Nang makarating kami sa tapat ng bahay, lumabas ako ng taxi at hindi siya tinulungan sa pagbibitbit. Basta na lang ako naglakad papasok dahil alam kong wala siyang choice kung hindi magbayad ng pamasahe namin.

Tinanong ko lang si Lola kung kumain na ba sila nang makita ko itong nakaupo sa sofa bago ako umakyat. Medyo gutom ako dahil kanina pa ang huling kain ko pero kailangan ko munang dumistansiya kina Lola dahil alam kong magtataka lalo ang mga ito kapag narinig kami na nagtatalo ng alaga nila. Alam ko kasi na papasukin ako ni Travis rito sa kwarto ko para makipag-usap kaya kailangan ko talagang dumistansiya.

Tulad ng inaasahan, biglang bumukas ang pintuan ko at iniluwa nito si Travis. Bitbit niya ang mga pinamili namin at inilapag ito sa gilid ng kwarto ko bago isinara ang pintuan. Nang mai-lock niya ito, tumayo siya sa harap ko't pumamewang.

"Ano bang problema mo?"

"Wala akong problema, Travis. Gusto ko munang magpahinga."

"Ikaw, makakapagpahinga ka pero iyong utak ko, hindi kasi hanggang ngayon, naguguluhan ako sa inakto mo."

Tumayo ako't isinara ang bintana ko at bumuntot naman siya. Pagkapihit ko para bumalik sa pagkakaupo sa kama, hinila niya ako sa braso at isinandal sa pader. Bakas ang pagtataka sa mukha niya habang nakatingin sa akin.

Bakit ba hindi niya maisip na mali iyong tinanong niya?

"Gusto mo ng sagot sa tanong mo kanina sa mall?"

"Of course I want an answer. Oo lang hinihintay ko, Nara. I know you wouldn't say no kasi alam kong may gusto--"

"Alam mo na may gusto ako sa iyo?" sarkastikong tanong ko na sinabayan ng mahinang tawa habang nailing. "Paano mo nasabing may gusto ako sa iyo?"

Itinaas niya iyong kamay niya para ipakita sa akin iyong singsing. "This."

"Iyan?" Kinuha ko iyong kamay niya saka ko sinubukang hubarin ang singsing sa daliri niya kaya hinila niya pabalik ang kamay niya pero hindi ko binitawan.

"What are you doing?"

"Iniisip mo na symbol iyan ng feelings ko sa iyo, hindi ba?" Sinubukan ko ulit hubarin ang singsing sa daliri niya at sa wakas, nakuha ko rin ito. Binuksan ko ang bintana saka ko inihulog rito ang singsing. "Iyan. Ngayon, wala na akong feelings sa iyo; inalis ko na't itinapon."

"Pati ba naman ikaw?" mahinang tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko. Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binitawan niya pero totoo bang nasasaktan siya o iyong ego niya ang nasaktan dahil sa rejection ko?

At ano? Pati ako?

"Pati ako? Bakit, Travis? Sino ba iyong isa?" Huminga siya ng malalim saka ako tinalikuran pero hinatak ko siya paharap sa akin. "Sabihin mo nga sa akin. Sino ba iyong isa?"

"Wala."

"Si Daniella ba?" Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin sa kung san kaya alam ko na tama ako. "Hanggang ngayon ba, siya pa rin?" Hindi pa rin ako nakakuha ng sagot sa kaniya sa tanong ko na iyon kaya may naisip ako. "Magkita tayo sa salas mamaya kapag tulog na sina Lola. Sasabihin ko sa iyo ang sagot sa tanong mo."

Umalis ako sa harap niya't pumunta sa cabinet. Sinimulan ko nang hubarin isa-isa ang mga suot ko saka ako nagtapis ng tuwalya, not minding kahit pa nasa kwarto lang rin si Travis. Ano naman kung makita niya akong nakahubad? Ilang beses na may nangyari sa amin kaya iisipin ko pa ba kung pagnasahan niya ako o ano?

Walang sabi-sabi siyang lumabas ng kwarto at pabagsak na isinara ang pintuan. Ako naman, kinuha ang mga pangtulog ko saka ito dinala sa banyo. Kailangan ko maglinis dahil una, nanglalagkit ako at pangalawa, kailangan ko pakalmahin ang sarili ko dahil nasasaktan ako't naiinis.

Call Me Daddy (Awesomely Completed)Where stories live. Discover now