Part 7 : Occations💕

27 2 2
                                        

Mhicay's POV

Ilang araw ang lumipas pagkatapos ng birthday ko hindi na ulit nagparamdam pa si cleo.. Nabalitaan ko nalang kila bhesi at little na umalis na pala ito papuntang canada para dun magtrabaho..

Kung tutuusin maswerte na ang mamahalin ni cleo.. Nasa kanya na ang halos lahat ng katangian na hinahanap ko at ng ibang babae para sa isang lalaki.

Talented sya. Magaling maggitara at kumanta marunong din syang sumayaw joker at kalog kasama. May magandang trabaho..
Yun yung standard ko noon sa gusto kong maging bf..

Pero ang love pala hindi kailangan ng standard kase kahit wala sa isang tao ang hinahanap mo pag tinanamaan.. Tinamaan ka.

Parang si yam lang.. Magkaiba sila ni cleo.. Wala naman sa kanya ang hinahanap ko nung una pero lahat ng katangian nya ngayon minahal ko.

Ramdam ko na ganun din sya sakin. Kahit madami akong imperfection sa katawan at buhay alam kong tanggap nya lahat yun..

Lumipas pa ang mga araw..palagi parin kaming magkasama lagi nya akong sinusundo kahit pa nga malayo kami sa kanila.

Madalas din akong pumunta sa kanila minsan pa nga kahit wala sya nakakapunta padin ako para lang dalawin sila lola tita ivy at mga pamangkin nya.

Lalo na noong nag kasakit at naospital si lola nya. Palagi akong nasa kanila nun para dalawin at bantayan si lola.

"la.. Inumin nyo na po muna itong gamot nyo.." sabi ko kay lola sabay abot ng isang tabletang gamot at isang basong tubig.

Nasa teresita nila kami nakaupo.. Habang si tita ivy naman ay nasa labas nag aanlaw ng damit na nilabhan nya.

"salamat ineng.. Napakabait mo talaga. Buti at pinapayagan ka ng mga magulang mo na pumunta dito lagi." nakangiting sabi ni lola. Sabay inom ng gamot.

"hehe ok lang naman po sa kanila la.. Kilala naman po nila si miko.. Saka kinakamusta nga po kayo ni mama. Nabanggit ko po kase na naospital kayo nung minsang dinalaw ko kayo." sagot ko naman.

"ahh ganun ba hehe. Sana naman e makilala ko minsan ang magulang mo iha. Sigurado akong mababait din sila.. Kase napakabait mong bata.. Minsan nga e sumama ka sakin mag simba hehe. " sabi pa nya.

"hehe lola wag nyo naman po ako masyadong purihin.. Pakiramdam ko po tuloy yung kaluluwa ko nasa langit na haha" masayang biro ko sa kanya.

"haha. Pasaway ka talagang bata ka. " natatawang sagot nya.
Mayamaya pa ay tinawag nya sa loob ng bahay si miko.

"miko... Miko.. Pumarine ka nga..".

"bakit po la.?" kunot noong sumilip si yam.. Naggagawa ito ng thesis kaya halos ayaw magpa istorbo.

"ipakilala mo si mhicay dun sa mga tyuhin at tyahin mo .. Sigurado akong magugustuhan sya ng mga yun.. Lakad.." utos ni lola dito.

"nako lola ano ka ba. Unang punta nya palang po dito kilala nya na lahat ng angkan natin hehe" biro ni yam.

"ay sya.. tunay ba iha. ?"

"opo lola hehe lahat po sila mabait." sagot ko naman.

"abay mainam hehe." natatawang sabi nya.

"opo kaya pag kinasal kami wala na pong tutol hehe" biro ni yam. Pinadalatan ko naman sya ng mata.

"mag aasawa ka na agad pag lalaba at paglilinis nga ng bahay di ka maasahan." tatawa tawang sabat ni tita ivy. Habang nag sasampay.

First Love 💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon