Chapter I

43 4 0
                                    

Nilalamon na ng kadiliman ang kalangitan. Walang narin masyadong mga tao ang nasa paligid kaya binalot ito ng nakakabinging katahimikan.

Pauwi na ako galing ng eskwelahan at nandito ako ngayon sa waiting shed upang mag hintay ng masasakyan. Ang lamig ng paligid, nakakatakot at nakakakilabot.

Sa bawat malamig na hanging dumadampi saaking balat ay tumatayo ang aking balahibo. Mas lalo itong nagbibigay saakin ng hindi maipaliwanag na damdamin.

Matapos ang ilang minutong paghihintay. Naaninag ko sa di-kalayuan ang isang bus na kulay itim. Agad kong itinaas ang kanang kamay ko upang parahin ang bus. Huminto ito saaking harapan saka bumukas ang pinto nito. Pumasok ako sa bus, at sa unang tapak pa lang ng kanang paa ko ay nakaramdam ako ng kakaiba. Parang may mali. Tiningnan ko ang mga upuan sa loob ngunit kahit isang pasahero wala, maliban saakin. Tanging ang driver lamang, kundoktor at ako ang nasa loob.

Napagdesisyunan kong umupo sa harapan sa pangdalawahang upuan. Kinakabahan ako at hindi mapakali, humugot ako ng malalim na hininga saka binitawan ito.

Lumapit saakin ang kundoktor at nagtanong, "Saan ka bababa?"

Iniangat ko ang aking ulo saka tinignan siya, "Doon lang po sa bus stop ng San Alfonso." Kinuha ko ang wallet sa loob ng bag ko at inilabas ito, "Magkano po?"

"Isang daan," tugon niya.

Kumuha ako ng isang daan sa wallet ko at iniabot ito sa kundoktor. "Heto po manong."

Kinuha ng kundoktor ang iniabot kong pera at kasabay nito ang pagtaas ng sulok ng labi niya na para bang nasisiyahan sa nangyayari. Nakaramdam ako ng kiliti sa aking leeg at ito ang naging dahilan sa pagtayo ng aking mga balahibo. Sumakit ang tiyan ko at hindi ko mapigilan ang kamay ko sa panginginig. Parang may mali.

Binalewala ko na lang ang nararamdaman ko at nagsimula nalang manuod ng anime sa cellphone ko. Tamang-tama, kakatapos kolang mag download ng isang episode sa anime na sinusubaybayan ko.

Ang saya kaya manuod ng anime. Nakakapagtanggal ng stress, nakakapagpasaya sa iyo, at higit sa lahat dadalhin ka sa virtual world upang makatakas sa reyalidad. Ang hirap kasi mabuhay dito sa reality, madaming nangingialam sa iyo at madami ding mapanghusga. Mas nanaisin ko pa ang mabuhay sa isang ilusyon kesa naman sa katotohanang magpaparanas sa iyo ng masasakit na mga bagay.

Lumipas ang ilang mga minuto ay nagsalita na ang kundoktor. "Bata nandito na tayo." He smiled.

Tumango ako at agad na pinatay ko ang cellphone ko. Tumingin ako sa bintana upang makasigurado ako na nasa tamang lugar ako ibinaba ngunit wala akong makita maliban sa mga makakapal na hamog.

"Ano bababa kaba?" tanong ng kundoktor dahilan upang matauhan ako.

"A... bababa na po manong pasensya na," tugon ko sa kaniya.

Bumukas ang pintuan at dali-dali akong tumayo. Bumaba ako ng bus at nagpasalamat sa kundoktor. Tumango naman ito at saka umandar papalayo ang bus.

Tumingin ako sa paligid, ganun padin makapal ang hamog. Naglakad-lakad ako at pilit na hinahanap ang mga bahay-bahay sa paligid ngunit wala akong mahanap. Matapos ang ilang sandali, napansin ko na naging mas manipis ang hamog at natanaw ko ang isang kulay-puting mansyon 20 hakbang mula sa kinatatayuan ko. Bakit parang pakiramdam ko, hindi ito ang nakasanayan kong mundo?

Pinuntahan ko ito at tumayo sa harapan ng gate, umaasa na mayroong tao na tutulong saakin. Nakatingin lang ako sa gate ng mansyon ngunit nagulat ako nang biglang bumukas bigla ang gate.

Wala namang tao ngunit bakit nagbukas ito?

Pumasok ako sa gate at unang hakbang ko pa lamang ay nakaramdam ako ng mabigat na enerhiya. Mga enerhiyang pinagsama-sama. Masaya, galit at uhaw sa hustisya.

The Chronicles of Bellhollow: The ProphecyWhere stories live. Discover now