Chapter 19 : The end of their story

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong matawa.

Unti-unting binaba ni Calix ang bottled water at ngumiti na lamang sakin na para bang inosenteng nilalang at dali-daling umiwas ng tingin.

Hindi ko inakalang ito na pala ang magiging simula ng lahat samin.

"Tammy! Tammy gising!" 

Nararamdaman kong may tumatapik sa pisngi ko kaya unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Makailang-ulit akong umubo dahil parang naninikip ang dibdib ko. Naupo ako sa tulong narin nila Kirk at Ponzi.

Hindi ko maintindihan kung bakit kami nandito pero nakakagaan sa pakiramdam ang tanawin ng unti-unting pag-lubog ng araw. Nang dahil dito ay tumitingkad ang malawak na lawang pinapalibutan ng naglalakihang puno. Kung hindi ako nagkakamali, nandito kami sa tanyag na lawa ng Crimson Lake.

"Alam niyo bang hindi Crimson Lake ang orihinal na pangalan ng lungsod nato?" Mahinang sambit ni Kirk habang walang emosyong nakatitig sa lawa.

"Tinawag lang itong Crimson Lake dahil isang araw, ang tanyag at magandang lawa ay nagkulay pula matapos itong maging tapunan ng bangkay ng mamamatay taong kinalauna'y binsansagan nilang Crimson Ripper." Dagdag pa ni Kirk kaya parang nabasag ang magandang paningin ko sa lugar.

Nanatili na lamang akong nakasandal sa malaking puno. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Heto kami at buhay na buhay. May galos, oo pero wala kaming matinding sugat o pahirap na tinamo. Sa kalooban, oo meron.

Narinig kong umiiyak si Ponzi na nasa tabi ko. 

Nakaupo lamang siya sa malaking bato habang nakatingin sa kawalan.

"Ponzi...." Awang-awa ako sa kanya. 

"Anong mangyayari kay Ford?" Nanlulumo niyang sambit.

Hindi ko alam anong isasagot kaya iniyuko ko na lamang ang ulo ko.

"Its been two days." Kapwa kami napatingin kay Kirk.

"Anong ibig mong sabihin?" Napatingin ako sa relo ko at nakita kong alas-singko na ng hapon.

"We've been gone for two days. Kailangan na nating bumalik dahil siguradong alalaang-alala na si Dustin sa inyo." Inalalayan ako ni Kirk tumayo at pinagpagan niya ang duming kumapit sa tuhod ko.

"Teka two days? Sabi dun sa poster pagkatapos ng 2 days matatagpuan si Ford!" Bulalas ni Ponzi kaya kahit hindi namin maintindihan ang nangyayari, dali-dali kaming gumawa ng paraan para makabalik sa school.

****

Madilim na sa skwelahan nang makarating kami pero di gaya noong nakaraang araw, mayroon pang natitirang mga estudyante at teacher dahil sa evening classes.

Dali-dali kaming nagtungo sa parking lot kung saan namin huling nakita ang asul na kotse. Magkahalong kaba at saya ang nangibabaw sakin nang makita kong nasa parking lot pa ito.

"Ford!" Sumigaw si Ponzi at dali-daling pinulot ang malaking batong nakaharang sa tapat ng gulong. Tinapon niya ito sa salamin ng sasakyan na agad namang nabasag. Dali-dali niya itong pinasok ngunit ilang sandali pa ay muli kong nakita ang panlulumo sa mukha niya.

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon