“Stop asking and just start eating,” supladong utos niya.

Kahit na ang suplado niya ngayon, hindi ko maipagkakailang natuwa ako sa ginawa niya. Inabot niya sa’kin ang tubig at umupo na siyang muli sa harapan.

Hindi muna umandar ang sasakyan hangga’t hindi pa ako tapos uminom ng gamot. Kaya binilisan ko ang pagkain at ininom kaagad ang gamot na binigay niya. Una kong ininom iyong para sa sipon at lagnat. Kailangan kong agapan ito dahil hindi ako pwedeng magkasakit lalo na at pageant na sa Lunes.

“Ayos na,” sabi ko. Nilingon ko si Joaquin na taimtim akong pinapanuod. Tumango siya sa driver at saka palang ito umalis.

Hindi pa rin ako nakatulog sa byahe. Ganoon din si Joaquin. Nakita ko ang mumunting sulyap niya sa akin.

Inunang ihatid si Ma’am Steph, sumunod si Ms. Francine at sa wakas ay kami na. Pagkarating ay agad na bumaba ang mga kaibigan ko.

“Salamat sa paghatid, Joaquin,” inaantok na sabi ni Tracey. Si Alyssa naman ay tumango na lang dahil pipikit na ang mga mata niya sa antok.

“Kausapin ko lang saglit si Arabella,” tugon niya.

Natigilan ako sa sinabi niya kaya tinanguan ko sila at hinarap ang gwapong lalaking pinapaiwan ako.

Suminghap ako at kinusot ang mata. Nagluluha na ang mga mata ko dahil sa sipon at sa antok.

“Pagkagising mo bukas, inumin mo ang gamot mo. Sino ba kasing may sabi na magpaulan ka?” Umiwas siya ng tingin at umigting ang panga.

Is he scolding me right now? Ano naman sa kanya kung magpaulan ako.

“Malagkit ’yung softdrinks,” paliwanag ko.

Bumuntong hininga lang siya. “Sige na, pumasok ka na do’n para makapagpahinga ka na.”

Tumaas ang kilay ko. Kahit talaga galit ang itsura niya napakagwapo pa rin niya. Paano pa kung ngayong ang amo ng tono ng boses niya.

“Good night, Bella.”

Kumalabog nang mabilis ang puso ko. Ayan na naman siya!

“Anong tawag mo sa’kin?” tanong ko.

He smirked. “Bella,” simpleng sagot niya.

“Bakit-”

“Shh… pumasok ka na roon at magpahinga,” aniya habang nananatiling nakangisi.

Ngumuso ako. “Fine.”

Pagkapasok ko ay doon ko pa lang narinig na umandar ang sasakyan. Bumusina pa ito bago umalis. Sumandal ako sa pintuan imbis na magbihis at pinakiramdaman ang mabilis na pintig ng puso ko.

Nagtuloy tuloy ang sama ng pakiramdam ko. Mataas ang lagnat ko ng Sabado at Linggo. Matindi ang sipon at masakit ang katawan. Inaalala ko tuloy kung paano ako sa pageant gayong bukas na ’yon. Regular naman akong umiinom ng gamot. Binilhan na rin ako nina Tracey ng extrang gamot para hindi ako maubusan.

“Ayos lang ako, Ma. Kahit bukas na kayo pumunta,” sabi ko habang katawagan si Mama sa cellphone.

Gusto kasi nilang mapaaga ang pagpunta dito para maalagaan ako dahil sa sakit ko.

“Sigurado ka ba, Ara? Pageant mo na bukas.”

Pumikit ako at bumuntong hininga. Kahit na mataas ang lagnat ko ngayon ay ayoko namang mahirapan sila sa pagbyahe. May sasakyan kami ngunit isa lang. Iyon ang gagamitin nila sa pagbyahe. Ang tanging problema lang ay ang tutulugan nila magkatapos ng pageant ko.

“Opo, Ma,” sagot ko.

“Oh sige. Basta inumin mo ang gamot mo ng tama sa oras,” paalala niya. “Teka, kausapin ka raw ng Papa mo.”

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now