Beginning of an End

8 1 0
                                    

Pagkagaling ko ng Ospital ay dumeretso na ako sa bahay, condominium type etong nakuha ko. Nilubos lubos ko na, mamamatay rin naman ako. Ilang beses ko nang pinag-isipan ito, pasasaan pa kung gagawa pa ako ng paraan para mapahaba pa ang buhay ko wala rin namang kasiguraduhan. Sasabihin ko na lang kay Mama kapag malapit na ako doon. Ang sabi naman ni Doc, magsisimula na akong makalimot ng mga maliliit na mga bagay at 'di rin naman iyon magtatagal. Kung sino man ang makakaalam nito ay baka sabihing sobrang makasarili ko naman. Hindi ko man lang naisip ang mararamdaman ng mga tao sa paligid ko. Bahala na. Kung mawawala lang din naman ako ay mas gusto ko na 'yong 'di ko nakikita ang mga luha nila.

Makikita ko kaya 'yon sa burol ko?

Mahirap rin pala na mag-isa dito sa bahay. Nakakabaliw sa halos lahat ng pagkakataon. Miyerkules noon, hindi ko napansin na naubos na pala ang pain relievers ko. Dama ko na ang dahan-dahang pagsakit ng aking ulo. Dali akong umalis ng bahay upang pumunta sa Ospital. Habang nasa byahe ay nararamdaman ko na.

"Sir, ayos lang ho ba kayo?" Tanong sa akin ng taxi driver na nasakyan ko.

"Malayo pa ba sa Ospital, Kuya? Pakibilisan na lang po, please."

Dama nya ang hinagpis sa bawat pagbuka ng aking bibig. Nag-panic na rin siguro siya kaya in no time ay nakarating na kami sa Ospital.

Tiis lang Jake, eto na. Malapit na. Konti na lang. Sobra na ang sakit ng ulo ko, parang sasabog sa kirot. Kung mamamatay lang din naman ako maaari bang ngayon na agad. Tumumba ako bago pa lang ako makapasok sa pintuan ng Ospital.

"Sir, Sir! Ano pong nangyari sa inyo?" Takot na tanong sa akin ng gwardiya.

"D-Dr. Man-manuel, please." 'Yan na lang ang mga huli kong nasambit bago ako tuluyang mag-collapse.

*
Pabalik ako ng Ospital para kumustahin ang lagay ni Ate. Dinaanan ko pa kasi sa school Althea bago kami pumunta ng Ospital. Nami-miss na raw kasi nila yung mabait nilang nanay. Papasok na kami ng Ospital nang makita ko si Mr. Villamor. Halos gumapang na siya sa may pintuan ng Ospital. Inalalayan siya ng gwardiya bago siya tuluyang mawalan ng malay.

"Good morning, ma'am." Bati sakin ni Kuya Guard. Medyo close kami kasi madalas nya naman akong nakikita rito.

"Hi, Kuya. Ano pong nangyari doon?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko po alam, Ma'am. Madalas rin po 'yon si Sir dito sa Ospital." Sagot nya sa akin.

Gusto ko pa sanang makipag chismisan pero kinukulit na ako ng dalawang batang kasama ko, nasaan na daw ang mommy nila.

*
Nanlalabo pa rin ang mga mata ko at medyo masakit pa rin ang ulo. Nagising ako sa kwarto ni Doktor Manuel.

"Kumusta ka na, Jake?" Tanong niya sa akin.

"Naubos na pala kagabi 'yong pain relievers ko, Doc." Patawa kong sabi sa kanya.

"How many times do I have to tell you na you need medication?!" Galit nyang tanong sa akin.

"Alam mo,Dok. Bigyan mo na lang ako ng pain relievers, please."

"Gusto mo na ba talagang mamatay?!"

"Yes, please! Please, Doc. Kahit ngayon na mismo. Ayoko na. I'm so tired. If this is God's own way of saying na kakayanin ko to? Hindi ko kaya. Hindi ko kaya, Doc." Hindi ko napansin ang iilang butil ng luha na dahan dahang pumapatak sa braso ko. Hindi ito ang buhay na ginusto ko. Wala ito sa mga pangarap ko.

"Hindi na siguro kita mapipilit, Jake. Isa na lang ang mahihiling ko sa'yo. Hangga't kaya mo pa, sabihin mo na sa nanay mo."

"Alam mong hindi ko kayang gawin yun, Doc. Ayokong maramdaman ang sakit sa puso ko sa oras na makita ko siyang umiyak sa harap ko. Mas mabuti na 'yong ganito. Baka 'pag nangyari 'yon ay umasa pa akong mabubuhay pa ako." Dama ko ang lungkot sa mga oras na 'yon. Bukod kay Mama at sa pamilya ko, may maghahanap kaya sa akin. Hanapin kaya ako ni Shiela?

I JUST KNOWWhere stories live. Discover now