Mr. Villamor

11 0 0
                                    

Ayaw na ayaw ko talaga sa ganung klaseng babae akala mo kung sinong napaka ganda. Napaka panget pa ng ugali. Kung sino man ang manliligaw dun malamang sa malamang, aalis din agad.

"Alam mo kasi, bro. Malay mo hindi naman talaga siya ganun."

"No, Mark! Paka panget ng ugali. I already said a lot of sorry before doon sa nangyari sa airport. An-and the scene doon sa side walk. Hindi ko naman siya tinawag to help me then she'll throw words like that at me?" Galit kong paliwanag kay Mark.

"Alam mo bro. Let's have a drink na lang right after our shift para naman mawala 'yang init ng ulo mo."

Pagkatapos ng shift namin ni Mark noong gabing iyon ay naaya nya akong uminom. Pumunta kami sa bar pero hindi rin kami nagtagal dahil masyadong maraming tao at sumasakit ang ulo ko. We've decided to go to his condo at doon na lang kami uminom.

"Are you still mad at her? What's her name pala pare?" Tanong ni Mark sa akin.

"I'm not mad at her, bro. I am annoyed. I don't even know her name."

Ngayon ko lang naalala, hindi ko man lang pala nalaman ang pangalan nya. Ah, basta! It won't matter anymore. Hindi ko na rin naman siya makikita ulit. Kung anong bait ni Meira ay siya namang sama ng ugali nya. Akala mo pinagsakluban ng langit at lupa.

Nakailang bote na rin kami ni Mark nun at dahan dahan ko na ring nararamdaman ang epekto ng alak sa akin.

"Mark, I have to go. Ayoko magpasobra pare. Mag-dadrive pa ako." Sambit ko kay Mark.

"Yeah, bro. I'll see you tomorrow,then. Hatid na kita sa baba."

"No need, pare. Kaya ko na tsaka lasing ka na din." Natawa na lang siya sa sinabi ko at hinayaan na lang akong lumabas ng condo.

Medyo nahihilo na rin ako ng kaonti at iniisip kung makakapag-drive pa ba ako. Hindi ko na ininda ang sakit ng aking ulo, madalas na kasi itong sumasakit. Siguro'y dahil sa stress sa work at sa babaeng 'yun. Nasa 10th floor ang condo ni Mark. Medyo mataas din kaya nag-elevator na lang ako pababa. Habang nasa loob ako ng elevator ay mas naramdaman ko ang pagkahilo. Siguro'y napalala ng paggalaw ng elevator ang hilo ko mula sa alak.

"Sir, okay lang po ba kayo?" Tanong sa akin ng attendant.

"Yes, I'm fine." Pangiti kong sabi sa kanya.

Bumukas ang elevator sa mismong parking lot ng condo. Hindi ko na namalayan 'pagkat nararamdaman kong nanghihina ang mga tuhod ko. Sobrang masakit ang aking ulo. At sa dahan-dahang pagpikit ng aking mata ay imahe ng isang lalaking papatakbo palapit sa direksyon ko ang huli kong natanaw.

*
Pagkatapos kong samahan si Meira ay umuwi na rin ako agad, hindi na maganda ang takbo ng araw ko dahil sa lalaking 'yon. Agad akong pumasok sa gate habang bukas pa. Nilo-lock kasi 'yun ni Ate kapag alas nuwebe na.

"Ang aga mo ata ngayon." Tanong sa akin ni Ate.

"Nagpasama lang si Meira kanina, te. Tapos umuwi na rin ako agad." Paliwanag ko sa kanya. Madalang lang kasi ako umuwi ng maaga.

"Kumusta studies mo? Patapos na ang semester tama? Isang taon na lang graduate ka na."

"Okay naman, Ate. Kasama naman ako sa list ng gagraduate."

"Oo, dapat lang. Pagbutihin mo ha. Alam mo namang tayong dalawa na lang ang magkasama sa buhay."

Tumango na lang ako sa kanya habang binibigay ko ang pinaka matamis kong ngiti. Dalawa na lang kasi kaming magkasama. Si Mommy at Daddy kasi matagal na kaming iniwan. Sa heaven. Ang asawa naman ni Ate ay matagal na ring wala. Sumakabilang bahay. Kaya naiintindihan ko rin si Ate kung bakit nya ako pine-pressure ng ganito.

I JUST KNOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon