sa may hindi kalayuan ng school namin. May hawak silang tarpaulin at nakaangat iyon kaya kitang kita ko ang mukha ni Hero mula roon. May ibang babae pa akong nakita at maging mga bakla na may hawak rin na tarpaulin na may iba't ibang mukha ng lalaki. Marami sila kaya napakunot naman ang noo ko. Pati mukha ng mga kasama ni Hero ay nakita ko rin doon. Baliw ba ang mga 'to?

Malawak na nakabukas ang gate ng school namin at ang mga guards naman ay nagbabantay sa iba't ibang sulok. Siguro dahil sa kanila.

"Hi, Jamaica!" bati ng kaibigan ni Hero. Napakunot naman ang noo ko ng malaman niya ang pangalan ko. "Ah... Kilala ka sa ABSU eh. Pinauusapan ka nang mga ibang lalaki doon." Eksplina niya na para bang alam kung anong iniisip ko.

Tumango lang ako. Wala akong pake.

"Sige. Mauuna na ako." paalam ko parin at naglakad na papasok sa loob.

Muntik na akong atakihin sa puso nang bigla biglang nanggulat si Mrych at Jhezz sa akin!

"Ano ba! Tigilan niyo nga 'yang panggugulat niya," pangangaral ko sa dalawa. "Nasaan si Nica at Nine?" takang tanong ko.

"Si Nica? Naglalandi," nakangiting sabi ni Mrych. "Si Nine? Nasa likod mo lang."

Napahawak ako sa puso ng makitang nasa likod ko nga talaga si Nine! Sa sobrang liit niya ay hindi ko na nakita.

Nilingon ko naman si Mrych.

"Naglalandi? At sino namang malas na lalaki ang nalandi niya?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hindi ko kilala eh," sagot n'ya.

"Nine, look! Dadaan dito 'yung crush mong si Henry!" Kinikilig na kantyaw ni Jhezz kay Nine.

Hinanap ko rin ang sinasabi nilang crush ni Nine.

"Langya ka, Mrych! Sabi mo secret lang! Bwesit ka!" inis na sigaw niya kaya natawa kami.

"Mrych! Si Ivan oh!" sabay turo ko kay Ivan na kasama si Kurt.

Barkada kase sila ni Hero kaya kilala ko na. Hindi nga lang niya kasama iyong mga kaibigan niya kanina. Mukhang hinahanap ata nila.

Tumakbo naman si Nine at nilapitan si Ivan. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at napatakip ng bibig.

Ayan na naman sila. Mamaya ay magaaway talaga ang dalawang 'to.

Ang Pogi kong GwardyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon