-

 ISA na yata sa goals na nagawa ni Shamcey ay ang umuwi at magbyahe pauwi na walang suot na panty. Di niya alam kung goals ba 'yon pero-- nawa'y wag naman sana siya gayahin ng ibang babae. Ghad, ano bang pumasok sa isip niya?

Really? Bakit, nag-iwan pa siya ng remembrance? Bigla siyang napraning. Paano pag ipa-trace nito ang location niya gamit iyon? Is that possible? O kaya gumamit ito ng K-9 pagkatapos ay ipa-locate kung nasaang parte siya ng Laguna nagtatago? O kaya, ipa-DNA test? Baka may buhok.. di pa siya nakapag-shave.

Teka, teka.. Napahawak siya sa ulo niya. Feel niya sumasakit ang ulo niya. Bumangon siya sa kama niya.

Mataas na ang sikat ng araw. Kailangan na niyang bumangon. Maya-maya ay narinig na nga niya ang mga katok ng kanyang ina sa pinto ng maliit na silid niya.

"'Nak, gising na. Baka lumamig na 'tong kape mo. Pinagtimpla na kita!" sigaw nito mula sa labas.

"Sandali lang, Ma." Ganoon si mudra niya. Natutulog pa siya, timplado na agad kape niya. At saka pa siya gigisingin. Kaya minsan, bumabangon siya para uminom ng nilamig na kape.

Pero kung iisipin, masarap pa rin naman ang kape pag nilamig. Ang relasyon kaya? Minsan naiisip niya na wala talagang tumatagal na relasyon. Hindi sa may experience na siya, ha? Sa katotohanan lang, abnormal yata siya. Never pa talaga siyang nagkaroon ng love life.

Wala siyang naging jowa ever! Maganda naman siya? Ah, hindi dapat tanong 'yun. Maganda talaga siya. Bata pa lang siya marami na ang nagsasabi nun. Kaya nga may mga nanliligaw sa kanya. Pero ewan ba niya, kahit gusto niya magka-jowa.. Parang di pa siya ready. Wala pa doon ang puso niya. Siguro, dahil marami siyang priority. Nagkaanak na 'yung mga kaklase niya noon sa high school, nagkajowa na 'yong dating katabi niya na binalak pa magmadre.. Pero eto siya, single pa rin.

Well, that's life. Sabay higop sa kape.. Ah, muntikan pa siyang mapaso sa init niyon.

"Nagrereklamo na si Luring, 'nak." sabi ng kanyang ina nang nag-aalmusal na siya. Ngumunguya na nag-angat siya dito ng tingin.

"Bakit naman daw, 'Ma? Wag niya sabihin na nirereklamo na di pa tayo nagbabayad sa tindahan. Kakabayad lang natin ng isang libo noong isang araw."

"Isang araw 'yun nak. Mayroon pa tayong balance. Pagkatapos, kumuha ulit ako ng kailangan natin.."

Tumango-tango si Shamcey. "Sige, may pera pa ako dito. Bayaran ko na mamaya para di na siya magreklamo sa inyo."

Di naman kailangan ng kanyang I-enumerate pa lahat ng 'yon. Totoo na kulang pa binayad nila noong huli. Patigil-tigil kasi ang raket niya. Kahapon nga lang ulit siya nakakuha ng matinong modelling gig. Pahirapan pa niya bago makuha. At muntikan pa siyang mapahamak kahapon.

"Ako na rin, Ma, ang bahala sa bayad sa koryente. Malaki naman 'yong raket ko kahapon."

"Sige, may labada naman ako nak. Dagdagan ko na lang kung makuha ko 'yong bayad bukas o sa makalawa."

Tahimik na tumango lang siya. Isa pang isipin niya ay ang cellphone. Nandoon lahat ng contacts niya. Jusko, sa lahat pa naman ng mawawala sa kanya. Iyon pa na pinagkukuhanan niya ng raket!

Isang buwan na rin siyang jobless pagkatapos niyang mag-resign sa pinapasukan niyang call center. Hindi niya na matagalan doon. Bukod sa stress na makukuha niya sa mga client, may mga insekyorang supervisor pa siya at katrabaho na ayaw na niyang makita at maalala. Ghad, napaka-toxic ng huli niyang pinasukan kaya ngayon nag-apply na siya kung saan-saan. Nagpapatulong nga siya kay Marshana makapasok doon sa sikat na night club sa Pasay. Kaso ang bakla winarningan siya na hindi rin niya magugustuhan ang trabaho doon.

Actually, naiisip na nga niya mag-poka na lang. Kung hindi lang niya iniisip na mahalaga pa rin na matino ang makuha niyang trabaho. Iyon naman lagi ang ipinapaalala sa kanya ng mama niya. Tutol talaga ito sa ginagawa niya na paghahanap ng raket. Baka daw mapahamak siya. Oo nga, hindi na masabi 'yong panahon ngayon. Kung kelan safe ka or hindi. Pero kung di siya susubok, saan pa kaya sila pupulutin? Hindi nga niya masabi dito ang nangyari kagabi. Hinding-hindi niya rin sasabihin na na-snatchan siya. Sabihin na lang niya na namisplace lang niya sa trabaho ang cellphone.

Pagkatapos mag-almusal, lumabas siya ng bahay para pumunta sa tindahan ni Ate Luring. Dating kumare ito ng kanyang mama--noong panahon na kasama pa nila ang Papa niya at medyo nakakaangat sila sa buhay. Pero pagkatapos ng masadlak na sila sa kahirapan--tulad ng mga nasa teleserye. Wala. Lahat ng kaibigan ng kanyang mama, lahat ng mga kumare nito, unfriend na dito. Who you na. Totoo na kapag nakakaangat ka, maraming nakakakilala sa 'yo. Pero pag wala ka na, wala rin.. Limot ka na.

"Mabuti naman naalala nyo pa magbayad ng inuutang nyo dito," nakaismid na sabi pa ng may-edad na babae pagkatapos niya bayaran ang lahat ng utang niya. Wala pa sa isang libo ang binayaran niya. Six hundred lang pala ang naging balance nila dito. Pero kung makapagreklamo ito sa Mama niya, parang nakakalimot talaga sila sa utang ah.

Napailing siya. "Nagbabayad naman ho kami. Minsan after two weeks, binabayaran ko din agad."

"Aba, dapat lang no? May balak pa ba kayong ipa-isang buwan ang utang nyo dito? Sasagot ka pa." mataray na sabi ni Ate Luring.

Inipon niya ang pasensya nya. Walang silbi kung sasagutin niya rin ito sa paraan na tratuhin siya nito. Tumalikod siya at nagsimulang lumalakad pabalik sa bahay. Gusto niyang mainis, o magalit sa sitwasyon nila. Pero ano bang magagawa niya?

Walang magagawa ang galit o pag-rereklamo dahil nandoon siya sa sitwasyon na halos isang kahig isang tuka lang sila. 'Yong pera niya, ang bilis lang naubos. Parang hangin lang na dumaan sa kamay niya. Sa halip na magreklamo, kailangan niya kumilos at maghanap ng sulosyon. Si Marsh na lang hinihintay niya dumating.

 Noong huli silang mag-usap, sinabi nitong hintayin na lang daw niya ang pagbalik nito galing Palawan. May sinabi na ito sa kanyang five star hotel. May kakilala ito sa HR kaya madali siyang makakapasok kung kailangan na talaga niya 'yong work.

Eh, bukas pa ang dating ng bakla kaya maghihintay pa siya dito. Okay na rin para makapagpahinga na siya ngayon.Isa pa, parang gusto pa rin niya magpahinga. Ang sakit talaga ng katawan niya. Dahil siguro 'yon sa pagkakadapa niya.

Sumagi sa isip niya si Brian. Ano kaya ang naging reaksyon nito ng makita nitong wala na siya kahapon? Na ang tanging naiwan lang niya ay ang panty niya? Alam niyang di maganda 'yung ginawa niya.. Hindi nakaka-dalagang pinay. Pero di rin niya maiwasan mapangisi.

She could only imagine his frustration. Ang gwapong mukha nito na namumula-mula at nagpapakawala ng malulutong na mura na makakapagpainit lalo sa dugo ng kababaihan..

Nawala ang ngisi niya. May lihim ba siyang pagkagusto sa lalaking 'yon? Bakit.. Bakit parang sa halip na mainis siya na maalala ito, parang gusto pa niyang alalahanin ito? Umiling siya.

There's no way she could like a perv like him. Oo na, ito na ang gwapo. Ito na macho. Pero di ito ang klase ng lalaking papangarapin niya. Isa pa, imposible na ang magkrus ulit ang landas nila.

Surely, di na niya ito makikita pa.

And that's good. Di niya alam paano siya makakaharap dito ng ayos pag nagkita ulit silang dalawa.

Claiming the BeautyWhere stories live. Discover now