Chapter VIII: Simbahan

Start from the beginning
                                    

Bagamat ay ililista pa rin ang attendance ng mga estudyante (kakailanganin sila sa pag aayos para sa prom night at mga pag eensayo sa mga sayaw) ay planado na ni Steve ang kanyang mga gagawin sa mga susunod na araw. Sa pagpatak ng alas dose ng madaling araw ay tutungo ang binata sa La Oscuridad. Pag nakakuha siya ng sagot mula sa kakahuyan ay ibubuhos niya ang nalalabing oras upang pigilan ang kaaway na hindi niya batid kung sino, at kung saan at kalian ito aatake.

Alam niyang delikadong pumunta sa kakahuyan sa mga ganoong oras, pero wala siyang ibang mapagpipilian. Kapag umalis siya kung kalian ay gising pa o nasa bahay ang kanyang lola ay wala siyang magagawa kundi aminin ang totoo o mag-sinungaling, parehong bagay na ayaw niyang gawin. Hindi niya rin naman pwedeng ipagpabukas ang pagpunta sa kakahuyan dahil pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng oras.

***

Alas diyes ng gabi.

Nakahiga na si Ella at handa nang matulog ng mag isa sa kanyang kwarto. Bagamat ay may alinlangan, pinipilit pa rin ni Ella na maging matapang. Nag-alok ang yaya ni Ella na siya ay samahan ngunit kanya itong tinanggihan.

Nagdasal muna si Ella bago niya pinatay ang bedside lamp. Kahit na siya ay medyo natatakot, ipinikit ni Ella ang kanyang mga mata at nagsimula na siyang matulog.

***

Alas onse ng gabi.

Nagising si Olivia ng malalakas na pagkatok mula sa pintuan ng “red house”. Kahit na inaantok pa ay tumayo si Olivia sa kanyang higaan. Madilim na sa buong bahay at hindi na siya nag abala pa na magbukas ng mga ilaw pagkat kabisado niya na rin naman ang mga pasikot sikot sa bahay.

Habang naglalakad sa may dining area ng bahay ay parang may naramdaman siyang “presence” ng ibang tao, pero dahil may kumakatok ay hindi niya na lang ito pinansin.

“Olivia!” pagtawag ng isang lalake mula sa labas.

Binuksan ni Olivia ang pintuan.

“Dr. Mark?” sabi ni Olivia nang makita niya ang doktor.

“Olivia,” sabi ni Dr. Mark, bakas sa mukha nito ang pagka-sabik na makita si Olivia.

“Anong meron at naparito ka? Ang lalim ng gabi ah?” sabi ni Olivia. Bagamat ay nagtataka, sa kalooblooban niya ay natutuwa siyang makita muli ang doktor. “Ayos ka lang ba, Dr. Mark?”

“Mark na lang ang itawag mo sa akin, Olivia.” Sabi ng doktor, hindi niya mapigilang ngumiti dahil nasa harap niya muli si Olivia. “Yayayain sana kitang pumunta sa karatig bayan, sa Santa Theresa.”

Binuksan ni Olivia ang ilaw at inimbitahan si Dr. Mark sa loob.

“Upo ka. Dr. Mark…Este, Mark, gusto mo ba ng kape? Soft drinks?” sabi ni Olivia. Hindi niya alam kung bakit pero tuwing kasama niya si Dr. Mark, parang sumasabog ang kanyang puso sa tuwa.

“Ah, okay lang ako.” Sabi ni Dr. Mark. Umupo silang dalawa sa sofa at nag usap.

“Ano nga palang meron sa Santa Theresa at nagyayaya kang pumunta roon ng ganitong oras?” tanong ni Olivia.

“Naistorbo ba kita? Pasensya na—”

“Hindi ayos lang. So, ano nga bang meron doon?”

“Bisperas ngayon ng pista sa Santa Theresa, at tuwing bisperas ng gabi ay nagkakaroon doon ng sayawan, kainan, at iba pang mga pagdiriwang. Isa sa mga pinaka-dinarayo sa Santa Theresa ay ang magarbo nilang mga fireworks tuwing hatinggabi bago ang pista. At naisip ko lang naman dahil off duty naman ako ngayon, at narito ka sa lugar na malayo sa kung saan ka nakatira para mag-relax, na baka gusto mong sumama. May sasakyan naman ako, so pwede tayong pumunta o umalis sa Santa Theresa kung kalian natin gusto…”

Hindi agad nakasagot si Olivia. Itinatago lamang ni Olivia ang nararamdaman, pero sabik itong makasama si Dr. Mark.

“Pero kung ayaw mo, ayos lang rin naman.” Sabi ni Dr. Mark nang hindi agad nakasagot si Olivia.

“Ay, hindi. Gusto ko rin. Sasama ako, Mark.”

Napangiti si Dr. Mark sa narinig.

***

Alas dose ng madaling araw, Miyerkules.

Tulog na si Lola Perla at tahimik na sa buong bahay. Kakagising lang ni Steve. Handa na ang kanyang mga gamit at planado na niya ang kanyang mga gagawin.

Tahimik na lumabas si Steve sa kwarto at sa bahay. Tutungo na siya sa kakahuyan ng La Oscuridad.

***

“Ella…Ella…Ella…”

Nagising si Ella dahil sa kanyang narinig. Pero imbes na matakot ay tila ba napakalma pa siya ng misteryosong tinig.

Bumangon si Ella sa kanyang higaan at sinundan ang tinig na tumatawag sa kanyang pangalan.

Naglakad siya at sinundan ang tumatawag sa kanya. Hindi niya alam kung sino ito o kung bakit, pero ang bulong sa kanya ng kanyang isip ay dapat niyang sundan ang misteryosong tinig.

Wala si Ella sa kanyang sarili, at kung saan man siya dalhin ng misteryosong tinig, tadhana na ang huhusga kung ano ang maghihintay sa kanya roon.

Santa Monica: A Filipino Ghost StoryWhere stories live. Discover now