L101

332 15 10
                                    

JOHN CULLEN POINT OF VIEW:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


JOHN CULLEN POINT OF VIEW:

Hindi ko alam kung paano at kung saan ako unang tutungo. Hindi ko alam kung bakit sa akin pa nangyari ang mga 'to.

I was eight years old that time na na-aksidente ako. Hindi mapakali sila mommy kung anong gagawin sa akin habang nag-aagaw buhay ako. Hindi nila alam kung mabubuhay pa ba ako, O, lalabas ako ng hospital na diretsong morgue na?

Walang may alam kung anong mangyayari sa akin, maski ang mga doctor ay hindi sigurado kung mabubuhay ako.

Kaya laking tuwa nila, na isang milagro ang nangyari sa akin. Yes, natalo ko si kamatayan. I am fighter.

Pero, hindi pa roon natapos ang peligro ng mga magulang ko, na-trauma ako sa mga kotse. Lalo na sa mga Wheeler truck.

Kaya napagdesisyon nila mommy na pumuntang abroad at doon ako pagalingin.

Lahat ng iyon nalaman ko lang ngayon. Ilang taon kong hinahanap ang sarili ko, ilan taong kong sinasabi sa sarili ko na may kulang sa akin. At, siya pala iyon.

I was 16 years old nang bumalik kami ng Pilipinas, sa pagbabalik ko may babae akong nabunggo.

"I-i'm sorry, little kid. Hindi kita nakita, hindi ko sinasadya..." Lumuhod ako at pinagpagan ang kanyang damit na hello kitty.

"I hate you! Isusumbong kita kay kuya Raven ko!" Matining na sigaw niya sa akin at lalong lumakas ang kanyang iyak.

"Promise, hindi ko talaga sinasadya. I'm sorry," natataranta na ko rito.

Nasa'n ba magulang ng batang 'to.

"Nasa'n ba mga magulang mo, little kid?" Lumingon ako sa paligid baka may naghahanap sa batang 'to.

"I'm not a kid! 12 yrs old na ako!" Ang sungit. Malay ko bang 12 yrs old na siya. Ang liit kaya niya.

"Mommy?" Tumayo siya at luminga-linga habang binabanggit ang salitang 'mommy'.

Hinawakan ko ang kanang kamay ng bata at dinala sa information desk para manawagan sa magulang nito. Kailangan ko na talaga umalis, bibili lang naman ako ng cake para kay mommy.

"Iwan ko na po siya rito, may importante pa kasi akong pupuntahan." Saad ko rito.

"Sige po, sir, kami na po bahala." Tumango ako rito.

Ayon na pala ulit ang pagkikita namin pero 'di ko siya nakilala...

College days, mas naging independent ako sa sarili ko. Sumali ako sa isang banda pero 'di rin ako tumagal. Hanggang makilala ko ang SoundBreak19. Lalo akong nagkaroon ng confidence sa sarili ko. Mas minahal ko ang sarili ko, kung sino ako.

Dito ko unang nakita ang pagmamahal ng isang kaibigan. Solid.

Tumagal-tagal, nakikilala na kami ng mga tao, minamahal na kami at nagkaroon ng solid na fandom. Sarap sa pakiramdam.

Dito ko nakilala ang nagngangalang Kim Hani Rodriguez. She's bubbly, charming, sweet and friendly. Simula ng ma-accept ko ang kanyang friend request, siya na lang laman ng messenger ko.

Una, it's overwhelming kasi may nagmamahal sa akin maliban sa family and friends ko.

Pero, habang tumatagal nagiging clingy na siya. Lalo ng malaman niyang magkaibigan ang mga magulang namin. Ninang pa niya si mommy.

Unti-unting nawala ang mga messenge niya sa akin. Kapag nag-oopen ako 'di na siya iyong unang nagpa-pop-up na message sa akin. Nawala na rin siya sa group naming Cullen-haw. Bakit? Dahil ba kami na ng ate niya? Dapat nga masaya ako diba? Kasi wala ng nangungulit sa akin pero bakit ang sakit?

Nagmessage ako sa kanya kung bakit siya umalis, sabi niya dahil sa studies niya. Nagsinungaling siya. Oo, busy siya pero kay Josh ng Z-Boys.

Kapag nasa campus ako palihim akong dumadaan sa room nila. Malayo ang building namin sa building nila pero wala na akong pake.

Nagpapalusot pa ako kay Wil and Duke na mahuhuli ako ng dating sa practice para lang sa kanya. 'Di ko alam pero habang tumatagal na nakikita ko siyang masaya kay Josh, nagagalit at naiinggit ako. Ako dapat iyon, ako dapat. 

Hindi ko na natiis, gumawa ako ng paraan para mapansin niya ulit, nagtext ako sa kanya, dinadalaw ko ang profile niya kahit pinagtatawanan na ako ni Ken. Nahuli kasi ako. Ang gago.

"Brod, payong kaibigan lang, hiwalayan mo na si Lucy kung wala na. Makakasakit ka lang ng iba, magagalit pa si Wil sayo."

Doon, doon ako natauhan. Kinausap ko si mommy ng masinsinan kung ano bang mayro'n si Kim na wala si Lucy.

At, doon niya sinabi ang lahat. Lahat-lahat.

Na si Kim iyong kababata ko kasama sina Jenny, Apple and James. Na siya iyong pinangakuan ko pero hindi ko maalala dahil sa aksidenteng nasangkutan ko. Langya!

Gumawa ako ng move para magpapansin kay Kim. Pinaramdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

"Hoy, Cullen? Anong nangyayari sayo? Tulala ka d'yan? Iyong ice cream mo tunaw na." Napapikit ako at tinignan ang babaeng nagpapatibok ng puso ko.

"Ang ganda mo, Kim, ang ganda-ganda mo, boss." Namula naman agad siya.

"Hala! Nalipasan ka na, Cullen! Oh, ayan kainin mo!" Sabay subo niya sa akin ng banana split niya.

"Ang lamig," tinawanan lang ako.

"Bilisan mo na d'yan kumain, Cullen! Bibili pa tayong gift para kay Jenny!" Oo nga pala, birthday pala nu'ng isang iyon.

"Oo, na boss, ito na oh! Nanginginig pa!" Tumatawang sabi ko sa kanya.

×××

🍢 THE END 🍢

𝙻𝚘𝚟𝚊𝚋𝚕𝚎 || 𝚂𝙱𝟷𝟿 𝙹𝚘𝚜𝚑 [FIN] ✓Where stories live. Discover now