Chapter 7

141K 5K 863
                                    


Chapter 7

Nakataklob parin ang kumot ko sa buong katawan ko. Inaantok pa ako pero panay ang tunog ng buzzer ko mula sa pinto.

Inalis ko ang pagtalukbong ng kumot at iritadong tumayo. Inis na inis kong binuksan ang pinto.

"Sumosobra ka na! Alam mo ba kung anong oras pa lang? Exactly six in the freaking morning! May orasan ka ba sa kwarto mo?" Walang araw na hindi ata ako sisigaw. Alam ko na 'yon.

"Nakatulog ka nang nakapantalon lang?" Natauhan ako sa sinabi niya. "Ibig sabihin ay hindi ka na naligo pa?" Tinakpan niya ang ilong niya.

Aba't ang kupal! Ang lakas talaga mang-asar nito ah! Tinampal ko ang kamay niyang nakatakip sa ilong niya.

"Excuse me, hindi ako mabahong tao. Sadyang malapit lang yang ilong mo sa bunganga mo. Try mong amoyin." I rolled my eyes before closing the door.

Bumalik ako sa aking kama at nahiga ulit. Subalit nang pilitin kong matulog ay hindi na ako makatulog pa! Inis akong tumayo at pumuntang banyo para maligo nalang. Wala na akong magagawa dahil nabuhay na ang diwa ko nang dahil sa lalaking 'yun!

Pagkalabas ko ng banyo ay saktong may itinapon na tela sa mukha ko ang walang modo.

"Tang—ano 'to? At bakit ka nandito sa kwarto ko?" Kunot-noong tanong ko.

"Suotin mo. Oras na hindi mo iyan isinuot. Lalabas kang naka panty lang." banta n'ya.

"Panty lang? Walang bra?"

Pinagsarhan na niya ako ng pinto at 'di na pinansin ang tanong ko. Pumasok ako sa banyo at lumabas na suot suot ang dress na ibinigay niya. Alam niyo 'yung parang 'di ka komportable sa sinusuot mo? Feeling ko anytime lilipad 'tong palda ng dress ko at makikita ang shorts ko.

Lumabas na ako ng kwarto pero hindi parin ako mapakali sa suot ko. Tumayo ako sa may salamin para makita ang sarili.

"Ah, damn. Why is this dress so damn uncomfy..." kausap ko sa sarili ko.

Bumalik ako sa kwarto saka hinubad ang short ko at sinuot yung pedal ko.

Hmm, I think this is better. It's not that I don't know how to dress. I just don't feel comfy wearing this dress.

Nang makalabas sa gate ay nakita ko na agad siyang nakatayo sa front seat na pinto. Gusto ko pa sanang magreklamo na bakit sa harap ako uupo ngunit tinatamad na akong makipag away kaya nang buksan niya ang pinto ay pumasok na agad ako.

Bago pa man siya makapasok sa loob ng sasakyan ay isinuot ko ang headphone ko at ipinatong iyong paa ko sa dashboard.

Hinawakan naman niya ang dalawang binti ko na ikinagulat ko.

"What the!"

"Ibaba mo. Mapuputol 'yan 'pag nadisgrasya tayo."

"What? Ididisgrasya mo ba ako?"

Napataas ang kilay niya sa tanong ko. Isinuot na niya ang seatbelt niya bago ako nilingon muli. Bumaba ang tingin niya sa suot ko.

"Alam mo bang ang baduy mo?" Komento niya rito.

Huminga ako ng malalim at isinuot ang aking seatbelt. Goodness. I need to fucking calm myself. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at namili na ng kantang pakikinggan.

Habang nasa byahe ay napapakanta na ako.

"♪All I wanna be, yeah all I ever wanna be, yeah, yeah Is somebody to you All I wanna be, yeah all I ever wanna be, yeah, yeah Is somebody to you♪"

Napansin kong nakatingin siya sa akin habang kumakanta ako kaya napatigil ako at inalis ang isang headphone sa tenga.

"What are you looking at?" taas kilay kong tanong.

"Nothing. Ang pangit mo lang tapos ang ganda ng boses mo," anito.

"Ah, talaga ba?"

Papuri ba 'yun o nangiinis talaga siya? Wala na bang magandang masabi ang isang 'to?

"Bakit ba ang baduy mong pumorma? Mas gusto ko pang mag uniform ka," He teased.

"Ganun ba? Kausapin kita ulit 'pag may pake ako ha?" Sarkastiko kong saad.

"Ayan. Katulad niyan." turo niya sa babaeng ang laki ng boobs. Iyong tipong konting konti nalang labas na iyong nipple niya.

"Tutularan ko 'yan para sa iyo?" Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay. "At bakit? Sino ka ba?"

Nagkibit balikat siya. "Your choice. May kilala akong magaling sa plastic surgery."

"So?"

"Ipapatulong kita. Hmm... mukhang mahihirapan siya sa 'yo." aniya nang panandaliang tinignan ang dibdib ko saka ibinalik ang tingin sa kalsada.

I couldn't believe what I heard, man. Is this man really serious? Should I just fucking kill him?

"Konti nalang masasapak na talaga kita." Mahinang nasabi ko at kinagat ang gilid ng aking labi, nagpipigil ng inis.

Kagabi ko pa 'to pinipigilan ang inis ko. Mukhang tinetesting ako ng gago na 'to, ah. Paiba iba ang sinasabi parang may topak yata.

"Gaano ka konti?" pangaasar niya pa. Nilingon niya ako ng sandali lang at ngumiti siya habang nagb-byahe. "Nagbibiro lang." bawi niya habang nakangiti parin.

Hindi ko na mapigilan at kinurot ko na ang braso niya. Nahirapan pa ako.

"Bakit mo ba ako iniinis ha?!" galit kong sigaw at inalis ang headphone sa leeg ko.

"Hmm... Let me think about it," He licked his lower lip at kinagat ito habang nakangiti. He's trying to not smile and it's pissing me off. "Kasi nga... hmm..." Inihinto niya ang kotse dahil sa traffic lights.

Nilingon niya ako at ipinatong ang kamay sa likod ng inuupuan ko habang palapit siya ng palapit sa akin. Mas lalo siyang ngumiti.

"Crush kita."

Ang Pogi kong GwardyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon