Chapter 1

6 0 0
                                    

Chapter 1

--

Kaye's POV

"Fuck! Alis! Alis!" dinig kong sigaw ng kumag kong kuya.

Kanina pa ako gising pero di ko siya sinasagot. Pano ba naman nilock-an ako ng gate kagabi! Kaya ayan alam kong papasok yan ng kwarto para gisingin ako pero andyan yung shih tzu ko na si Donut.

"ANO BA YAN ANG AGA AGA!" sigaw ko na kunwari'y kakagising lang.

"Kanina pa ako katok ng katok! Anong balak mo sa buhay mong babae ka?! Ala-siyete ang pasok mo! Tignan mo anung oras na! " sigaw niya sabay hagis ng tsinelas. Ipakain ko kaya 'to sa kanya?! "Ihahagis ko sa labas 'tong asong 'to!" dagdag niya pa habang sinisipa si Donut na parang nagpapakuha naman sa kanya.

Binuksan ko ang cellphone ko at "6:30 na?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?!" sigaw ko na kunwareng nagulat. Araw araw naman akong ganito minsan nga ay 6:45 na ako kung magising.

"Ewan ko sayo!" sigaw niya tska padabog na lumabas.

Tumayo ako at kinuha si Donut. "You're such a goodboy." sabi ko habang hinihimas ang ulo niya. Kampi ko talaga 'to eh.

Pero pagkatapos non ay dalu dali na akong tumakbo sa cr para maligo. Lagot nanaman ako kay mareng chuchay.

---

"Ma! Alis na po ako! Pakainin niyo si Donut! Baka di ako uuwi agad!"

"Yung baon--" di ko na pinansin si mama at tatakbo takbo na akong umalis papunta sa school.

Medyo malapit lang naman ang bahay namin sa school kaya nilalakad ko lang ito. Kaya lalo akong male-late. Makakatakan nanaman ako neto ni mareng chuchay.

Wala naman maghahatid sakin dahil wala kaming sasakyan. Dahil hindi naman kami ganun kayaman. At ayaw ko naman din namang magpahatid dahil ito nalang ang natitirang exercise ko sa katawan.

Paliko na ako sa gate ng school na maliit dahil nakasara na yung malaki dahil gurl 7:15 na. Nang may demuhong lalaki na nakaharang sa gate at hindi ko yon nakita kaagad dahil paliko nga ito.

"Bakit kasi humaharang?!" mataray kong saad ko ng hindi man lang siya tinatapunan ng tingin tska na tumakbo papunta sa room ko.

--

"Okay class we-- oh Ms. Alperez late ka nanaman. Wala na bang magbabago-- chuchuchu" talak ni mareng chuchay nang hihingal hingal akong nakahawak sa pinto. Sawang sawa na ako sa sermon niya kaya balakajan kumatak.

"Sorry po ma'am na-late lang po ng gising" sabi ko pagkatapos ng sermon niya tska niya na ako pinaupo sa upuan sa bandang dulo.

"Okay as I said earlier, meron kayong bagong classmate. Galing siya sa NLU. Maya-maya lang ay andyan na siya. Hin--" naputol yung sasabihin ni ma'am ng may kung sinong kumatok sa pinto.

Transferee? Second Quarter na ah?

"Oh eto na pala siya. Come in. And introduce yourself to everyone." saad ni ma'am tska pinapasok yung transferee kuno.

Pumasok naman ang isang lalaking nakahawak ang isang kamay sa bag at ang isa naman ay nakapamulsa. Matangkad, maputi, makapal ang kilay, malakas ang appeal at gwa- ayy joke uhmm okay na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Should I Date The Bad Boy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon