Nasa hospital ako ngayon upang kumunsulta sa doctor ko dahil sa pananakit ng aking katawan ilang buwan na ang lumipas. Hindi ko rin maisip kung ito ba ay isang body ache lang ba o hindi. Mabang naghihintay sa opisina ni Doctor Salazar, May bigla nalang akong naalala na isang tao sa paglilingon ko sa opisina ni Doctor Salzar. Si Maria. Ang aking childhood bestfriend. Kamusta na kaya siya. Asan na kaya si Maria. May asawa na ba kaya siya. Bigla nalang bumukas ang pinto ng opisina ni Doctor Salazar at pumasok ang nagbukas.
"Here's the result Mr. Dela Cruz. You may sit down please." bungan ni Doctor Salazar. Bigla akong kinabahan sa tuwing magsasakita si Doctor. Habang umuupo si Doctor Salazar ako nama'y lumalakas ang tibok ng puso na para bang sasabog sa mababalitaan ko. Na sana'y tama ang hinala ko na isa lamang itong normal na sakit.
"Doc, ano nga ba ang resulta?" Tanong ko na medyo kinakabahan. Tumingin ito ng medyo malungkot na para bang masama ang kanyang ibabalita sa'kin.
"Well, let me straight this to the point Mr. Dela Cruz. Your diagnose is..." pagputol ni Doctor Salazar.
"Doc, is it a bad news?" may pag-aalinlangan kong tanong.
"Mr. Dela Cruz, you have a Bone Cancer. That's why nararanasan mo ang pananakit ng iyong katawan. Sad to say, stage 2 na ang iyong cancer which is kumalat na sa iyong dugo." masamang balita nito.
"But how did that happen. Ni isa sa aming pamilya wala ni isang may cancer? Is it possible?" pagtataka ko sa binalita ni Doctor na para bang ginogood time lamang ako.
"Yes, it is. In fact, ang cancer ay isang traydor at dangerous na sakit na makukuha mo. In fact akala mong wala kang sakit na canser pero meron ka na pala."
"Doc I don't believe it. Pwede bang ulitin ang pag diagnose mo sa'kin?" hindi ko parin inaakala ang pinagsasabi ng Doctor.
"If you want to be sure about your illness then I you can consult another doctor for a second opinion. But I assure you that my diagnoses are one hundred percent authentic."
Sa ngayon ay di ko pa rin inaasahan ang balita. Kumunsulta ako sa ibang doctor ngunit ganun pa rin ang sinabi sa'kin. Bigla nalang akong nawalan ng gana sa nabalitaan ko. Para bang pumapasan ako ng malaking daigdig sa balitang may cancer ako.
"Ano ba ang ginawa ko sayo panginoon?! Masama ba akong tao? Ha!" umiiyak kong sabi sa Altar.
"Ano? Bakit ako pa? Bakit ako pa?" lumuhod na ako sa altar at humahsgulhol. Di ko na mapigilan at ako'y humagulhol na ng malakas. Bigla nalang may nagbigay sa'kin ng panyo. Tinignan ko ito. Isang pari.
"Anak, ano ang iyong problema?" tanong nito habang inaalok ang kanyang panyo. Tumayo ako at tinanggap ang kanyang panyong inaalok.
"Anak, kung ano man ang iyong problema, wag mong iyakan. Ibinigay ng diyos yan upang ikaw ay tumatag sa iyong buhay. Anak, wag mong sisihin ang diyos dahil binigyan ka ng problemang di mo inaasahan." wika ng Pari.
"Father, hindi ko sinisisi ang diyos dahil sa binigyan niya ako ng sakit. Tinatanong ko siya kong bakit ako pa?"
"Anak, maging matatag. Wag kang magtanong sa Diyos. Sapagkat, maging matapang." Masayang sabi ng Pari.
