2nd String - Respect

6.4K 214 7
                                        

Respeto. 'Yun na siguro ang isa sa pinakamagandang paraan para ipakita ang pagmamahal.

Ganoon naman kasi talaga, bawat tao may kanya-kanyang pag-iisip. You don't have to agree on everything, but you do have to respect their opinions, and feelings.

Maybe respect their decision too—even if it breaks you.


*****

More than 10 years ago...


"Ayoko na, Vince. Nakakapagod na. Let's just end this relationship."

Mabilis na nag-unahan ang mga luha ko. Sa loob mahigit ilang buwan na paglaban, ngayon ko na ramdaman na wala na talaga. Na habang lalo akong kumakapit, mas lalong lumalalim ang sugat sa puso ko.

Pero bakit ganun? Kahit na sinasabi kong, ayoko na, kahit na ang isip ko suko na talaga... ang puso ko, umaasang hindi siya bibitaw.

Nakita ko ang pagpatak ng luha niya na nagpa-angat ng tingin ko. Matiim na nakatitig siya sa akin, pinagmamasdang mabuti ang mukha ko.

Mayamaya ay marahang tumango siya bago nagbaba ng tingin.

Sa unang pagkakataon ay ayokong marinig ang susunod na sasabihin niya.

"Kung 'yan ang gusto mo."

"Sige, ikaw ang bahala."

"Kung saan ka masaya."

Palagi na ay ang mga salitang 'yan ang naririnig ko sa kanya. Marami man kaming hindi napagkakasunduan na bagay, pero sa huli, basta masaya ako, ibinibigay niya ang gusto ko.

"I'm sorry kung nasasaktan ka ng dahil sa'kin. I'm sorry kung hindi ko natupad lahat ng pangako ko. Pero kung 'yan ang gusto mo, ire-respeto ko ang desisyon mo."

Kasabay ng paghikbi ko ay ang pag-atras niya ng isang hakbang.

Sandaling tumayo lang siya roon bago siya tumalikod. Hindi ko napigilang mapaupo na lang dahil pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko sa huling sinabi niya bago siya naglakad palayo...

"Mahal na mahal kita, Aya."


***


More than a year ago before the break-up...

"Saan mo balak mag-college, Aya?" tanong ni Mary habang naglalakad kami palabas ng school dahil tapos na ang klase.

Wala akong matatawag mo na best friend. Palipat-lipat kasi ako ng section buong high school kaya naman wala akong matagal na nakasama. Madali naman akong pakisamahan sabi nila kaya kahit na bago ako sa section ay may nagiging kaibigan ako. Ngayong taon, si Mary ang pinakamalapit sa akin sa mga classmates ko.

Nagkibit ako ng balikat at huminga nang malalim.

"Not sure pa. Nabanggit kasi ni Mama na baka lumipat kami ng bahay. May chance na sa Manila ako mag-aral."

Sumimagot siya at halatang nalungkot.

"Ikaw ba saan?" tanong ko.

Lalo siyang sumimangot at itinuro ang university na katabi ng school namin.

Hindi ko napigilang matawa dahil sa hitsura niya. Dati niya pa kasi sinasabing 'pag nag-college siya, tatakas na siya sa lugar na 'to. Ang totoo kasi, sa katabi rin ng school namin siya nag-aral ng elementary.

The Sixth StringWhere stories live. Discover now