Chapter 13: Concern sya

318 84 58
                                    

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng pang- akademikong libro sa science nang may kumatok sa pintuan ng apartment ko.

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto ko.

9:30 Pm.

Sino naman kaya ang kakatok ng ganitong oras ng gabi?

Napabuntong-hininga ako nang maisip na baka si Asungot na naman 'yon.

Pinagbuksan ko ito ng pinto at agad na napaismid nang mapagtantong tama nga ang hinala ko.

"Bakit?" tanong ko dito.

"Ah...kasi, may maliit na maliit na problema lang ako. Pwedeng patulong? Nahiya kasi akong pumunta kay ginang Merlyn, baka tulog na 'yon."

At sa 'kin hindi?

Wala din naman akong nagawa sa huli. Sumama ako sa kanya sa apartment nya. Sinabi nya sa 'kin na hindi daw gumagana ang switch ng ilaw sa kusina ng apartment nya.

"Pasinsya na hindi ako nakapaglinis kaya medyo makalat ang apartment ko. Wala akong time eh. Kasi alam mo na...masyadong tutok sa pag-aaral,hehehe," sabi nya na kakamot-kamot pa sa batok.

Bakit parang hindi ako naniniwala sa rason nya?

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng apartment nya at wala sa sariling napapangiwi nang mapagtantong sobrang kalat nga ng paligid. Maraming nagkalat na cup noddles at damit sa sahig.

Hindi naman ganito ang apartment ko kahit tutok ako sa pag-aaral.

"Wahh! Miming Ero- I mean, Miming halika dito." Kinuha nya yung kuting na nakaupo sa sofa ng sala nya at iniharap sa 'kin.

Tss! Talagang hindi nya pinalitan ang pangalan ng kuting na 'yan.

Ilang sandali lang ay kaagad ko din na sinimulang kumpunihin ang sirang switch sa kusina. Kahit papa'no ay may alam naman ako sa pagkukumpuni ng mga ganito dahil minsan naman itong naituro sa paaralan no'ng Junior High School pa lang ako.

Nang matapos ay tuwang-tuwa naman si Asungot nang humans na rin ang ikaw sa kusina nya. Napansin kong kumakain sya ng noodles-in-can kaya nangunot ang noo ko.

"Iyan ba palagi ang kinakain mo? Masama 'yan sa kalusugan," sabi ko sa kanya.

"Walang choice kasi hindi ako masyadong marunong magluto, hehehe."

Napatingin ako sa bukas na cabinet na nasa ibabaw ng lababo nya at nakita kong ang laman niyon ay puro cup noodles lang din.

Ang healthy nyang babae.

Muli naman akong napatingin sa kanya lalo na sa nakaabot nyang kamay sa 'kin na may bitbit na bente pesos.

"Ano 'yan?" tanong ko sa kanya.

"Bayad. Pasinsya na, 'yan lang ang barya ko."

"Wag na."

"Okey," sabi nya at muling ibinulsa 'yong bente.

Napatingin naman ako sa kaliwang braso nya na medyo namamaga pa rin.

Napabuntong-hininga ako ng malalim. "Lapatan mo ng yelo 'yang braso mong napuruhan para 'di lumala ang pamamaga."

"Oo, alam ko na 'yan," sabi nya na ikinatango-tango ko lang.

"Gumising ka ng maaga bukas, mamimili tayo ng pundo mo dito sa apartment. At pagkatapos ay tuturuan kitang magluto."

"Mang-go-grocery tayo bukas? Tapos tuturuan mo rin akong magluto?" Inulit nya lang ang sinabi ko na ikinaismid ko.

"Okey, hehehe." Ang laking ng ngisi nya na parang excited na excited sa naisip na ideya.

"Sige, babalik na ako sa apartment ko. Goodnight," sabi ko na nakapamulsang lumabas ng apartment nya.

+++

Don't forget to leave vote and comments 😘😘

It Started With Her Epic Confession Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα