"aba tita.. Anong ginagawa ng yam ko.. Yakang yaka nya yan." baling sakin ni yam.
"woi anong balak mo.. Gagawin mo kong katulong?? Akala ko ba prinsesa mo ako haha. Ang prinsesa pinagsisilbihan hindi pinagtatrabaho.." kunyareng reklamo ko.
"haha. Nasa reality tayo yam.. Pag sinabi sayo ng lalaki na gagawin ka nyang prinsesa. Niloloko ka lang nun haha."
"aha.. Niloloko mo lang pla ako..hindi na ko magpapakasal sayo " nakasimangot na sabi ko.
"saka nyo na pag usapan ang pag aasawa na yan. Ang babata nyo pa. Ikaw miko mag aral kang mabuti para makapag abroad kana. Saka mo kunin yang si mhicay. Pag marami na kayong ipon saka nyo na pag usapan yan.," sabat naman ni lola.
"hehe joke lang la.. Madami pa kami pangarap ni yam. Mag aabroad pa nga kami." sagot ni miko.
"oo pero patabain mo muna yang si mhicay. Masydong payat. Malakas ang hangin sa ibang bansa baka akala nyo, Baka liparin lang sya dun. Isama mo minsan sa vulcanizing shop para mabombahan.. Haha" biro ni lola sabay halakhak.
"aba si lola marunong ng mambully haha." natatawang sagot ko naman.
Simula noon unti unti ng naging malapit sa akin si lola.. Minsan nga parang halos ayaw nya na kong pauwiin hehe.
Kasama si yam sa lahat ng lakad ko. Ganoon din naman sya sakin. Bawat lakad namin hindi nawawalan ng selfies.
Babad din kami sa tawagan ni yam hanggang magdamag.. Humahaba ang coversation namin dahil sa palitan ng mga corning pickup lines.
Minsan kahit walang mga kakwenta kwentang bagay napag uusapan namin para lang humaba ang pag uusap namin. Magtatalo pa nga kami kung sino ang unang magbababa ng tawag.
In short sa kanya na umikot ang mundo ko.
Dumaan ang mga importanteng okasyon tulad ng montsari namin
Pasko at bagong taon.. Pati nadin ang valentines. Lahat yun palagi syang may surprise at mga gifts. Sakin..
Naalala ko noong pasko dinala nya ko sa moa noon.. Gusto nya daw kaseng manood ng fireworks dun.. may countdown para sa christmas celebration.. First time kong makapunta nun dun.. Kaya tuwang tuwa ako..
Naglibot kami sa loob ng malaking mall. Halos maligaw pa nga ako noon sa loob ang dami kaseng pinto. Hehe
Sa foodcourt ng mall kami kumain nun. Favorite nya ang beef rice shawarma kaya yun ang inorder nya.. Mahilig din sya sa mga chinese food.. Mga pagkain na hindi ko kinakain noon pero ginusto ko na din dahil sa kanya. .
After namin kumain ay naglibot libot.. Kami sa dept store.
Panay ang sukat nya ng mga damit.
"yam.. Ang mahal naman dito. Sa baclaran o kaya sa divisoria ka nalang bumili.. Mas marami ka pang mabibili." sabi ko.
"bihira kase ako sa tyangge yam ii. Ang panget kse ng quality dun.. Dito Kahit mahal sulit naman.. Kahit paulit ulit gamitin di naluluma agad.."
Ipinili nya din ako ng isang damit at isang pants. Syempre kunwareng tumanggi ako nung una hehe. Pero mapilit sya.
After namin mag bayad. Naglakad na kami palabas...
Lumabas kami sa likod ng mall doon sa may tabing dagat.
Perpekto itong tambayan ng mga couple at pamilya. Maraming mga stool ng pagkain ang nandun tulad ng icecream shomai hotdog popcorn at iba pa.
May ilang rides din tulad ng ferris wheel at zipline.
YOU ARE READING
First Love 💜
Short StoryPaano kung ang taong sobra mong minahal ay ang parehong tao na magpaparamdam sayo kung gaano kasakit ang maiwan..
Part 7 : Occations💕
Start from the beginning
