Kabanata 13

86 70 5
                                    

"Mayroon ka na bang napili, Yazmin?" Tanong ni Daniel mula sa labas ng fitting room. Hindi ko siya pinansin at tiningnan lang ang sarili sa salamin.

Suot ang dress na off shoulder, V neck side slit long mermaid style. Navy blue ang kulay nito na mas nagpalitaw ng maputi kong kutis. Ngayon ko lang din napansin na mas lalo akong pumuti dahil hindi na ako masiyadong naaarawan. Baka hindi ko na rin mamalayang bampira na rin ako.

Sumilip ako sa labas. Nakita kong nakaupo si Daniel sa couch habang nakatingin sa gawi nina Hans at Zed.

Nagsisi tuloy akong tumingin din doon. Sobrang saya nila at ang sweet nilang magnobyo at nobya. They really look like a perfect couple.

"Do I look pretty, Zed?" Nakangiting tanong ni Hans sa kaniya. Nakita ko ang pagkislap ng mga ni Zed.

"You're the most beautiful woman I have ever known, Hans."

Pagsakabi niya iyon ay agad ko nang sinara ang pinto.

Bakit sobrang sakit? Parang paulit-ulit na dinudurog ang puso ko sa narinig at nasaksihan. Ganito pala magmahal. Nakakadurog ng puso. Kahit ilang beses kong pigilan ang nararamdaman at kahit anong gawin kong pagtanggi ay hindi ko pa rin talaga maiwasang masaktan.

Pinahid ko ang mga luhang kanina pa pala umaagos. Pasaway na luha.

Kaya mo 'to, Yazmin. Konting tiis na lang makakaalis ka rin sa mundong ito.

Huminga ako ng malalim at ngumiti sa repleksyon ko sa salamin.

Lumabas na ako ng fitting room. Napalingon naman kaagad si Daniel. Bakas sa mga titig niya ang pagkamangha. Mas lumawak ang ngiti ko.

"Gorgeous!" Aniya at nilapitan ako. Bahagyang nakaawang ang bibig niya at kumikislap ang mga mata niya na para bang nakakita ng isang diamante.

Tumawa naman ako nang makitang napatigil ang dalawa at tumingin din sa amin or should I say, sa akin.

Hinawi ko ang nakatakas kong buhok at inipit iyon sa likod ng aking tenga. Nakangiti lang ako kay Daniel habang iniikutan ako at inoobserbahan ang kabuuan ko.

"Ayos na ba ito, prinsipe Daniel?" Nahihiya kong tanong sa kaniya. Kung nakikita ko lang ang sarili ko ay baka namumula na ang mukha ko na parang kamatis.

"Hindi lang ayos, Yazmin. Kung 'di ayos na ayos! You're really gorgeous and... hot."

Natawa ako sa sinabi niya. Napalingon naman ako kay Hans nang bigla itong tumawa. Lumapit siya sa amin na umiiling iling.

"Ano ka ba, Daniel. Nakakahiya naman kay Yazmin." Aniya at pinasadahan ng nakakalokong ngiti si prinsipe Daniel.

"I'm just... I'm just really amazed by her, Hans." Tugon naman niya at hindi na matanggal ang titig niya sa akin.

Nakahanap naman ako ng tiyempo para lingunin si Zed upang malaman kung ano ang reaksyon niya. Nadismaya ako ng wala man lang siyang ekspresyon sa mukha. Diretso lang ang tingin niya kay Hans.

Si Hans nga lang kasi, Yazmin. Just accept the fact na kahit kailan ay hindi magiging ikaw.

Hindi man ako makahinga ng maayos dahil sobrang sikip ng dibdib ko sa sakit pero nagawa ko pa rin silang ngitian.

Lumapit sa amin si Zed. Humawak siya kurba ng nobya. Umiwas na lang ako ng tingin.

"So, paano ba iyan? Hindi na natin kailangan pang pumili. Tara na para makagala pa tayo." Tumango naman ako sa sinabi ni Hans.

Nang mabayaran na niya iyong binili namin ay lumabas na kami ng boutique. Wala naman akong pambayad kaya siya na ang sumagot sa gastusin. Wala naman akong sahod sa pagiging katulong ko eh.

Yazmin (COMPLETED)Where stories live. Discover now