Chapter 9

80 2 0
                                        


MAGANDA ang gising ni Charity ngayong araw dala marahil ng naging kaganapan sa pagitan nila Archer kagabi. Kasalukuyan siyang nagluluto ng umagahan dahil naunahan pa niyang magising ang mga caretaker. They probably won't mind kung nakialam siya sa kusina. Besides, hindi pa natitikman ni Archer ang specialty niya kaya ngayong may pagkakataon na siya ay hindi na niya palalampasin iyon.

Last night, she admittted that he loves Archer at wala siyang maramdamang pagtutol sa sistema niya. Nasisiguro rin naman niyang may nararamdaman din ito sa kanya dahil hinalikan siya nito kagabi. Ang sabi nito ay mag-uusap sila ngayong araw, so, why don't they talk about it over breakfast para tuluyan ng makumpleto ang araw niya.

Pagkahain niya sa kanyang mga niluto ay biglang magring ang doorbell ng rest house pero hindi pa man din niya nabubuksan ang pinto ay kusa na iyong bumukas. Bigla siyang naalarma na baka may nakapasok na masasamang loob. Pero imposible dahil bantay sarado ang lupaing iyon ni Archer. Hawak-hawak ang sandok ay dahan-dahan siyang nagtungo sa pinto at nagkagulatan pa sila ng mga taong nabungaran niyang papasok sa bahay.

Isang Ginang at Ginoo na sa tingin niya ay nasa late sixties ang kanyang nabungaran. Sa likod naman ng mga ito ay nakangiting isang magandang babae at lalaking nahahawig kay Archer. Wait, nahahawig? Tiningnan niyang muli ang matandang lalaki at nakita niya ang resemblance nito kay Archer. Napakagat-labi siya, this must be Archer's parents and siblings!

"Who are you?" malumanay na tanong ng ginang

Hindi siya nakasagot agad dahil bigla siyang kinabahan. "Ahmm..I'm—."

"Oh my god! You're Charity!" bulalas ng babae at ito na ang humarap sa kanya. "What is the famous influencer doing here in our house, wearing an apron and holding a spatula? My eyes must be playing with me."

"I..ah..I can—" naputol nanaman ang sasabihin niya nang maramdaman niyang may humaklit sa kanyang beywang at niyakap siya ng pagkahigpit-higpit.

It was Archer! Naalarma nanaman siya dahil mas hinigpitan pa nito ang yakap sa kanya. She should be enjoying this pero kasi nasa harapan nila ang pamilya nito and this guy probably didn't notice their presence. Pasimple niyang iniharap ito sa kanya at napansin niyang namumungay pa ang mata nito. Marahil ay kagigising lamang nito. Oh wow, isn't he the greatest creature that God has ever made to lighten up her morning.

"Good morning, pretty lady." He suddenly kiss her lips. Smack lang iyon pero matindi pa rin ang epkto niyon sa kanya.

Oh my...

Pero sa kabila ng samu't-saring emosyong pinaparanas ng binata sa kanya ay sadyang matindi rin ang presensiya ng mga kamag-anak nito na nakamasid lang sa kanila. Nilingon niya ang pamilya nito and they are giving them strange look. Batid niyang napalingon rin si Archer sa mga ito pero sadyang hindi pa yata tuluyang nagising ito dahil ibinalik lang nito ang tingin sa kanya at idinukdok pa ang ulo sa kanyang leeg.

"Y-Your parents..." kinakabahang sambit niya

Pero ilang segundo lang din siguro ang lumipas at kunot-noong napatingin sa kanya saka lumingon ulit ang binata sa pamilya nito. "Wait—what? Ma? What are you all doing here?"

Akala niya ay kakalas na si Archer sa pagkakayakap sa kanya pero mas hinigpitan pa nito iyon. As if he's telling her that everything is fine.

"Kuya ha, I didn't know you have sweet bones on your body." Kantiyaw ng kapatid nitong babae. "And to think that you just kissed Miss Charity in front of your loving parents, handsome brother and of course to your beautiful sister, I can't help but go over gaga here. I'm a fan you know, I'm Alexa please keep that in mind."

Finding Something TrueWhere stories live. Discover now