CHAPTER 5- CHILDHOOD FRIENDS

Start from the beginning
                                    

"Kukuha kami ng misyon," direktang saad ko. Pormal din iyon.

"Isahan lang ang misyon na mayroon tayo sa linggong ito."

"Ayos lang, boss, kaya ko namang mag-isa," masiglang saad ni Gab. Yabang din talaga ng isang ito.

"Bigyan mo kami pareho," saad ko. Tumitig pa muna siya sa akin.

"Isang misyon na lang ang natitira."

"Sa akin na lang 'yan tutal ako naman ang nauna, 'di ba, Del Pilar?"

Parang gusto kong dagukan itong kambal ko dahil sa kahadufan. Isa sa paraan niya para makuha ang isang bagay mula sa akin ay ang pagbanggit niya ng nickname ko na siya ang may gawa.

"Ikaw ang nauna pero sino nga ulit ang pumindot ng bell?"

"Eh? Marcie naman! Sa akin na lang muna ang misyon, I need money. May pinag-iiponan ako," maktol niya sa akin sa harap mismo ng nyawa naming boss.

"Fine, fine," sumusuko kong saad.

"Bigay mo na sa kaniya. Mauna na ako," paalam ko pa tsaka tumayo na at walang lingon na umalis ng office niya.

Allergy ako sa presensiya niya. Dire-diretso na ako sa flat ko. Binuksan ko ang TV pero 'di naman ako nanunuod talaga. Gusto ko lang ng maingay dahil nakakabingi ang katahimikan.

Nang mabagot pa rin ako ay nag-bake na lang ako ng cookies. Nang maluto na iyon at lumamig ay inilagay ko sa dalawang jar at binitbit papuntang sala ang isa, ang isa naman ay nasa kitchen lang.

Prente akong naupo sa sofa at kumain. Nakadalawang cookies palang ako nang tila ba pakiramdam ko ay may namimiss akong something.

Teka nga, bakit feeling ko may nawawala?

Nag-isip ako kung ano iyon. Inilibot ko pa ang paningin ko baka sakaling maalala ko kung ano iyon. Huling dinapuan ng tingin ko ang Glass Cabinet.

Libro, 'yon pala ang wala ng bumalik ako rito. Naiwan ko sa sofa na nasa office ni Ashmer.

Nasapo ko na lang ang noo ko. Knowing Gab, kahit makita niya iyon ay 'di niya bibitbitin iyon papunta dito sa flat ko.

Nagmamadali akong lumabas at tinahak ang daan papunta sa lugar na sigurado akong napag-iwanan ko non.

Honestly, I prefer books to men. Books have the power to evoke various emotions, depending on their content. They can make you feel happiness, sorrow, pain, doubt everything, and leave you pondering countless questions. In the end, you gain valuable lessons while your heart remains unscathed.

Men, on the other hand... You can indeed learn from them, but when they leave, you're never the same. They depart, leaving behind a broken heart, a melting soul, and unbearable pain.

So, I'd rather immerse myself in books than engage with a man who initially does great things to win your attention and impress you, only to eventually discard you like a hot potato. It shatters every part of you, making you feel like you're in hell.

Those jerks!

I was about to ring his doorbell when I realized I was still holding the jar of cookies. I facepalmed.

Thinking about men is so terrible!

I was just about to press his doorbell when the door swung open, and he was staring directly into my eyes.

I furrowed my brow slightly.

"Don't tell me may camera na ang labas ng pinto ng opisina mong ito?"

Napangiwi naman siya. So, meron na nga kaya naman alam niya na nasa labas na ako ng opisinang ito.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Where stories live. Discover now