Chapter 19 : The end of their story

Start from the beginning
                                    

"Ponzi..."

"H-hes not here! Shit! Nasaan si Ford?!" Sa muli niyang pagwawala ay pumasok naman si Kirk sa loob ng kotse na para bang may hinahanap. Ilang sandali pa ay lumabas siya na may hawak ng isang papel.

"Music room." Mahinang sambit ni Kirk habang hawak ang isang papel na may nakasulat na mga katagang Music room at parang ang gamit sa pagsulat nito ay dugo.

"Bilis!" Sigaw ni Ponzi kaya agad kaming nagtatakbo. Pinagtitinginan na kami ng lahat pero wala kaming pakialam. Takbo lang kami ng takbo.

"Tammy!" Narinig ko ang boses ni Calix kaya nahinto ako sa kinatatayuan ko.

Lumingon ako at agad na bumalot sakin ang mahigpit na yakap ni Calix.

"Tammy alalang-alala ako sayo! Saan ka galing?! Akala namin kung napano ka na!" Nanginginig niyang sambit at agad akong hinalikan. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tuluyan akong naiyak. Ngayon ko lang naramdamang mahalaga pala ako sa isang tao. Magiging ganito rin kaya ang reaction nila Mama at Papa?

Hinawakan ni Calix ang magkabila kong mga kamay at tiningnan ako sa mga mata, napakalapad ng ngiti sa mukha niya. "Saan ka ba kasi galing? Halos mabaliw kami kakahanap sayo!" Aniya kaya dali-dali kong pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko.

"Kasama ko sina Kirk at---" Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko nang biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Calix at agad niyang binitawan ang kamay ko.

"Ba't mo kasama ang lalakeng yon?" Walang emosyon niyang sambit.

"Calix kasi mahabang kwento, sa ngayon--"

"Bakit mo siya kasama?!" Bigla niyang sigaw kaya bahagya akong napapikit sa takot. Ngayon ko lang siya nakitang ganito katindi ang galit. 

"Calix hindi! Mali ang iniisip mo--"

Magpapaliwanag sana ako nang bigla niyang ilibas ang ilang mga litrato mula sa likod ng bulsa niya. Marahas niya itong itinapon sa sahig at sa isnag iglap, nagkalat sa harapan ko ang mga litrato namin ni Kirk na magkasama. Mayroong litrato kung saan nasa swing kami at nag-uusap, meron ding kuha noong nasa library kami. 

"Calix calm down, Calix listen to me, mahal kita. Like you said, you said you have to trust me!" Giit ko.

"Trust you?! Tammy akala mo ba hindi ko napapansin? Nagbabago ka na! Parang hindi na ikaw ang babaeng minahal ko! Sabihin mo nga sakin, parte parin ba ako ng mundo mo? Yang puso mo, ako parin ba ang laman niyan?!" Aniya sabay duro sa dibdib ko.

Iyak ako ng iyak. Ang ayoko sa lahat, confrontations lalo na kung kaming dalawa ang sangkot. 

"Tammy ano ba talaga ang halaga ko sayo?! Mahal mo ba talaga ako?!" Muli niyang bulyaw kaya nasapo ko na lamang ang ulo ko.

Pagod na pagod na ako. Napakarami kong inaalala at pino-problema. Unti-unting napapahamak ang mga taong nakapaligid sakin tapos heto si Calix at kinikwestyon ang pagmamahal ko sa kanya. Nakakainis kapag nagsasabi ka ng totoo at ayaw kang paniwalaan ng taong mahal mo.

"Calix Tama na!" Napatili ako. "Tama na pwede ba?! Pagod na pagod na ako!" Napatakip na lamang ako sa bibig ko at umiyak ng umiyak.

"Pagod ka na?" Narinig ko siyang suminghal. "Kung pagod ka na mas lalo na ako." Aniya habang nakangisi at dahan-dahang humakbang palayo mula sakin. Nakangisi siya pero may nakikita akong luhang namumuo sa mga mata niya.

"Calix no. Thats not what I meant!" Giit ko.

"No Tammy. Thats exactly what you want." Giit niya. 

"Calix stop it! Listen to me!" Lalo akong napasigaw.

"Malaya ka na. Pwede ka ng magpakasaya kasama kay Kirk." Aniya at agad na naglakad palayo.

Alam ng diyos kung gaano ko siya kagustong habulin. Ayokong mawala siya sa buhay ko pero sa puntong 'to, hindi ako pwedeng maging makasarili. Kailangan ako ng iba. Kailangan akong tumulong lalo na't maaring ako parin ang may kasalanan nito.

Kung may simula, siyempre may katapusan. At siguro ito na nga ang katapusan ng lahat samin ni Calix.

END OF CHAPTER 19.

THANKS FOR READING.

VOTE AND COMMENT <3

The girl who cried murderWhere stories live. Discover now