"Ano bang klaseng ospital 'yang MNA?" puno ng kuryosidad nitong tanong. "Ano'ng nangyari kagabi sa trabaho mo, ha?"

Napalunok siya sa kaba. Naghihinala na ito at hindi iyon maganda. Hindi nito pwedeng malaman ang inililihim niya. Hindi pwede. Matinding pagbabanta ang narinig niya kay Dr. Shane kagabi at alam niyang seseryosohin nito iyon. What she has witnessed, she can't tell a soul.

"H-ha?! Wa-walang nangyari kagabi s-sa trabaho ko," pagtatanggi niya. 

Hindi niya maitago ang kaba sa nauutal niyang dila at sa mga mata niyang hindi makatingin ng diretso. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. 

"T-tama na nga 'yang pag-a-assume mo. Masama lang talaga ang pakiramdam ko kaya ayokong pumasok."

Nakahinga siya ng maluwag ng ilayo na ni Patrick ang mukha nito sa kaniya pero naroon pa rin ang duda sa mga mata nito. 

"Hindi mo ako maloloko Lesley." Naniningkit pa rin ang mga mata nito sa kaniya. "Ano nga kasi 'yon? Hindi naman nila malalaman na sinabi mo. Alam mo namang marunong ako magtago ng sikreto," pilit nito.

Marahas siyang umiling. "Kahit na, malalaman nila."

"Hindi, hindi nila malalaman. Sige na sabihin mo na."

Lumabi siya at matalim na tinignan si Patrick. 

"Basta!" pagmamatigas niya. "Basta hindi pwede! Pumasok ka na baka pagalitan pa tayo ni mama!"

"Lesley sinabi ko na-"

"Umalis ka na!" hindi niya napigilang sigaw dito. 

Maging siya ay nagulat sa kaniyang inakto. Napakurap-kurap siya rito. 

"So-sorry. Hindi ko sinasadyang sigawan ka ng ganoon." 

Nagbaba siya ng tingin. Patrick was taken aback and paused for a few seconds then his face went dark. 

"Kanina pa umalis si mama kaya hindi niya malalamang umabsent tayong dalawa," mariin nitong pagkakasabi na may bigat sa boses. 

Alam niyang galit na ito. Bahagyang namilog ang mata niya sa sinabi nito at tiningala niya ito. 

"Tayong dalawa? Hindi ka papasok?"

"Ano sa tingin mo?"

"Kuya naman e!"

"Hangga't hindi mo sinasabi ang totoo hindi ako aalis dito."

Marahas siyang bumuga ng hangin at mariing napapikit. Pagdilat niya ay kunot na kunot ang noo niyang napatitig sa kapatid. 

"Sorry talaga. Hindi ko tlaga pwedeng sabihin."

Mahigpit siyang kumapit sa kumot na nasa hita niya at nagbaba ng tingin. 

"Tama na Patrick, please. Tama na. Pagod na ang isip at katawan ko. Please h'wag mo na dagdagan ang sakit ng ulo ko ngayon at pumasok ka na," pagmamakaawa niya tapos ay nag-angat na ulit ng tingin dito. "Sige na naman. Parang-awa mo na. Marami akong iniisip ngayon at mga problema. Huwag ka na dumagdag. Huwag mo akong piliting sabihin sa'yo kasi hindi nga pwede at hindi ko rin alam kung paano sasabihin o ipapaliwanag," halos nangingiyak na niyang sabi. "Pakiusap, gusto ko munang mapag-isa."

The Boy Behind The Red DoorWhere stories live. Discover now