"Akala ko ba he invited me for a dinner? Bakit paakyat tayo?" nagtatakang tanong niya kay Josh.
The man smiled. "Mr. Monticillo is occupying the top floor. He asked me to take you there."
Natilihan siya. "Wait, sa room niya kami magdi-dinner?" nagdududang tinitigan niya ang lalaki. "Ano'ng plano ng amo mo, hah?"
Umatras si Josh. "I am just following orders Miss." Depensa nito. "At saka hindi naman ganoong uri ng tao ang boss ko."
Nagdududa pa rin ang tinging niya rito ng huminto ang elevator at bumukas ang pinto.
"You look like you're going to wring Josh's neck. Any problem?"
HE WAS LEANING on the wall facing the elevator while his arms crossed, like he owns the world. He pushed against the wall and stepped towards them.
"Bakit dito?" salubong niya sa lalaki.
Nilingon muna ni Rayven si Josh at tinanguan ito. Agad namang nagpaalam ang lalaki bago ito sumakay ulit sa elevator para bumaba na.
"Teka, wait!" sinubukan niyang sumunod ka
"Scared?" Rayven teased when she tried to stop his assistant.
Inirapan niya ito. Bagay na tinawanan lang ni Rayven bago siya sa dulong bahagi ng makitid na hallway kung saan may nag-iisang pinto. He opened the door and urged her to come in.
She gasped when she stepped-in. The room was spacious and luxurious. Mamahalin ang mga mga muwebles; simple yet elegant. 'So, he's occupying the whole floor,' aniya sa sarili habang inililibot ang tingin sa paligid. His appliances are of the latest models at alam niyang hindi lang basta-basta ang halaga ng mga decorations. She grew up in her father's mansion where luxury was his vice. Isang tingin lang at alam niyang kilatisin kung mamahalin o hindi ang mga bagay-bagay.
"Welcome. This is where I'm staying tuwing naririto ako sa resort" ani Rayven. "And if you are wondering kung bakit dito kita dinala, well, I don't want na may makarinig sa proposition ko."
Hinawakan nito ang siko niya at hinayaan niyang igiya siya nito patungo sa naka bukas na glass door. "I hope you will enjoy your dinner," sabi pa ng binata.
"Hindi ako nagpunta rito para makipag-dinner date sa iyo,"
"Who mentioned about a date? Dinner lang ang ini-offer ko," he teased.
Sasagot pa sana siya ngunit napipilan siya ng makitang nasa balkonahe sila. Mula roon ay natatanaw ang bilog at maliwanag na buwan at ang mga kumukutitap na sulo ng mga mangisngisdang nasa dagat. Mabini ang dapyo ng hanging galing dagat at naririnig ang mga hampas ng alon sa buhanginan.
Sa isang bahagi ng balkonahe ay may isang mababang mesa kung saan may nakapatong na mga pagkain. Walang silyang naroon, sa halip ay isang mamahaling mat ang nasa sahig. Japanese style?
"Pasensiya ka na, I don't have time para mag palagay ng mesa rito. I hope you don't mind na maupo sa sahig." His smile was sheepish this time.
"Not at all," nangingislap ang matang sabi niya at sumalampak sa sahig. Sumunod naman at naupo sa katapat niyang mat is Rayven.
Tahimik sila habang kumakain. Manaka-naka'y nagtatanong sa kanya ang binata na tipid naman niyang sinasagot. Noong una'y medyo naiilang siya sa harap ni Rayven, lalo pa't minsan ay matiim siya nitong tinitigan. Ngunit habang lumilipas ang mga sandali ay unti-unti na siyang nakukomportable rito.
YOU ARE READING
It Started With A Lie
RomanceAlessandra lived in a lie all her life. Kaya naman sunod-sunuran siya sa lahat ng gustuhin ng ama. But nights before her wedding, she found out the truth and it cemented her decision to ran away. Sa Paradizo Resort siya napadpad. The island resort i...
--Chapter Five--
Start from the beginning
