Bilang nag iisang anak obligado akong palitan sila sa pagiging Mafia reaper kapag dumating ang panahon na mahina na sila at hindi na nila kaya ang mga responsibilidad nila kaya nila ako sinanay at sinigurong kasing galing ko sila sa kahit na anong bagay.

Kahit misan wala sila I understand what they're doing. Sino ba naman ang magulang na gustong mapahamak ang kanilang anak? Alam ko rin na inilalayo nila ako sa mga taong alam nilang may galit sakanila dahil maaari akong gamitin ng mga ito bilang kahinaan kaya Kung minsan naiisip ko kung gaano kahirap ang mga ginagawa nila at kung minsan ay naiiyak naman lang ako sa tuwing nakikita silang may mga sugat at tama ito ng baril.

Until I reach the age of 18 at masayang masaya ako dahil mamayang gabi ay magkakaro'n ako ng Birthday party and I'm so excited. Imbitado lahat ng kaklase, guro at kaibigan ko sa salo salo. I receive a lot of greetings and I'm so happy and knowing that my parents will attend lalo na't isa si papa sa  aking 18 roses.

The party started pero wala pa sila mama at papa. Kinakabahan ako sa mga nangyayari dahil kahit minsan hindi sila na le-late lalo na't alam nila na napaka importanteng okasyon ito sa buhay ko.

9 PM, 10 PM hanggang sa malapit ng matapos ang party pero wala pa sila kaya nag pasya akong hintayin na lang ang sila sa harap ng bahay but later on isang itim na Limousine ang pumarada sa harap ng bahay namin at bumaba ang isang matandang may hawak na gintong tungkod at may mga bodyguard na naka alalay rito

Maya maya pa ay bitbit ng mga tauhan nito ang dalawang body bag galing sa sasakyan ng mga ito at inilapag sa mismong harapan ko

"Maligayang kaarawan Binibini pero sa palagay ko hindi na magiging maligaya ang iyong kaarawan kapag nakita mo ang laman ng mga bagaheng nasa iyong harapan" ani nito at tumingin sa body bag na nasa harapan niya

"Ano ang mga ito?" Tanong ko rito pero hindi ito sumagot bagkos ay sinenyasan nito ang mga tauhan nito na bukasan ang bag at ng nabuksan ito  tumumbad saakin ang malamig na katawan nila mama't papa

Pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng lakas ko. Hindi ko na rin maigalaw ang katawan ko, para akong tuog na imbalido na walang kakayahang gumalaw. Nararamdaman ko ang pagtulo ng masaganang luha sa aking mata pero walang boses na lumalabas sa aking bibig.

Ganun ako ng ilang minuto hanggang sa nag sink in na saakin ang nangyari. Matalim kong tiningnan ang matandang ngayon ay nasa harap ko. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nito dahil hindi ito nagbabago, para bang wala itong ibang ekspreson maliban sa blangkong mukha.

Dahan dahan kong tiningnan at hinawakan ang bangkay nila mama at papa. Malamig na ito at kitang kita rin sa mukha ng mga ito na pinahirapan muna bago pinatay dahil sa mga pasa nito sa mukha.

"Anong ginawa mo kila mama!?" Galit na tanong ko sa matanda at hinawakan ito sa kwelyo ng mahigpit sa kabila ng gown at sapatos na may takong kong suot pero sa ginawa kong iyon naalarma ang mga tauhan nito at lahat sila tinutukan ako ng baril inaamin kong natakot ako pero mas nangibabaw ang galit ko

Narinig ko rin ang pag singhap ng mga taong ngayon ko lang napansin na nasa likuran ko pala at ang nag aalalang pag tawag saakin ng aking tiyahin ngunit ng itinaas ng matanda ang kaniyang kaliwang kamay isa isang ibinaba ng mga tauhan nito ang mga baril na naka tutok saakin.

Pwersahang kinalas nito ang pagkakahawak ko sa kaniyang kwelyo at hinawakan nito ang magkabilang kamay ko. Sa ginawa nito nagulat ako dahil kabila ng pagigin bayolente ko sakaniya nakuha pa rin niyang maging mahinahon at hawakan ang mga kamay ko.

Wu University: Caleb WuWhere stories live. Discover now