My boy bestfriend (Tagalog)

52 2 2
                                        

Love is utterly, beautiful. Horrific,and a fiction we all fantasize. Love, is truly the scariest thing in the world that you can ever conquer, it's something that you can't be brave with.

Yan ang aking paniniwala sa pag-ibig, kung kaya't hindi ko maisipang mararanasan ko saglit ang pagmamahal ko sa hindi ko inaasahang tao.

My boy bestfriend,Inigo. Siya yung tipong,may pagkaabnormal, minsan mature at siya talaga yung mas matanda saamin. (Kaya siyempre mature magisip yun minsan).


Bihira lang siya magmura pag naguusap kami, lagi kaming naglalaro ngunit dahil nga mas matanda siya saamin, may mas pinagkakaabalahan siya palagi.


Siya yung tipo ng mga babae ngayong panahon, matangkad, sakto lang yung skin color niya, pogi.



Ewan ko ba kung paano kami naging magkaibigan, ang alam ko lang ay.. nung nagaudition ako ng kanta sa school at nakita ko siya, nakangiti, kumakaway saakin at binulong na kaya ko daw yun.


Parang naramdaman ko yung hiya dahil hindi ko siya kilala that time, pero alam mo? Napangiti niya ako kahit papaano.



Pagkatapos kong kumanta, siyempre kinabahan ako. Nakakatakot itsura nung mga judges eh, parang hinihila naako sa impyerno dahil sa masama nilang titig.



Napasulyap ako kay Inigo na bigla nalang pumalakpak na ewan, kaya nanlaki ang mata ko, napayuko nalang ako ulit sa hiya kasi sumabay din yung mga judges sa pagpapalakpak.


"You did great for a grade..?"


"Grade 9 po." Sagot ko sa isa sa mga judges na nakangiti na saakin,"Ano pangalan mo hija?" Tanong niya pa at nakita ko sa peripheral vision ko si Inigo na umalis, kaya naman tumingin ako sakaniya ulit.



Saan na yun?

"Hija?" Natauhan nalang ako ulit nang tawagan ako nung judge,"po?"


"Anong pangalan mo?"


"Kalei Vantemerde." Nakita ko naman na may sinulat siya sa papel niya't tumingin ulit siya saakin, "Pakihintay nalang bukas yung results ng auditions,thank you." Napangiti niyang sabi at ngiti ko silang tinignan at umalis sa classroom na yun.

Nakita ko naman yung mahabaaang pila sa labas yung mga magaaudition din, di nga lang pala ako yung nagaaudition.. hehe.


Sinalubong naman ako ng mga kaibigan ko na sila Catherine at Jade,"Oh? Musta auditions?" Tanong saakin ni Catherine at nagsimula kaming lumakad habang naguusap.


"Ayos naman.. pero nakakahiya." Sagot ko sakaniya at nagpakita siya ng mukha na nagsasabing


naguguluhan ako,ano ba talaga?'

"Basta! Ang weird kasi nung lalake kanina eh, di ko alam kung matutuwa ako o matatakot." Napailing naman si Jade,"Tsk tsk,ano ba ginawa niya?"


"Kanina kasi, nung , nagauaudition ako, eh binulong niya na kaya ko daw.. tapos pumalakpak siya pagkatapos kong kumanta. May saltik ata eh, pero natuwa ako. Ata?"

Sabay silang napailing saakin kaya naman nagpabuntong hininga nalang ako,"Baka naman para hindi ka manerbyos, tinatawagan mo pang baliw yung tao eh." Saad ni Catherine at nag-agree nalang si Jade.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KiaraZG's short storiesStories to obsess over. Discover now