Sagada

14 1 0
                                        

Ang gulo-gulo na ng mundo. Ang dami dami nang problema ang lumalabas. Mga problema na hindi madaling solusyunan o minsan may solusyon naman hindi lang talaga natin magawa ng maayos.

Puro na lang din problema ang sinisigaw ng radyo. Nandyan ang banta ng gera ng mga bansa, natural calamities at sakit. Dagdagan pa ng mga trolls at laganap na fake news sa social media. Tapos may mga sarili ka pang problemaat problema sa trabaho.

Isipin pa lang kung paano bigyan ng solusyon ang lahat ng yan, sumasakit na ang ulo ko. Hindi mo din naman ako masisisi kung minsan maisip ko na iwan na lang lahat nang yan at takasan na lang.

Minsan, kahit minsan lang. Gusto ko sana na takbuhan at talikuran ang lahat.

Ang tanging hangad ko na lang naman ay mapunta sa isang tahimik at payapang lugar.

Sa lugar kung saan ko mahahanap ang tunay na kasiyahan.

Sa lugar kung saan malaya kong maisisigaw lahat ng problema at hinanakit ko sa mundo.

Sa lugar kung saan muli kong mahahanap ang sarili ko. Ang tunay na ako.

Doon sa Sagada.

Sa taas ng bulubundukin kung saan matatanaw ang langit.

Sagada, ang lugar kung saan ko muling palayain ang sarili ko.

Sagadaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن