Chapter 8: Island

Start from the beginning
                                    

"Bakit? Anong nangyari?" kinakabahang tanong ni Calista.

"Kasi- yung ano-" hindi maipaliwanag na sabi ni Naila.

"Ano?" pasigaw na tanong ni Dhara.

"May maliit na isda eh!" nakayukong sabi niya, halos hindi naman na makahinga sa katatawa ang iba pa. "Bakit kayo tumatawa? Wala namang nakakatawa ah!" naiinis na sabi niya.

"Wala. Tara na nga!" sabi naman ni Dhara.

Nang malapit na sila ay nagulat sila ng nakumpirma nila na may tao nga na nandoon sa balsa. Pitong lalaki at nakapikit ang mga ito at hindi gumagalaw.

"Patay na ba sila?" natatakot na tanong ni Venus kay Amethyst.

"Hindi ko alam. Tanungin mo kaya sila para malaman mo." pangbabara naman ni Amethyst.

"Tss."

Lumapit naman sila Luna, Dhara at Naila sa balsa. Nainis naman si Amethyst at sinigawan sila.

"Kayong tatlo talaga ang tigas tigas ng ulo niyo. Sabing wag lumapit eh." pero hindi siya pinakinggan ng tatlo. Lumapit pa rin ito at tinapik tapik ang mukha ng mga lalaki.

Nagulat sila ng biglang gumalaw ang isa at nagmulat ng mga mata.  Nataranta sila kaya dali dali silang umalis, pero bago pa sila makaalis ay nagsalita yung lalaki na nakapagpatigil sa kanila.

Amethyst's POV

Nagulat kami ng biglang gumalaw at nagmulat yung isang lalaki. Sabi ko na kasi wag na kami lumapit eh ang kulit talaga nila, pag may nangyari talagang masama humanda talaga sila sa akin!

"Who are you? And where I am?"
Nagtatakang tanong nito.

Hala! Ano daw? hindi naman sa bobo kami pero parang ganun na nga dahil hanggang highschool lang ang natapos namin sa kadahilanang walang paaralan pang kolehiyo at mababa pa ang turo dito sa aming isla, kapos pa sa pera.

Pero may alam naman kami kahit papaano, tinuruan naman kami mag english. Mukhang dayuhan tong mga to ahh, mukhang englishero. Siguradong mapapasabak kami nito sa english-an ah!

"Huyy! Nagtanong siya." sabi ni Luna.

"Alam namin 'di naman kami bingi para hindi marinig. Tss." pangbabara naman ni Naila. Umirap naman si Luna. 'To talagang kambal na to.

"Tumigil nga kayo!" sabi ko sa kanila at binalingan itong gwapo- este! Itong lalaking ito sa harap ko at tinaasan ng kilay. "Aba anong pakialam mo kung sino kami? Tapos pag nalaman mo ano liligawan mo kami tapos hihingan mo kami ng number oyy! Mist-. " hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng batukan ako ni Hera.

"Tss. Tanga! Wala tayong cellphone." sabi niya. Ayy! Oo nga pala.

"Sabi ko nga." naputol ang usapan namin ng magsalita ulit yung lalaki.

"I don't fucking understand you miss. I'm just asking where the fucking hell are we?" naiinis na sabi naman nung lalaki.

"Ano daw? Fak fak? Anong kailangan niya sa pak pak? Lilipad ba siya?" takang tanong naman ni Dhara.

"Siguro." sagot naman ni Calista. Napakunot naman ng noo yung lalaki sa pinagsasabi nila at umiling iling.

Natigilan ang pag uusap namin nang isa isang nagising yung mga lalaki. Shemss! Guwapo! Iling iling, hindi pwede.

"Asan tayo?" tanong nung isang lalaking guwapo at matangkad din pero mas matangkad ng kaunti si sungit.

"I don't know." sagot naman ni sungit. Tss.

"Kuya Rille? Where are we?" tanong nung isa pang guwapong lalaki na sa tingin ko ay ang pinaka bata sa kanila. Rille pala ang pangalan ni sungit. Ang ganda ah! Bagay sa guwapo niyang muhka.

Iling iling, wag ka magpaapekto sa guwapo nilang mukha at makisig na katawan Amethyst. Paalala ko sa sarili ko tyaka tinignan yung mga lalaki. Sa totoo lang nilalamig na ako kanina pa kami nandito sa tubig at medyo mainit na din.

"Who are they?" tanong naman nung guwapong lalaki na mukhang masungit at sobrang puti.

"I don't know." sagot naman ulit ni sungit. Paborito niya ba yung 'I don't know' na salita at yun lagi ang sinasagot niya? Tss.

"Tara na! Hindi natin sila kilala, baka mamaya kahit guwapo at maganda ang katawan nila ay masasama pala sila." bulong ni Hera, pero halatang gusto niya naman ang nakikita niya. Ang lande talaga nito!

"Oo nga, baka kung anong gawin nila. Tara na!" sang ayon ni Dhara.

"Bibilang ako ng tatlo ahh! Isa." sabi naman ni Luna. Sila itong namimilit at nag lalakas loob kanina tapos sila ngayon itong natatakot. Tsk!

"Dalawa." kanina pinipigilan ko sila tapos ayaw nila mag papigil tapo-. "Tatlo! Takbo." sigaw ni Luna.

Paglingon ko sa kanila nakita ko na silang kanda dapa dapa sa tubig sa pagtakbo. King*ina! Iniwan ako.

"Woi. Saglet lang! Tangna! Hintayin niyo ako." sigaw ko at dali daling sumunod sa kanila. Patay kayo sakin! Humanda kayo!

Lost StarsWhere stories live. Discover now