CHAPTER 2- FORBIDDEN AFFAIR

Start from the beginning
                                    

Natawa na lang ako sabay palatak. "Huwag ka nga, mamaya marinig pa ng isa sa girls mo rito na tinawag kita ng love, isyu na naman," pandidirekta ko pa sa kanya.

"Girls?" maang-maangan pa niya pero alam kong alam niya kung sino-sino ang tinutukoy ko. Lalaking talagang ito. Isa ring nyawa at haduf.

"Mention ko na ba?" biro ko. Sunod-sunod na iling naman ang tugon niya.

"Huwag na," kaagad niyang tugon. Sabay pa kaming natawa. "Saan ang punta mo?" usisa niya pa.

Ininguso ko naman ang kinaroroonan ng dining hall, doon din pala ang punta niya kaya naman nagkasabay na kami.

Pagdating namin ay halos kompleto na ang mga kaibigan ko, well except Percy na nasa work na naman kahit weekend pa 'yan. Workaholic 'yon, eh.

Naghiwalay na kami ni Lovimer dahil kinulit at inasar niya na naman ang tinutukoy kong girls niya kanina na sina Jeannie, his ex-girlfriend and Crystal his ex-best friend.

Pumanhik ako sa puwesto ng nagbabangayan na naman na sina Gab at Jinro. Iyong magkaaway naman nga sila pero parang 'di mapaghiwalay. Nakakasakit lang ng panga at tainga dahil sa ingay nilang dalawa.

"Good morning, Bal," bati sa'kin ng kakambal ko saka binesohan ako.

"Good morning, Bal," balik bati ko rin. Ngumiti naman siya nang malapad sa 'kin. "Bakit?" dagdag usisa ko.

"Wala, mukhang maganda ang mood mo ngayon, eh."

Weird talaga ng mga tao kapag binabati o nginingitian ko eh, gano'n na ba talaga ako kaseryoso sa buhay ko?

"Bago ba 'yang damit mo?" usisa na naman nito.

"Yes, why?"

"Ang ganda eh, saan mo 'yan nabili?"

Pinigilan kong mapangiwi. "Diyan lang sa tabi-tabi."

Ayaw kong sabihin pa na bigay lang ito sa akin ng boss namin dahil tutuksuhin na naman nila ako.

Lumapit sa table namin si Kenya habang naiwan sa isang mesa si Dailann. Nandito pa rin kasi sila nag-e-stay since pinapagawa pa nila ang kanilang sariling bahay talaga. Kagagaling lang naman nila sa honeymoon last week.

"Marci, nasaan si Kuya?" nangungunot ang noong tanong sa 'kin ni Kenya.

Napataas-kilay naman ako. Nang-aasar na naman ba ito? Pansin ko talaga na ako ang nagiging hanapan nila sa lalaking iyon at lagi nila akong tinutudyo sa isang iyon kapag kami-kami lang at kapag wala si Percy.

"I don't know, Kenya Guieco. How many times do I have to tell you that I'm not the person to search for missing individuals, especially when your older brother is the one who's disappeared?" I said candidly. She grimaced.

"Nagtatanong lang eh, 'di ba at kayo naman ang close saka..." Lumapit talaga siya sa 'kin at bumulong. "Nag-text siya sa 'kin kanina na dadaanan ka niya sa flat mo kaya sa 'yo ko siya hinahanap, Marciella Perrer."

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Dadaanan? Wala naman, ah? Saka bakit niya naman ako dadaanan, aber? Eh, sa ang lapit ng Flat ko sa dining hall. Hindi rin naman kami nagkakasabay na pumunta dito lalo na kapag umaga.

"Ewan ko sa 'yo, Kens. Sumasakit panga ko sa 'yo, sa inyo. Hindi ko alam kung nasaan siya, period."

"Ewan ko rin sa inyong dalawa ng haduf kong kuya, sakit ng bagang ko sa inyo. Mabalikan na nga lang si Dail," aniya pa na mukhang stress talaga. Eh, mas lalo naman ako.

Kumain na lang ako kaysa sa ang magpaka-stress sa mga taong malalabo kausap.

"Ate Marci, where's Kuya Ash? Kailangan niya ng ibigay sa 'kin ang allowance ko na ipinangako niya sa'kin. Need ko ng bagong laptop para sa thesis namin eh. Nahulog sa pool," nagmamaktol na pambungad sa 'kin ni Kendra, ang bunsong kapatid ni Lovimer.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Where stories live. Discover now