C.7 First Kiss

Começar do início
                                    

Lumukob ang kakaibang lungkot sa mukha ni Patrick at sandali itong tumahimik na tila malalim ang iniisip. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan ay tumayo ito at matamlay siyang hinarap. 

"So, hindi ako katiwa-tiwala, gano'n?" mapakla itong tumawa. "Sorry, akala ko may kwenta akong kapatid. Gusto ko lang naman makatulong sa'yo pero nakakadagdag lang pala ako sa problema mo. Sorry ha?" sarkasmo nito.

Napanganga siya sa sinabi nito. "A-ano? Anong pinagsasabi mo riyan?!"

Hindi ito sumagot at padabog na lumabas sa kwarto niya. Bumagsak ang balikat niya at naka-awang ang mga labi habang nakatitig sa pintong linabasan nito. Hindi siya makapaniwalang iniling ang kaniyang ulo tapos ay bagsak siyang humiga muli at tumitig sa kisame. Ngayon pa talaga ito nagtampo at sumabay sa mga problema niya. 

"Bwisit!" 

Nagtaklob siya ng kumot at mariing pumikit. Wala na siyang lakas para isipin pa ang pagtatampo ng kuya. She just wants to rest now. She wants to forget everything that happened last night. But as the silence in her room takes over, the blurry images of last night's terror started to get clearer.

She can hear her screams in her head like what happened last night is happening now. She can smell the stinking black blood splattered on her white uniform, she can hear and feel the terror in her deafening screams for help and she can see Ernesto's mutilated body beneath the horrifying monster he called his wife. Paulit-ulit niyang naaala ang mga ito kahit ano mang pigil niya.

Hindi niya namalayang tumulo na pala ang mga luha niya at nanginginig na ang buong kalamnan niya sa takot. Mas lalo niyang diniinan ang pagkakapikit ng mga mata niya. Pinipilit niya muling matulog kahit pa kagigising pa lang niya para hindi na niya maalala ang nangyari kagabi sa ward 511.

Lumipas ang dalawang araw at nakakulong pa rin siya sa kuwarto niya. Tumawag siya sa MNA kahapon at sinabing may trangkaso siya kaya hindi siya nakapasok. Nakapagtataka namang hindi siya sinesermonan ng ina-inahan sa pag-a-absent niya sa eskwelahan at sa trabaho. Si Patrick naman ay hindi pa rin siya pinapansin.

"Papasok na po ako sa trabaho mamaya," sabi ni Lesley habang nagtatanghalian silang tatlo ni Amanda at Patrick sa hapag-kainan.

"Mabuti naman," ani Amanda na hindi siya liningon. 

Panay lang ang pagsubo nito sa pagkain mula sa plato. Tulad ng dati wala pa rin itong pakialam sa kaniya.

"Ihahatid sundo kita mamaya," sabat ni Patrick.

Tututol sana siya nang magsalita ang ina. 

"At bakit? Kaya naman niyang umuwi mag-isa," mataray nitong sabi tapos ay nanunuya siyang tinignan.

"Oo nga Kuya. Sanay na naman ak—,"

"Marami akong nababalitaang holdapan ngayon sa lugar nila. Marami kasing adik doon," pagrarason ng kapatid.

Marahan siyang umiling at pilit itong nginitian. 

"Kuya, h'wag na. Kaya ko naman ang sarili k-"

"Huwag ka nang umangal," putol nito. 

May talim ang tingin nito sa kaniya at may diin sa bawat salitang binitawan kaya hindi na siya sumagot pa. Masama pa rin ang loob nito sa kaniya dahil hindi niya ito mapagkatiwalaan sa mga sikreto at problema niya. Nagdadamdam pa rin ito.

The Boy Behind The Red DoorOnde histórias criam vida. Descubra agora