Prologue

228 7 3
                                    

Naranasan mo na ba mainlove sa isang kaibigan?

Yung tipong higit na sa pagkakaibigan yung nararamdaman mo sa kanya?

Yung tipong alam mo na sa sarili mo na mahal mo na siya na gusto mo na siya pero dinedeny mo parin dahil alam mo na pag kakaibigan lang ang pwedeng maging relasyon niyong dalawa.

Kung ako ang tatanungin isang malaking OO ang sagot ko dito dahil isa lang naman ako sa milyong tao  na friendzone  na kung saan tinatagao yung totoong nararamdaman sa isang malaking ngiti kapag kaharap na yung taong mahal nila.

Sabi nga nang iba lahat ng tao May perfect match na may taong nakalaan para sayo na mamahalin ka habang buhay, naniniwala naman ako dun sino ba naman ayaw magmahal at mahalin pabalik diba, na maransan yung mga eksenang sa mga palabas at mga fairy tales na lang natin mapapanood at mababasa, nangangarap na sa isang happily ever after mag tatapos and inyong istorya ang sarap lang pakinggan ng ganun diba, pero balik nga tayo sa unang katanungan kung nainlove na ako sa aking kaibigan oo guilty ako diyan nainlove lang namanan ako sa best friend ko , best friend ko na kailan man di ako lilingunin bilang kasintahan na alam kong di masusuklian itong nararamdaman ko naguguluhan na nga ako kung ano ang gagawin ko.

hanggang kailan ako magtitiis sa gantong sitwasyon?

Na kung Kakayanin ko kayang patuloy nalang masaktan  itong puso ko na tatanga tanga na nainlove sa kanya o kakayanin ko kayang i give up ang matagal naming pagkakaibigan para hindi na ako patuloy  masaktan at umiyak ng dahil sa kanya.

hirap na ako di ko na alam ang gagawin ko.

samahan niyo nalang ako sa kwento ng love story ko kasi sobrang naguguluhan na ako, will I let him go or should I stay and wait for him to fall for me? Mahalin naman kaya nya ako? O hanggang kaibigan lang talaga?

© Plagiarism is a crime

FAKE PROTAGONIST Where stories live. Discover now