Naghanap kami ng mauupuan. Maya maya pa ay magkatabi na kaming nakatanaw sa dagat. Sa ibabang bahagi ng inuupuan namin ay may mga tambak ng malalaking bato.
Habang nakaupo may nilabas sya sa loob ng backpack nya. Inabot nya sakin ang isang craft album na sya mismo ang gumawa.
Andun nakadikit ang lahat ng selfies namin.. Nakasulat din sa likod ng album ang mga lugar na gusto nyang puntahan namin together.
Checklist travel goal's with yam
MoA. ☑️
Starcity
Tagaytay
Enchanted kingdom
Baguio
Boracay
Palawan
Hongkong disneyland
"wow naman yam.. Ang ganda.. Ikaw talaga ang gumawa nito??" tanong ko sa kanya.
"oo naman hehe. Nagustuhan mo ba.."
"oo naman haha. Grabe ang effort mo ahh .. Patay na patay ka talaga sakin ii nu? Haha" biro ko.
"haha oo naman.. Deads na deads talaga ko sayu. Kaya dali penge kiss haha" sagot nya naman.
"haha teka.. Etong list na tu eto talaga ang mga pupuntahan natin..?" tanong ko habang nakatingin sa checklist..
"oo naman.. Lahat yan kukumpletuhin nating puntahan.. Madami ding available na page ang album iprint mo ng iprint ang mga picture natin twing may travel tayo. Hehe" sagot naman nya.
"hehe pati ba itong hongkong disneyland hehe."
"oo naman pag iipunan natin yan.." kumpyansangsagot nya.
Saglit pa kaming nagkwentuhan at naglakad lakad doon. Sumakit din ang tyan ko kakakain ng kung ano ano. Hehe pinapataba ako ng mokong.
Pagsapit ng dilim nagyakag syang sumakay sa ferris wheel. Matyaga kaming pumila nun kahit madaming tao.
Nang kami na ang nasa unahan ng pila agad nya na kong inalalayang umupo nun. Tumabi sya sa kinauupuan ko.
"ay yam.. Dyan ka sa kabila para balance." sabi ko naman sa kanya..
Turo ko sa tapat ng kinauupuan ko
"ay ano ba yan gusto ko tabi tayo.." ungot nito.
"haha. Ok lang yan para kitang kita mo kagandahan ko haha."
"nasaan?? Asan ba hehe" biro nito.
Inirapan ko lang sya. Hehe
pataas na kami ng pataas. Sumilip ako sa salamin para silipin ang baba. Napaka ganda ng tanawin mula sa taas kitang kita ang naggagandahang ilaw, ang laki ng mall ang dagat. Ang mga tao na kanya kanya ng lakad.
"wow yam.. Ang ganda. Napakalawak. Ang daming ilaw." manghang sabi ko. Sa kanya.
Pero pag lingon ko sa kanya.. Nakatitig lang sya sakin at nakangiti.
"mas maganda ka yam.." bulong nito sakin.
Napatitig lang din ako sa mapungay nyang mga mata... Parang nang aakit.. Huli na ng maramdaman kong unti unti ng lumapat ang mga labi nya sa labi ko..
Hawak ng isa nyang kamay ang kanang kamay ko. Habang ang isang kamay naman nya ay nasa batok ko.
Nakalapat lang nung una ang halik nya pero mayamaya pa ay unti unti nang gumalaw ang mga labi nya. Para bang nilalaro ang ibaba at itaas na parte ng mga labi ko.
Nakapikit na ko habang ineenjoy ang mga halik nya.. Ginaya ko din ang paggalaw ng labi nya.
Ang sarap.. Parang ayokong huminto. Kahit pa nga halos kapusin na ko ng hininga.
Ng tumigil sya.. Malawak syang nakangiti sakin at humalik sa noo ko.
"naaadik ako sa halik mo yam. Kaya kung pwede ikaw ang huminto habang hindi ako nawawala sa katinuan. Hehe." may laman na biro nito.
Tumango lang ako at hindi na kumibo. Naisip ko nalang na paano ako hihinto kung kahit ako nawawala sa sarili ko..
Dalawang oras pa ang lumipas. Nanood na kami ng fireworks. Habang hinihintay ang countdown. May emci din na nagsasalita sa gitna habang ang iba ay busy sa pag hahanda.
Kanya kanya ang labas ng camera. Ganun din si yam.
Hanggang sa...
"ten.. Nine.... Eight... Seven.. Six.. Five... Four.. Three. Two.. Ooonnneee '!!! Merry christmassss" "" sabay sabay na sigawan ng mga taong nanood.
Kasabay nun ang pag putok ng sunod sunod na fireworks. Ang ganda.. Napakailaw. Napakaliwanag.. Ibat ibang kulay..
Miko' s POV
Nung pasko dun kami nagpasko sa kanila.. Nakasama ko ulit si trisha nun kasama ang baby boy nya. Ang haba ng kwetuhan namin nakakatuwa kase kinuwento nya sakin ang kabataan ni miko hehe.
Nakilala ko din ang iba pa nyang tito at tita. Kakauwe lang din nun ng tito nya na may computer shop noon sa riverside.. Galing dubai. May mga dala pa nga din itong pasalubong para sakin.
Pagkasapit naman ng hapon nagbyahe kami ulit pa MOA niyakag nya ako nun kase gusto nyang manood ng makukulay at maiingay na fountain.
Sumakay kami nun sa ferris wheel habang pinapanood ang maiilaw at magagandang fountain.
Nung bagong taon naman.. Si yam naman ang nag celebrate sa bahay namin nun.. Saktong may family reunion din kami nun.. Kaya nakilala nya din ang angkan ko heehe..
Nagkaroon kami ng palaro nun.
Lahat ng games magkapartner kami hehe merong stop dance, pinoy henyo, bring me, paper dance, at iba pa..
Hays. Napakasaya talaga ng mga araw na dumaaan para sa min. Ilang months pa ang lumipas na puro sa kanya lang umikot ang mundo ko. Hindi kami nag sasawa.
YOU ARE READING
First Love 💜
Short StoryPaano kung ang taong sobra mong minahal ay ang parehong tao na magpaparamdam sayo kung gaano kasakit ang maiwan..
Part 7 : Occations💕
Start from the beginning
