Bumitaw si Lorraine mula sa kanya at humalukipkip. "This isn't about religions again, right?" Mukhang hindi ito natutuwa sa usapan.

Agad na umiling si Brie. Pinigilan niyang matawa sa hitsura nitong nagtataray na naman. "Hindi, ah. Ikaw naman, masyado kang sensitive pagdating sa mga religion na 'yan. Pa'no pala kapag kinasal tayo? Baka i-excommunicate ka na sa simbahan."

Sandaling natameme si Lorraine. Mukhang napaisip rin ito.

Inilapit ni Brie ang mukha rito. "Magpapakasal ka pa ba sa'kin?" may himig-panunudyo pa niyang tanong.

"Eh di i-excommunicate nila," ang sabi naman nitong nag-iwas ng tingin.  "Those running the church are mere humans, after all. In the end, they won't be the ONE judging us."

Napangiti naman si Brie. Mukhang nag-i-improve na ngayon si Lagring. "Congratulations for being enlightened," ang pabiro niyang wika.

"Enlightened mo 'yang mukha mo," irap naman nito.

"Lorraine, Brie, halina kayo rito!"

Naaagaw ang pansin nila sa tawag ni Manang Cedez. Nasa gilid na ito ng mesa.

Hindi na nag-alinlangan pa sina Brie. Sa likod nila ay nakasunod din ang limang bodyguards.

Nagsipuwesto na rin ang mga tao sa mesa. Bago simulan ang boodle fight ay nag-alay muna ng panalangin ang kapitan ng Isla Del Mundo. Pagkatapos ay masaya na nilang pinagsaluhan ang pagkain.

Napakunot si Lorraine sa nakitang unang dinampot ni Brie. "Anong klaseng gulay 'yan?" Kulay-berde iyon na parang kulot-kulot ang hitsura. Ginataan.

Lumunok muna si Brie bago sumagot. "Pakó ang tawag dito."

"A what?" ulit naman ni Lorraine na parang noon lang narinig iyon.

"Pakó. It's kind of an edible fern."

"Fern? Kinakain pala 'yon?" Manghang tanong pa ni Lorraine. Lumaki siya sa Maynila kaya wala siyang ideya sa mga ganoong bagay. Bibihira lang din siyang makakain ng may gata.

"Itong ganitong klase lang. Meron ding hindi."

"Eh ano 'yang kulay-itim na sahog?" Dumampot si Lorraine ng isa at sinipat iyon. "Kinakain ba 'to?"

"Susô naman ang tawag diyan. It's a kind of shellfish. Pero sa tubig-tabang sila nakukuha, kadalasan sa mga sapa. Ngayon ka lang din nakakita niyan?"

Tumango si Lorraine na mangha pa ring nakatingin sa itim na shell. "Pa'no namang kinakain 'to?"

"Sisipsipin mo lang para lumabas ang laman." Kumuha si Brie ng isa at nag-sample. "Parang ganito..." Ipinakita niya kay Lorraine kung paanong kainin iyon. "See? Try mo."

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon