15. Overprotective "kuya"

4.2K 236 8
                                    

HINDI maipinta ang mukha ni Mario nang bumaling kay Brie.

Taas-kilay namang napatitig dito si Brie. Hindi niya maintindihan kung bakit parang galit sa kanya ang kaibigan.

Nagulat pa siya nang bigla siya nitong haklitin sa leeg at sakalin sa pagitan ng isang braso nito.

"Ah— ano ba! Problema mo?!" palag niya.

"Gago ka, bro. Pinsan ko 'to eh!" parang over-protective na kuya'ng turan ni Mario.

"P-Pinsan?" tila hindi naman makapaniwalang tanong ni Brie, "pinagloloko mo ba 'ko?" Tinabig niyang palayo ang braso nito.

"Oo nga! Pinsan ko 'yan!" mariing wika ni Mario.

Napatingin si Brie kay Lagring, na tila naa-amuse namang nakamasid sa kanila. "Totoo ba ang sinasabi ng mokong na 'to?"

Tumingin muna si Lorraine kay Mario at ngumiti. "Actually... Oo."

Bagsak ang panga ni Brie. "Ha??? Hindi nga???" Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawa. "Joke ba 'to?"

Napahagikhik si Lorraine. Lumabas na rin ito ng tarangkahan. "Oo nga, baliw. Magpinsan kami sa mother's side."

Napamaang na lang si Brie at parang hindi matanggap ang sinasabi ng dalawa.

Napa-aray si Brie nang biglang tampalin ng malakas ni Mario sa braso. "Ano ba! Ba't ka ba nananakit? Mag-pinsan nga kayo."

Muli siyang inipit sa braso ni Mario. "Loko-loko ka, bro. Pinsan ko pala 'yong lagi mong kinukuwento sa 'kin?" anitong ikiniskis pa ang kamao sa ibabaw ng ulo ni Brie.

"Aray! Tigilan mo, ano ba!"

"Pumasok na nga kayong dalawa," tawag ni Lorraine na nauna na sa loob.

Inakay na ni Mario si Brie habang sakal-sakal pa rin.

Pilit namang nagpupumiglas si Brie. "'Oy, 'yong pagkain! Nasa kotse pa!"

Binitawan naman siya ng lalaki at kinuha na nila ang mga dala-dala. Marami iyon, dahil sinadya nilang damihan upang panuhol kay Lagring, para sana hindi ito magtaray. Subalit sino ba naman ang mag-aakalang mag-pinsan ang dalawa?

Napapaiilling na lang si Brie. Ibang-iba ito sa inaasahan niyang mangyari.

Nagtuloy na sila sa loob.

"This is so not happening. You two can't be cousins. Please tell me it's a joke. Please..." eksaheradang pagdadrama ni Brie. Hindi pa rin talaga siya makabawi sa matinding pagkabigla.

Nakaupo na sila sa salas.

Napailing na lang ang mag-pinsan sa kanya.

"Whether you believe it or not — " si Lorraine habang ngumunguya ng pizza. Lumunok muna ito. " — it's true."

Sa center table ng salas ay nakapatong ang mga pagkain. May malaking box ng pizza, fried chicken, fries, at mayroon pang ice-cream.

"Pero pa'nong nangyari?" tanong ni Brie na hindi pa rin talaga makapaniwala. Bumaling kay Mario. "Saka, bro... 'di ba lagi kong nakukuwento 'tong si Lorraine sa 'yo?"

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon