Chapter 7 - Checkmate

891 32 2
                                    

CHECKMATE

Sabado ng umaga. Araw ng pag-uwi ko sa bahay namin sa Paranaque at ihahatid ako ni Mike bago siya umuwi sa Bulacan. Kinikilig ako, sobrang excited.

Alas syete ang usapan namin ni Mike para sunduin niya ako sa Sampaguita. Kinse minutos bago mag-alas-syete, lumabas na ako ng dorm para tingnan kung nandoon na siya.

"Good morning. Jules," bati niya sa akin pagsilip ko sa labas ng dorm. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa steps ng entrance at nginitian ako nang napakatamis.

Napangiti ako. Patakbo akong lumapit sa kanya at yumakap. "Aga mo a," sabi ko.

"Kadarating ko lang," sagot niya.

Ramdam ko ang hagod ng mga braso niya sa likod ko. Parang miss na miss niya ako.

Parang miss na miss ko rin siya.

Bumitiw ako sa kanya at tiningnan ang mga dala niya. Napansin ko, maliban sa travelling bag niya, may dala siyang parang bilao na nakabalot ng aluminum foil at plastic. "Ano yang dala mo?" tanong ko.

"Alin, ito? Pansit," sagot niya.

"Para kanino?"

"Para sa mommy at daddy mo."

Napangiti ako. "Bakit ka pa bumili ng pansit?"

"Pasalubong sa kanila."

Sa loob-loob ko, napaka-thoughtful talaga nitong kaibigan ko. "Hindi ka na sana nag-abala. Okey lang naman kahit wala."

Nagkibit-balikat siya. "Sanay akong ganito e. Kapag may binibisita ako, may dinadala ako."

Dumikit ako sa kanya. "Hindi ka naman bisita."

"Sa yo siguro, hindi. Pero first meeting ko pa lang ngayon sa parents mo, di ba?"

"Kahit na. Ikaw talaga, masyado kang traditional."

"Inilalagay ko lang naman sa lugar."

Huminga na lang ako nang malalim. "Anong pansit yan?" tanong ko.

"Pansit malabon," sagot niya.

"Sa masarap yan. Paborito ni Daddy yan e."

Napangiti siya. "Sana masarapan siya."

Malambing na pinisil ko ang braso niya. "Wait lang ha. Kukunin ko lang yung bag ko."

Tumango siya. "Sige, wait kita dito."

Nagmamadali akong pumasok at bumalik sa room. Dali-dali kong tinapos ang pag-eempake ko, inayos ko ang mga gamit ko, at ini-lock ang aparador ko.

"Hoy, Jules, ano ka ba?" saway ni Sharon sa akin. Nag-eempake rin siya noon. "Bakit parang natataranta ka?"

Bitbit ko na agad ang bag ko at palabas na ako. Nilingon ko siya at todo-ngiti ako. "Ay, hindi ko pala nasabi sa yo, Sha. Nandiyan sa labas si Mike. Ihahatid niya ako sa Paranaque."

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "Ha? Totoo?"

Pabiro ko siyang inirapan. "May naiinggit! Sige!"

                                                            ♥  ♥  ♥

Ilang minuto pa ay nakasakay na kami ng taxi at nagbibiyahe na kami papuntang Paranaque. Magkatabi kami sa likod at nakayakap na naman ako sa braso niya.

My Bestfriend's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon