Isang malakas na sipa ang kaniyang pinawalan, sapat upang makawala siya nang tuluyan sa kamay ng biter. Agad niyang iniakyat ang malayang paa sa baitang na hindi abot ng zombie. Ngunit mas nahirapan siya. Hawak pa rin kase ng isa pang biter ang kabilang paa niya. At ngayon ay may pangatlong biter na nailusot na rin ang sariling kamay sa awang ng harang at nahagip din ang kaniyang paa.

                “Dammit! Kenji! Kenji, bilisan mo,” natatarantang utos niya sa kasama.

                Saglit nilingon ni Kenji ang kasunod. Mukhang nahagip ito ng ilang zombie pero hindi siya sigurado. Nahihirapan siyang makakita dahil sa ulan. Pero alam niya, maraming biters sa ibaba. Anim marahil. Hindi kakayanin ni Ren kung mahuhulog ito.

                Inabot ni Kenji ang susunod na baitang. Gusto niyang magmadali. Ang makarating agad sa itaas. Ngunit pinapahirapan siya ng malakas na ulan. Halos hindi siya makatingala dahil binubulag siya ng malalaking patak ng tubig. Hindi niya halos makita ang inaakyat. Ni hindi siya sigurado kung gaano pa kataas ang dapat niyang akyatin. Pero ano’ng choice ba ang meron siya? Nanganganib ang buhay ng kaniyang kaibigan at ang tanging magagawa niya para matulungan ito ay ang mabigyan ito ng espasyo para makaakyat din.

                Muling sumubok umakyat si Kenji. Kumakabog ang dibdib niya sa bawat pag-angat ng paa. Parang bulag kasi niya iyong ginagawa dahil hindi niya nakikita ang babagsakan ng paa. Kinakapa lamang niya ang bawat baitang na tutuntungan, pati na ang hahawakan para maiangat ang sarili pataas. Bawat subok niya, bawat angat ng mukha para makita ang kaniyang pupuntahan ay parang parusa sa kaniyang katawan. Daig pa niya ang tinitira ng isang high pressure hose sa mukha sa tuwing mag-aangat siya ng paningin.

                “Kenji! Kenji, akyat!” narinig niyang sigaw ni Ren mula sa ibaba. Halos lamunin ng malakas na ulan at hangin ang boses ng kaibigan pero malinaw na nakarating ang mensahe nito sa kaniyang tenga. The urgency in his voice was apparent. Kenji knew, he had to move quickly.

                Parang nabigyan ng panibagong lakas si Kenji dahil sa boses ni Ren. Inabot niya ang kalahating dangkal na bakal na halos balutin na ng kalawang. Iyong pinakamataas na maaabot niya ang kaniyang pinuntirya. Halos kalahati lang ng mga daliri niya ang nakakapit doon at unti-unting dumudulas ang mga iyon. Ngunit hindi pumayag si Kenji na pakawalan ang bakal na tuntungan. Mas hinigpitan niya ang kapit doon. Wala siyang sakit na nararamdaman dahil sa pamamanhid ng mga kamay dulot ng lamig. Ngunit alam niya, hinihiwa ng bakal ang kaniyang balat at marahil hanggang sa kaniyang laman.

                Ginamit ni Kenji ang lakas ng kabilang braso para iangat ang sarili. Halos kaunting distansya lang ang itinaas ng katawan niya ngunit hindi niya iyon inaksaya. As soon as his body was lifted up by his sheer determination and remaining strength, Kenji wrapped his hand around the metal bar and tightened his grip. Tapos ay isinunod niya ang kaliwang paa sa pag-akyat. Pero sala ang tantiya niya. Wala iyong hagdang natapakan. Bigla ang pagbigat ng katawan niya dahil doon. Bahagyang dumulas ang kamay niyang nakakapit sa mas mataas na baitang. Pero hindi sumuko si Kenji. Sumubok siyang muli. Itinaas niya ang kaliwang paa at naghanap ng matutuntungan. This time it landed on a familiar feel of the stair. Itinulak agad ni Kenji ang katawan pataas. Pero sa kaniyang pagkabigla, dumulas ang paang akala niya ay secure na nakalapat sa tinutuntungan niyon. At sa kasamaang-palad, dumulas din ang kabilang paa niya dahil sa biglang pagbagsak ng bigat ng kaniyang katawan. Nagpilit si Kenji na ibalik ang control sa sitwasyon at maghanap ng tuntungan para maibsan ang paghila ng kaniyang bigat sa buo niyang katawan pababa. Ngunit halos limang segundo lang ang tumagal nang kumalas din ang kaniyang mga kamay sa kinakapitan. At dahil nasa bahagi na siya ng hagdan na walang harang, tuluy-tuloy na bumagsak ang katawan ni Kenji sa labas ng mataas na hagdan.

Among the Dead #Wattys2016Where stories live. Discover now