Nagpasalamat din ako dito at umupo na sa tabi ni Dylan, ngiting-ngiti naman siya sa akin habang inaayos ang magulo niyang table, napailing na lang ako sa kanya.

"Tutulungan na kita Dylan."

"Salamat Ry ko, pasensya ka na ah, di kita isinama dito para mag ayos ng table ko, trabaho ito ni Nico eh," pagpapalusot pa niya.

Napatawa na lang ako, hindi ko naman iniisip yun, masaya nga ako na-isinama niya ako rito.

Habang nag aayos ako ng table niya ay napansin ko ang name plate na nakapatong sa kanyang mesa, ENGR. DYLAN VON HENDRICKS ang nakasulat doon.

Hmm, Engineer pala siya akala ko ay isa lang syang business man. Habang ipinagpapatuloy ko ang aking ginagawa ay tumawag naman siya sa teleponong nasa kanyang table.

"Nico, do I have a meeting for today?"

"Hm, a lot? Then re-schedule all of them, except the quarteely report."

"Okay, ready all the documents for the meeting."

Napahanga naman ako sa kanya habang nakikipag usap siya sa telepono, seryoso siya at talagang napaka pormal, mukha talaga siyang business man. Ganito pala sya pag nasa trabaho.

Pagkatapos kong ayusin ang table niya ay nginitian pa niya ako at nagpasalamat.

"Ry ko, may meeting ako mamaya gusto mo bang sumama?" tanong pa nito.

Dahil gusto ko din naman malaman kung anong nangyayari sa mga meeting ay sumang-ayon na ako.

"Sige Dylan," sagot ko sa kanya at sinagot naman niya iyon ng pisil sa aking pisngi.

Nagbukas siya ng laptop at nagsimula ng magtype doon, ako naman ay inabala na lang ang aking sarili sa paglalaro sa aking cellphone. Pansin ko na habang nakatingin siya sa laptop ay may hawak pa siyang mga papeles, hmm sobra namang busy niya, pwede naman sigurong isa-isa lang.

Maya-maya pa ay dumating na si Nico para sunduin si Dylan dahil magsisimula na daw ang meeting, habang naglalakad kami papunta doon sa conference room ay parang gusto kong tanungin ulit ang aking sarili, Bakit nga ba ulit ako nandito?

Mukhang ipapahiya ko na naman ang sarili ko ah, dapat kasi di na ako sumama.

Napailing na lang ako habang nakasunod sa dalawang lalaking swabeng naglalakad sa aking unahan, ang aastig talaga nila.

Sana nabiyayaan din ako ng malaki at matikas na katawan na kagaya ng kanila, hindi kagaya nitong katawan ko ang  hubong ay parang sa babae, pero wala naman akong magagawa kung hindi tanggapin ito, sapagkat ito ang kaloob sa akin ni God.

"Uii Rylan, anong problema? Kinakabahan ka?" natatawa pang tanong niya sa akin.

"Medyo," sagot ko naman.

"Naku nga, dapat di ka na sumama, siguradong mabo-bored ka lang dun. Puro reporting lamang iyon ng bawat department," bulong pa ni Nico sa akin.

"Pero maiinip din naman ako dun sa opisina kaya okay na rin dito sa meeting, at least kasama ko si Dylan."

Hindi na siya sumagot at ngumisi na lang habang napapailing sa akin.

Bago siya maglakad papunta sa unahan ni Dylan ay narinig ko pa siyang  bumulong ng...

"Bagay na bagay talaga kayo."

Natatanaw ko na ang pinto ng conference room at nauna na si Nico doon para ipagbukas ng pinto si Dylan, napansin siguro ni Dylan na nakayuko ako habang naglalakad kaya hinawakan niya ang aking kamay habang papasok na kami sa kwarto.

Pilit kong sinisilip ang aking paligid sa ilalim ng aking buhok na nakatabon sa aking mga mata dahil sa pagkakayuko. Malawak ang silid na ito, may mahabang table at maraming upuan. Bawat upuan ay okupado ng bawat isang tao.

🌈THE KASAMBAHAY ✔ [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now