L38

329 18 19
                                    

KIM HANI'S POINT OF VIEW:

"Hani? Hani?" Kumunot ang aking noo na makitang tumatakbong papalapit sa akin si Jenny. Siya lang tumatawag sa akin sa second name ko.

"Why? I'm busy, Jenny, may research pa tayo sa isang subject! Please," naiinis na ako. Nowadays, nagiging mainitin na ulo ko. Ewan ko ba.

"Si Cullen papaakyat na rito!" Naguguluhang tinignan ko siya.

Ano namang gagawin niya rito! Kung pupuntahan niya ang kapatid ko, nasa tourism building iyon, at malayo iyon sa building namin!

I rolled my eyes to her, "guni-guni mo lang iyon, Jenny. Wala naman dito ang kapatid ko para pun---" nagulat ako ng makita ang mukha niya.

B-bakit siya nandito? Almost three weeks ko na rin siya iniiwasan. Bakit pa ba ako kinakabahan sa kanya? Alam kong sinagot na siya ni ate Lucy.

"C-cullen," ito ring isang 'to, kinakabahan. Hays.

"Gusto lang kitang kausapin, Kim? Maaari ba?" Tinignan ko siya.

"Sobrang busy ko. Look, dami naming research this sem. Kung ang itatanong mo ay tungkol kay ate Lucy, wala ako sasabihin, we're not close. Sa mga kaibigan ka niya magtanong." Sabi ko rito at tumalikod na. Iniharap ko ulit ang laptop ko at sinimulan ulit.

Sumasakit talaga ulo ko rito! May thesis na 'tas may research pa. Pinapahirapan talaga kami ng mga teacher namin! Urgh!!

"Three weeks ka ng umalis sa group, 'di ka pa ba babalik?" Akala ko umalis na siya.

"Busy akong tao, Cullen. Busy. Ayokong mawala ang with flying colours ko. Kaya kung niyan lang sasabihin mo pwede ka ng umalis." Binuhat ko ang aking laptop at ninguso ang mga papel-papel namin kay Jenny. Sa loob na lang ako gagawa.

"Pero, roon sa Z-Boys updated ka. Lalo na iyon sa Josh." Nagulat ako. Teka! Paano niya nalaman? Gumawa pa ako ng dummy account para roon.

Binalik ko ang aking ayos at tinignan si Jenny, "huh? Hindi ko alam sinasabi mo, Cullen. Kung maaari lang aalis na ako, dami pa naming ginagawa." Sabi ko at sumibat agad.

Sino kaya nagsabi sa kanya? Hindi naman p'wedeng sabihin ng tatlong iyon.

"Paano niya nalaman, Kim? Gumawa ka pa nga ng dummy account." Siko ni Jenny sa akin --- bestfriend ko si Jenny, siya pa nga nagpakilala sa akin sa Z-Boys. Isa s'ya sa mga admin kasi roon.

"Don't know, Jenny. Nagulat nga rin ako." Naguguluhang sabi ko rito.

"Mukhang iniistalk ka niyan. May Lucy na nga tapos gusto bumalik ka sa page niya? Paano wala ng masyadong updated na admin sa kanya. Isnobero kasi. Sa lahat ng members ng Soundbreak19, siya ang mailap at isnobero." She's rolled her eyes.

"'Di mo pa nakikilala si Wil, mas mailap iyon." Tumingin s'ya sa akin.

"Nakita ko one time iyon, 'di naman. Ngumingiti nga sa phone niya. May ka-chat siguro. Baka gusto niya lang maging mapag-isa. Introvert. Ganern."  Tumango ako sa sinabi niya.

"'Wag na natin pansinin iyon, need na natin tapusin 'to! May gig next week ang Z-Boys, Jenny." Sabi ko sa kanya.

Malapit na mag-christmas break pero ito kami naghahabol ng mga research para next year, demo na lang. Pati thesis gagawin this month.

"Itong research na lang sa field study natin?" Tumango ako rito.

Tapos may demo pa kami next year. Bakit nga ba ako nag-teacher? Ewan ko rin.

"Pati thesis natin. Revision na lang naman 'yon. Itong research na lang natin," buntong hininga ko.

"Ba't ba kasi nagteacher ako? Hani, ayoko na! Gusto ko na mag-quit!" Gagi! Kung kailan last sem na.

"Kung kailan last sem na, Jenny? Seryoso ka d'yan?"

"Syempre joke lang! Grabe naman kasi mga prof natin, walang hustisya! Tinambakan tayo! 'Di nga tayo pinag-student teacher this two months, tambak naman gawain. Dapat pinag-ST na tayo," she's rolled her eyes. Maldita talaga.

"Huwag ka ng umangal. Gawin mo na iyan. Nasa'n ba sina Apple and James?" Kanina pa kasi wala iyon.

"Bumili ng makakain natin. Ang galing nuh? Four members sa isang group lang? Talaga pinahirapan tayo." Hindi pa rin siya tapos sa rants niya.

"Gumawa ka na lang para matapos na 'to, ilang weeks na lang christmas break na." Pagpapagaang loob ko sa kanya.

"Okay. No choice naman na!" Ayan na naman iyong mga mata niya.

Maya-maya lang din dumating na ang dalawa, may mga dalang pagkain. Nakakagutom talaga.

Umabot kami ng hanggang alas-singko ng hapon, para lang magpacheck ng research namin. Fortunately, we're done. Revision na lang then print then ipapasa na. Next namin ang thesis.

"Bye, guys! Buti na lang pasado na kay Sir!" Nag-apiran kaming lahat. Tatlo lang sa section namin ang pumasa agad. Then, the rest ulit sila. May pitong group kami sa research same sa thesis. Kung sino ka-grupo mo, sila na rin sa thesis.

Nagkanya-kanya kami ng daan pauwi.
May mga nakakasabay pa akong mga kapwa kong estudyante, kaya di ako takot maglakad.

"Hi!" May kumalabit sa akin.

Oh gosh! Si Wil ba 'to?

"H-hi, Wil!" Nahihiya kong bati sa kanya.

Hindi kasi namamansin 'to, parang once in the blue moon lang.

"Hindi na kita nakikita sa mga gig namin?" Sumabay siya sa paglalakad sa akin.

Nahihiyang ngumiti ako sa kanya, "Ah-eh, busy lang."

"Ah! Kapag kasi tumitingin ako sa p'westo niyo, wala ka, e. Mga kaibigan mo lang nakikita ko roon. That's why I asked you." Tumahimik ako.

"O, baka namang naiilang ka kay Cullen dahil sa mga sinabi niya sayo?" Dugtong niya pero umiling agad ako sa kanya.

"Hindi, ha. Busy lang talaga. May research then thesis kami tas next year may demo kami." Sabi ko agad sa kanya. Grabe naman si Wil advanced mag-isip.

"Ah-okay sabi mo. Ate mo pala nililigawan niya?" Tumango ako rito.
Nandito na kami sa waiting shed, naghihintay ng masasakyang traysikel papunta sa subdivision namin.

Tumango ako rito. Nakatingin lang siya sa akin.

"Sige, Wil, una ako sayong umuwi, nandito na iyong traysikel. Ingat ka!" Paalam ko sa kanya.

"Kim, pakisabi roon sa friend mong si Lesley, thank you roon sa chocolate na ginawa niya. I appreciated it!" Kumaway siya sa akin at naglakad na ulit.

Okay, ano iyon? Mukhang need kong sumagap ng kwento sa mga iyon, ha.
Lesley ha?!

×××

𝙻𝚘𝚟𝚊𝚋𝚕𝚎 || 𝚂𝙱𝟷𝟿 𝙹𝚘𝚜𝚑 [FIN] ✓Where stories live. Discover now