She must be really excited to go out and take some videos and photos to the place they are going to visit. This woman likes adventure and he wonder what she feels back then when she gave up her freedom for him. He knew he's such a jerk. Paano niya nagawang isipin na sampahan ito ng kaso? Paano niya nagawang tiisin ang babaeng tulad nito? But he must admit, he's a bit thankful of that little incident that lead them to their situation right now. Kung hindi kasi nito isinuko ang sariling kalayaan ay hindi siya magkakaroon ng pagkakataong makasama at makilala pa ito ng husto.
Suddenly, the words of his mother occurred to him, about love being unpredictable. Also, about looking for someone who'll make him feel whole and alive but just didn't notice that he had found her already. Could that someone be...Charity?
*********************************************
"ARCHER!" malakas na tawag ni Charity sa binata mula sa mataas na baitang ng hagdan sa Mines View Park. Nakangiting kinakawayan niya ito habang naglalakad ito palapit sa kanya. Sumobra yata ang adrenaline niya dahil hindi na niya ito naantay sa pag-akyat sa hagdanan. But looking at him from where she was, the guy really looks so handsome. Para talaga itong parte ng magandang tanawin. Hindi niya tuloy napigilang itutok rito ang dala-dalang camera na kanina pa nakarecord. Nagsalita na rin siya roon sapat para siya lang ang makarinig. "Look at that guy. Who would've thought he would have a very soft side. At sino ring mag-aakala na magkakaroon kami ng moment na ganito. Kasi sa pagkakaalam ko magkaaway kami. At sa pagkakaintindi ko rin ay ayokong ma-involve sa kahit na sinong lalaki. But look at me now, mukha na akong tanga kakapuri sa lalaking kailan lang ay isinusumpa ko. Normal pa ba to?"
"May sinasabi ka ba?" sa wakas ay nakalapit na ito. "Hindi ko marinig ang mga sinasabi mo dahil napakalayo mo. Anyway, have you taken photos of the view? The Mines View Park is the best spot to see the wide view of the Baguio's gold and copper mines."
"I did," ngumiti siya dahil talaga namang nakuhanan na niya ang napakagandang view na nakita niya ngayong araw. Pahapyaw na sinulyapan niya ang camera na nakatutok pa rin kay Archer. For her, it was the best view she had seen in her entire life. "I will never get tired watching it."
"You're taking a video?" nakisilip na rin ito sa kinukuhanan niya.
Napapigil siya ng ngiti dahil wala itong kaalam-alam na ito ang kinukuhanan niya. Saka mabilis na itinutok na sa magandang tanawin ang kanyang kuha. "Yes. Because I might use this when I start vlogging again."
"So, you're doing a vlog now?" sambit nito. "I didn't know much about that thing. But it seems like you're enjoying doing it. When did you start vlogging?"
"I started vlogging about eight years ago" Inilipat na niya ang focus ng camera sa kanya. Nilakasan na rin niya ang loob na isama ang binata sa lente. "I think I was second year college when I ventured to vlogging. I just do it for fun really. Hindi ko naman in-expect na maraming susuporta sa mga kalokohan ko. I actually thought of stopping when I started working in a fashion publication. But being in the office bores me a lot. And so I dropped all the paper works and I just travel every week. That's how I became who I am right now."
"It seems like I've ruined all your hard work then." Seryosong sambit nito. "I'm sorry."
That high almighty guy she met way back in palawan is really gone. She can feel his sincerity from the way he apologized. Marahil ay nakokonsensiya na ito sa sinapit ng channel niya na ngayon ay hindi na nag-eexist. Noong umpisa sobra talaga siyang nalulungkot sa pagkawala niyon pero ngayon ay tila hindi na siya makaramdam ng lungkot habang pinagmamasdan sa kanyang camera ang sinserong mukha ni Archer. She had forgiven him. Oo, ganoon lang kadali na napatawad niya ito.
YOU ARE READING
Finding Something True
RomanceCharity has everything, loving parents, beautiful and caring sisters, stable job as a freelance fashion editor, fashion icon and a famous youtube vlogger. Her life never gets bored. She always spend most time away from home due to travelling a lot f...
Chapter 8
Start from the beginning
