CHAPTER 3- LETTING GO

Bắt đầu từ đầu
                                    

Napataas-kilay naman siya. "Sir JB? Co-lecturer mo ba?" Bakas sa tono niya ang interest. Titig na titig din siya sa'kin. Pauulanan na naman ako nito ng tanong.

Naririnig ko sa kukuti ko ang lyrics na 'I'm sorry that I lied'.

Lord, marami na po akong kasalanan, mapapatawad mo pa kaya ako?

"Yes."

"Oh my god! Baka siya na ang Mr. Right mo. Nanliligaw ba sa'yo?"

Natawa naman ako. Advance talaga mag-isip ang babaeng ito eh.

Paano manliligaw eh 'di nga kami close masyado ng lalaking iyon? Malas ko lang at JB pa ang pangalan na sumagi sa isip ko.

Well, Marci simulan mo ng i-close si Sir JB.

"Ah, hindi pa naman," sagot ko at pilit na ngumiti.

"Weh? Pa? So it means, hinihintay mo na lang? Ano ba account niyan sa socmed at ma-DM ko na bilisan na ang kilos."

Napangiwi naman ako habang hindi alam ang isasagot. Sa dami ba namang pwedeng maging alibi ay bakit nandamay pa ako ng taong inosente?

"Good afternoon."

Pareho kaming napalingon sa pinto at bumungad doon ang mukha ng lalaking nasa isip ko palagi at dahilan kung bakit hindi ako nakatulog kagabi.

Hindi ba siya napagod? Magdamag siyang tumatakbo sa isip ko, eh. Ang tanga niya naman kasi, dumaan na nga lang siya sa isip ko, nahulog pa siya sa puso ko. Sana naging unan na lang siya, para lagi ko siyang kasama sa pagtulog.

I know, I know ang corny. Zsss. Epekto na ito sa mga nababasa mong nobela Marciella.

"Good afternoon, boss ko," malambing na bati ni Percylla kay Ashmer.

"Good afternoon," tugon naman nito sa girlfriend niya. "Nandito ka rin pala, Cylla?"

"Ah, yes, kakarating ko lang from the studio, eh. Dito na muna ako dumiretso sa flat ni Marci dahil mas maaliwalas dito. Triple yata ang laki nito kaysa sa mga flat natin," natatawa namang saad ni Percy.

"Of course, mamatay ako kapag maliit lang ang lungga ko, 'no?"

I hate crowded places, and I'm not fond of tight spaces either, which is why I have the largest flat here. They all know the reason why. Gab and I are opposites; she gets bored with spacious areas. She's used to cramped spaces, so she has a smaller flat compared to others.

"Ano nga palang kailangan mo, boss?" usisa ko pa sa kaswal na tono.

Bakit siya nagawi rito? Sigurado ako na nakita niya naman si Percy bago siya pumasok, eh. Tumuloy pa talaga.

"Let's discuss our mission for tonight."

Mission? I wanted to ask that and raise an eyebrow, but then I suddenly remembered that I was the one who invited him yesterday.

"Mission?" usisa ni Percy. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko. "Anong misyon 'yon?" ulit ni Percy.

Gusto kong mapasapo sa noo. Bakit kasi 'yon pa ang alibay niya? Eh sa hindi naman siya nasa field eh kasi boss siya. Alibi ba talaga o sinasadya niya lang bulabugin ang sistema ko ngayon.

Damn this jerk! Pahamak.

"Ano kasi Percy..."

"It's a confidential mission, Cylla," putol niya sa sasabihin ko sana. Bahala nga siya.

"Siya ang ni-recommend ng fad na sumama sa akin," dagdag niya.

Bilib din ako sa tibay ng loob ng isang ito, ah? Mukhang malulusutan niya nga si Percy.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ