Conception St. corner Agiri St.

5 0 0
                                    

Pinipilit kong sagutin ang mga tanong sa isipan ko. Baka kuya nya yun. Hindi! Wala naman siyang kapatid na lalaki. Ah! pinsan nya siguro. O baka naman isa sa mga kaibigan nyang bakla. Hindi ko rin kasi nakita ang mukha.

Hindi ko na pinansin ang bagay na 'yun. Makailang ulit pa kaming lumabas hanggang sa naglakas na ako ng loob na kilalanin kung sino man yung gabi gabi niyang hinihintay.

Sinundan ko pa rin ang jeep na sinasakyan nya tulad ng lagi kong ginagawa. Habang inihahanda ko ang aking sarili saal gagawin ay naramdaman ko ang batok sa akin ulo.

"Ay pu..." Galit kong sabi.

"Uy,dre." Tinawanan niya na lamang ako.

Akala ko kung sinong sira ulo ang bumatok sa akin. Si JP pala, classmate ko nung college. Maituturing kong isa siya sa pinaka matalik kong kaibigan.

"San punta mo?" Tanong niya sa akin.

"Dyan lang sa may 7/11. May bibilhin lang."

"Ayos yan. Doon din ang punta ko eh. Sabay na tayo."

Kinamusta nya ang trabahong meron ako. Ganun din naman ako. Sa bigat ng trapiko ay kung anu-ano na ang napag uusapan naming dalawa.

"Ano,dre? May napakilala ka na kay Tita?" Tanong nya sa akin.

"Wala pa dre. Pero meron na akong gustong ipakilala. Naghihintay lang ako ng tamang panahon. Ikaw ba?"

"Ayos yan dre. Meron naman na pero hindi ko pa naipapakilala."

Nagkasundo kaming dalawa na lalabas kami kasama ang mga babae ng buhay namin. Double date kung tawagin. Halos kapatid na rin kasi ang turing ko sa kanya. "Mama" na nga rin ang tawag nya sa nanay ko.

"Uy, dre andito na tayo."

Nauna na siyang bumaba sa akin. Sumunod na rin ako dahil alam kong nandyan si Shiela pagbaba ko. Nagulat ako nang makita ko si Shiela pagbaba ko ng jeep. Nakangiti. At niyakap si JP.

"Uy,dre. Kilala mo naman si Shiela diba? Girlfriend ko pala." Batid ko ang pagkabigla ni Shiela nang makita nyang kasabay ako ni JP.

"Oo naman, dre. Paano ko naman siya makakalimutan eh classmate natin siya noon."

Hindi ko na hinayaan pang magsalita si Shiela. Dama ko ang kaba sa kanya nung gabing iyon. Kinumusta ko siya at binati.

"Pinakilala ko na sa'yo dre ah. Ikaw kelan mo ipapakilala sa akin?"

"Saka na siguro dre. Ilang taon na pala kayo?"

"Ah, halos mag-iisang taon na rin kami sa November 20."

Tumango na lang ako at tuluyan na silang tumalikod. Pansin ko ang pag-iwas ng tingin sa akin ni Shiela. Naisip ko lang bigla, halos isang taon na rin kaming lumalabas at hindi ko man lamang napansin iyon. Sa ilang buwan kong paghihintay ay wala rin palang mangyayari. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nagyari. Napansin ko na lamang na may dahan dahang dumadaloy sa mga pisngi ko. Ang sama ng kalangitan sa akin noong gabing iyon ngunit hindi ko ito masisisi dahil sa kung anong sakit ng nararamdaman ko ay yun din naman ang pagtulong nito sa akin. Bumuhos ang malakas na ulan, natabunan ang mga luhang dumadaloy sa mga pisngi ko. Palakas ng palakas na tila ba nagsasabing umiyak lang ako dahil wala namang makakapansin.

Naupo ako sa gilid ng sidewalk. Hindi ko alam kung saan banda iyon dahil naglakad lakad lang naman ako. Ayaw tumigil sa pagbuhos ng ulan at luhang meron ako. Tila ba paulit ulit na sinasaksak ng patalim ang dibdib.

"Excuse me? Ayos ka lang, kuya?" Wika ng babaeng napadaan lamang.

"May payong ako, kuya. 'Wag kang magpapakabasa sa ulan." Dagdag nya pa.

"Umalis ka na,please." Itinaas ko ang aking ulo upang makita kung sino ang babaeng ito. "Ikaw yung..."

"Bahala ka nga sa buhay mo!"

Hindi ko na siya tuluyan pang nakita ngunit pamilyar ang mukha niya sa akin. Parang nakita ko na siya noon ngunit hindi ko matandaan kung saan.

*
At sa wakas, last day na ng pasok for first semester. Kung kelan naman gusto naming lumabas ng mga kaibigan ko ay siya pang paglakas ng ulan. Nakakawalang gana.

"Uwi na lang tayo be." Dismaya kong sabi kay Meira.

"Eh wala naman kasi tayong choice, Yvaine. Punta na tayong sakayan baka lumakas pa 'tong ulan."

Bago pa man kami makarating ni Yvaine sa sakayan ng jeep ay basa na kami. Nauna siyang nakasakay sa akin dahil magkaiba naman kami ng daan. Halos isa't kalahating oras na akong naghihintay ngunit wala pa rin akong makita sa bigat ng trapiko. Sa inis na naramdaman ko mas pinili ko na lang maglakad.

"Bwisit naman kasi! Kung kelan last day na ngayon ka pa uulan ng malakas!"

"Nakakainis ah! Aalis ako eh. Aalis!"

"Tapos uulan ka ng malakas! Oh come on! 'Wag ka na kayang huminto no? Lakasan mo pa!

At lumakas nga. Grabe! Ang swerte ng last day ng sem ko. Sobrang nakakapagod kasi. Kelangan kong maging Dean's Lister ngayong semester. Grabe kasi expectation ni Ate at wala akong magagawa kundi gawin ang gusto nya. Ayoko rin kaseng masira ang tingin sa akin ni Ate.

Nilakad ko na lang pauwe, napansin ko ang isang lalaking nakaupo sa gilid ng side walk. Broken ata. Kaya ayoko ng ganyang mga bagay eh, sakit sa ulo. Madami namang nanliligaw sa akin pero hinahayaan ko lang sila. Kung gusto nila manligaw, go! Pero ayoko.

"Excuse me? Ayos ka lang, kuya?" Tanong ko sa kanya. Nakayuko siya kaya hindi ako sigurado kung narinig niya ba ako.

"May payong ako,Kuya. 'Wag kang magpapakabasa sa ulan"

"Ang sabi ko ayo-"

"Umalis ka na please." Naiiritang sabi niya sa akin.

Ang kapal ng mukha naman nitong lalaking 'to. Siya na nga tinutulungan, siya pa galit. Basang basa akong pag-uwe.

"Yvaine, kumain ka dyan bago ka umakyat. Magbihis ka rin pang awa mo na." Bilin ni Ate.

Naiisip ko pa rin yung lalaki kanina. Naiinis ako pero naaawa ako sa kanya. Nandun pa kaya yun ngayon?

I JUST KNOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon