CHAPTER 9- FAVORITE CAR

Start from the beginning
                                    

"Yes, Gab, darling?"

"Sumasagot-sagot si Marci sa 'yo."

Nanlaki naman ang mata ko, awtomatikong pinalo siya ng unan.

"Mom, nagsisinungaling na naman ang Silang na ito, wala akong sinasabi," angil ko.

"Marci, baby sinasaktan mo ang puso ni Mom, ah?" malungkot na sagot niya sa akin.

"Dad, wala akong sinasabi kay Mom," pakampi ko kay Dad, sabay sama ng tingin sa nakangising Gab.

"Alam ko Marci, 'yaan mo na 'tong Mom mo at gusto lang nitong magpalambing sa akin. Nahihiya pa, eh."

Humagalpak pa ng tawa ang daot naming ama. Sa kanya talaga nagmana itong si Gabriella eh.

"Joke lang Mom, I love you nga raw sabi namin ni Marci eh, 'diba, bal?"

"Yeah. We love you, Mom," saad ko para 'wag ng magdrama 'yong isa.

Haduf kasing Gab ito, nagkaroon nga ng kakambal, nyawa pa! Zsss.

Unti-unti namang ngumiti si Mom sa amin. Ito ang na miss ko dito sa bahay eh, ang madramang ina namin at mapang-asar naming ama. I love them both, tho.

Kung puwede nga lang dito na lang kami laging umuwi eh, kaso 'di puwede lalo na at buhay na naman ulit ang Polar Clan.

"By the way, where's Percylla nga pala?" tanong ni Mom.

"Baka papunta na po 'yon dito."

"Kasama ba ang boyfriend niya?"

"You mean si Boss Ashmer, Dad?"

"May iba pa bang kasintahan si Percylla?" inosenteng saad ng mom dahilan para matawa kaming tatlo.

My innocent mom, tsk. Para siyang si Kenya kung minsan. Innocent feels.

"Wala, si Ashmer lang naman. Baka kasama niya, we just don't know lang po. Baka kasi busy din si Boss Ashmer."

"Naku, call him, Marci sabihin mong pinapapunta ko sila dito ni Kenya at Dailann."

"Gab, tawagan mo na," pabulong kong utos sa isa. Inirapan lang ako.

"Duh? Ako ba si Marci, ha? Marci nga raw, eh."

Haduf talaga! Wala akong nagawa kundi ang tumayo at pumasok ng kwarto, kinuha ang cellphone at tinawagan si Kenya.

"Hello, my pwend? Your pwend is speaking," panimula niya pa.

"Punta kayo sa bahay namin ni Dailann at si kuya mong sungit."

Natawa naman siya. "Oo, pupunta kami, ayaw naming magtampo si Tita Ganda."

"Mabuti naman kung gano'n. Sige, 'yon lang."

"Okay, salamat, ha? Zsss."

Hindi ko na pinansin ang kapilosopohan niya at pinatay na ang linya.

Sunod ko na tinawagan ay si Percy pero 'di niya sinasagot. Baka busy na naman 'yon sa studio niya.

Tinext ko na lang at baka makalimot pa siya. Naligo at nag-ayos na lang din ako dahil maya-maya ay magsisidatingan na ang mga bisita nina Mom including Tita Alexa.

Makikita at magiging center of attraction na naman ang carbon copy naming beauty nito.

Dati ay naalala ko ring ayaw na ayaw sa 'kin ni Calla Lexa dahil nagseselos siya sa ideyang ako ang kamukha ng mom niya at hindi siya. Well, noon 'yon, noong bata pa siya, ewan ko lang ngayon. Sila talaga ni Gab ang hindi magkasundo dahil parehong palaban. Walang may gustong magpatalo.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Where stories live. Discover now