Chapter 38

4.2K 206 12
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ






RYLAN POV

"Ha? Dugo?" nagtataka pa niyang saad na para bang walang nararamdaman.

"Ayan!!! Nasa ilong mo!" sabi ko habang nagmadaling humanap ng damit na pwedeng ipamunas sa kanyang ilong.

Dahil sa aking pagkataranta ay nakadampot ako ng damit na puti na nakapatong sa kama.

Habang pinupunasan ko siya ay nakatitig lang naman siya sa akin. pagkatapos ko siyang punasan ay pinatingala ko siya para di na tumulo pa ang dugo sa ilong niya.

"Salamat Ry ko," sabi pa niya habang pilit na sumisilip sakin kahit nakatingala na.

"Walang problema Dylan, teka may tissue ka ba dito o kaya ay bulak?"

"Oo Ry ko nasa cabinet sa loob ng banyo."

Nagtungo naman ako sa lugar na sinabi niya at kinuha ang first aid kit doon, pagbalik ko ay inabutan ko siya ng tissue para ilagay sa kanyang ilong upang di na tumulo pa ang dugo sa kanyang damit.

Naipunas ko na lang ang ibang tissue sa aking noo na pawisan dahil sa pagkataranta.

"Ry ko, bagay na bagay sayo ang uniform mo," kumento pa niya kahit may nakatapal ng tissue sa ilong nito.

"A-Ah salamat Dylan, okay ka na ba? hindi na natulo ang dugo?"

"Okay na ako Ry ko, salamat talaga sa pag aalaga mo sa akin," nakangiting sabi pa niya.

Napahiya naman ako dahil sa mga ngiti niya kaya biglang uminit ang aking mukha, umiwas na lang ako at tumalikod sa kanya.

"Teka, wag kang tumalikod Ry ko, di ba ipapakita mo pa sa akin ang uniform mo?"

"Di ba n-nakita mo na," sagot ko naman habang pinapakalma ang sarili.

"Hindi pa, halika ka rito sa harap ko," pag aaya niya sa akin palapit sa kanya, nakaupo pa rin siya sa kama kaya pagtumayo ako sa harap niya ay hanggang dibdib ko lang ang mukha niya.

Lumapit na lang ako sa kanya para matapos na at makapagpalit na ako ng damit. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na parang manghang mangha sa nakikita.

Hmm, maganda naman talaga ang pagkakagawa nitong uniform, pati na rin ang telang ginamit. Siguro ay nagustuhan niya talaga ito.

"Ry ko, pwede ka bang umikot," pakiusap pa niya, ako naman ay sumunod na lang sa kanya.

"Hmm, hindi ba masyadong fit itong pants mo Ry ko?" tanong pa niya sakin sabay hawak sa aking hita.

Tinayuan naman ako ng balahibo dahil sa kanyang ginawa, kaya agad ko ding tinanggal ang kamay niya na nakahawak roon.

"A-Ayos lang Dylan, hindi naman masyadong masikip, nakakagalaw pa ako ng maayos."

"Buti na lang at mahaba ang damit mo, Gusto mo ba na kumuha pa tayo ng isa pang pares ng uniform?"

"Hindi na Dylan, lalabhan ko na lang ito lagi," pagtanggi ko pa sa kanya, di ko naman talaga kailangan ng maraming uniform dahil tatlong araw lang naman sa isang linggo ang pasok ko.

🌈THE KASAMBAHAY ✔ [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon