Nag-antay akong magsalita si Papa sa kabilang linya. Humikbi ako. I really miss them so much.

“Hello, anak?”

“Hmmm, Pa?”

“May sakit ka raw?” nag-aalalang tanong niya.

“Opo, sipon lang naman saka lagnat.”

Kinwento ko sa kanya ang nangyari dahil tinanong niya kung paano ko nakuha ang sakit ko. Pinagalitan pa ako dahil bakit daw ako nagpaulan gayong pagod ako.

Pagsapit ng lunes, mataas pa rin ang lagnat ko. Habang naghahanda sa pag-alis ay nanlalata ako. Nakadukmo lang ako sa lamesa at latang lata.

“Sigurado ka bang kaya mong lumakad mamaya? Ang taas taas pa ng heels mo.”

“Oo, Trace. Konting pahinga lang kailangan ko,” mahinang sabi ko.

Kailangan kong i-ayos ang katawan ko. Doon na mismo sa event didiretso sila Mama mamaya. Kailangan na namin umalis mamayang ala una. Alas dyes na ng tanghali ngayon at nag-aantay akong maluto ang kakainin kong noodles para makainom ng gamot.

“Sabihan mo kami kapag hindi mo kaya, Ara,” paalala ni Alyssa.

Tumango ako at kinain na ang noodles na niluto nila para sa akin. Wala akong panlasa dahil sa sipon kaya mahirap para sa akin na kumain ng mga ulam.

Nagpunas lang ako ng katawan para naman mapreskuhan ako kahit papaano. Sinuot ko ang pulang dress at ang flat sandals ko. Nagbaon din ako ng jacket dahil kahit dito pa lang sa bahay ay nilalamig na ako.

Parang pumalakpak ang tainga ko nang marinig ang busina ng van na aming sasakyan. Hindi ko malimutan ang nangyari noong Biyernes ng gabi at hanggang ngayon ay binabagabag ako noon.

“Halika na, ayan na ang van.”

Mabuti na lang ay dala nina Ms. Francine ang lahat ng gagamitin ko kaya wala na kaming kailangang dalhin papunta.

“Oh? May sakit ka pa rin, Ara?” nagtatakang tanong ni Ma’am Steph sa akin.

Suminghap ako at ngumiti. “Opo ma’am. Kaya ko naman po, don’t worry.”

Pagkapasok sa loob ay nilibot ko ang paningin ko. Nadismaya ako nang wala akong nakitang Joaquin. Si Ms. Daliah ang nasa front seat at katabi naman ni Ms. Francine si Ma’am Steph at Ms. Yassi.

Bakit wala siya ngayon? Is he busy? Bakit kung kailan pageant ko na doon pa siya busy. Bumuntong hininga ako. Ano naman kung wala siya, Arabella?

Saglit lang ang naging byahe namin. Hindi ko na rin magawang matulog sa byahe ngunit nakapagpahinga naman ako kahit papaano.

“Ano, Ara? Sasali ka pa?” tanong ni Tracey.

“Oo naman. Nasa dulo na tayo bakit pa ko aatras,” purisgidong sagot ko.

Hindi pa rin bumubuti ang pakiramdam ko kahit na uminom na ako ng gamot. Mamaya pa ito panigurado.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Maganda ang pagkakaayos. Ang pader na humihiwalay sa mismong stage at backstage ay may disenyong mga bulaklak. Ang mismong stage rin ay may spotlight. Iba ibang kulay at laki. Kalat din ang iilang mga bulaklak sa paligid bilang palamuti.

Pumunta kami sa backstage at nag-ayos na. Sinimulan na nila akong ayusan. Nakarinig ako ng hiyawan sa labas at natunugan kong andiyan na si Mayor. Kumalabog nang mabilis ang puso ko sa ideyang baka kasama niya si Joaquin.

Tumatawa kami dahil hindi nila maayos na mailagay ang make-up dahil panay ang singhap ko dahil sa sipon.

“Oh? May sakit pa rin ang kandidata natin?” dinig kong maligalig na sabi ni Mayor. Nilingon ko ito at nginitian. Base sa suot kong jacket ay malalaman mong nilalagnat pa nga ako.

“Kaya naman po, Mayor,” sagot ko.

“Sure ka, ha?” aniya sa seryosong tono. Bigla ko tuloy naalala si Joaquin.

Ngumiti ako. “Yes po.”

Nagpaalam itong aalis muna dahil kakamustahin ang lagay ng ibang kandidata. Hindi siya kasali sa hurado. Tatlo lamang ang kinuha. Hindi ko sila kilala pero alam kong malalaking personalidad sila.

Nang matapos ayusan ang mukha ko at buhok, tinulungan na ako nila Tracey na magpalit ng damit. Una kong isusuot iyong kulay purple. Naka-bun ang buhok ko na may kulot na nakahiwalay sa bandang mukha. Kapag tinanggal ang bun na ito ay mabilisang kukulutin mamaya para sa performance ko hanggang sa finale.

Umupo ako sa tabi at sinuot ang heels. Ramdam ko ang init ng mga mata ko dahil sa lagnat. Dahil tube ang suot ko, hindi ko mapigilang lamigin kaya pinakuha ko ang jacket ko at pinatong sa balikat ko.

“Ara, are you sure you can do this? Pwede ka namang mag-back out,” nag-aalinlangang tanong ni Ma’am Steph.

Mariin akong umiling. “Kakayanin po, Ma’am. Saka sayang naman po ang ginastos kung hindi ako sasali.”

“Kung gastos lang naman ang iniintindi mo, maiintindihan nila iyon,” singit ni Ms. Francine.

Umiling ako kaya wala silang nagawa. Sumandal na lang ako sa monoblock chair na inuupuan ko. Mapupungay ang mga mata ko dahil sa sakit at hindi ako makahinga ng maayos. Natural lamang ito kaya ayos lang.

“Oh, Joaquin!” bati ni Tracey.

Kumalabog agad ang puso ko kaya nilingon ko agad ang pintuan. He’s here. He’s finally here.

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now